Chapter 21 - Let's Date

1.8K 51 2
                                    

I almost forgot the most important thing as we spend time together. Like before palagi niya akong kinukulit at inaasar. Mas sobra nga lang ngayon simula nung nalaman niyang may gusto ako sa kanya. Mas madalas niya akong nilalandi kaysa dati.

I almost forgot that he likes someone else!  Gusto ko nang isipin na wala siyang ibang babaeng gusto. Na ako lang, ako lang ang babaeng importante sa buhay niya but that would be selfish of me.

Bigla ko lang ulit naalala dahil papalapit na ang Valentine's day. Ilang araw nalang at Valentine's na. Kung hindi pa nabanggit ni Alex ay hindi ko maaalala.

Pero itong si Travis parang walang pakiramdam. He kept on bugging me kung anong gagawin ko sa Valentine's at inaasar naman ako ng iba na wala akong kadate. Of course nasa bahay lang ako having an intimate date with my laptop.

"Excuse me, I don't need a date to be happy."

Tinusok ni Josh ang tagiliran ko, "Kunyari ka pa dyan. Ang sabihin mo hindi ka niyaya ng Kurt mo makipagdate."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh kung yayain mo kaya makipagdate si Alicia hindi 'yung date ko inaatupag mo?"

That made him shut up. Crush kasi ni Josh 'yung classmate namin pero ilang beses lang sila nag usap dahil nahihiya si Josh. Akalain mo mahiyain rin pala si Josh.

"Hindi yan makikipagdate sa hindi niya gusto. Tsaka may date na 'yan, diba?" Asar ni Alex.

"What do you mean?" Tanong ni Charles at binalingan ako. "Sino na gusto mo? Kasing gwapo ko ba 'yan?"

Nagkatinginan kami ni Alex at pinandilatan ko siya ng mata kaya nagkibit balikat ka lang siya.

"Ang daya!" Reklamo niya.

I stuck my tongue out. "Quits lang. May secret rin kaya kayo!"

"You will not go on a date with Kurt." Mariin na sinabi ni Travis sa akin. Napatahimik kami ni Charles at napa-oh ang bibig ni Alex

I was taken aback by his tone. Masyadong seryoso at parang badtrip na ginagamit lang niya sa tuwing may lalaking involve.

"Aren't you too protective? OA ah." Tawa ko pero lalo siya nabadtrip. I know by the way his jaw clenched.

Ang bilis magbago ng mood niya. Kanina lang nangunguna siya sa pangaasar sa akin tungkol sa Valentine's tapos ngayon badtrip na siya. "Basta hindi ka makikipagdate sa kung kanino lalo na sa lalaking 'yun."

Looks like the guys sense the tension between us kaya agad inakbayan ni Alex si Travis palayo.

"What's with him and Kurt? Magkaaway ba 'yun?" Bulong ko.

"Don't mind him. You know him, he's possessive of what's his."

"Charles, I'm not his!"

Tinaas niya ang kamay niya. "Alright shutting up!" He zipped his mouth.

"Sabi ko na! May something talaga sainyo. Umamin na nga kayo sakin. Kung nahihiya ka edi bulong mo nalang sakin." Ani Greg. Inirapan ko nalang siya pero tuloy tuloy pa rin siya. "Itaas mo nalang kamay mo kung kayo na ba."

"Greg!" When he held my arm and raise my hand.

Hindi ba niya nakita na mag aaway na kami tapos sasabihin pa niyang may something kami.

Greg was too obsessed with Travis and I. Hay nako, Greg if only your friend likes me edi sana walang problema.

Dumaan ang araw na hindi na ulit namansin si Travis. Hindi rin siya nagtext kaya alam kong badtrip pa rin siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mood swing niya.

Tingin ako ng tingin sa phone ko at hindi ako makaconcentrate sa binabasa ko. Sinara ko ang libro at dinampot ang phone na nasa tabi ko. Ako rin pala ang hindi makakatiis sa kanya.

Me:
Are you still mad?

Humiga ako sa kama habang nagaantay ng reply. Medyo matagal bago siya nagreply but atleast he replied. Snob pa naman 'to pag galit.

Travis:
No.

It took him 10 minutes to type a 2 letter reply. He said no but I know better. Kasalanan talaga ni Josh 'to!

Me:
Bakit ka ba nagagalit?

Travis:
Don't go on a date please?

I was surprised by his reply.

Me:
Why?

I waited for his reply pero hindi na siya nagreply. He is making not replying at the most crucial times a habit and I hate it.

Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nagpapakapossessive siya sa akin kahit na hindi naman dapat. I'm not a kid anymore, I can handle shits.

Nagtype ulit ako ng message sa phone ko at sinend sa kanya.

Me:
You know I hate waiting for nothing. Kung ayaw mong sagutin you can just tell me hindi 'yung pinapaasa mo ako sa reply na hindi darating.

Biglang tumunog ang phone ko at agad akong nagpanic. Shit!

"Hello?"

"I'm outside your house right now, come out?"

Napatayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. I was still wearing my glasses and my hair is in a messy bun. But who cares nakita na nga niya ako ng bagong gising.

"Okay, wait." Then I hang up the phone.

Pinatong ko lang ang sweater ko sa suot kong shirt at shorts.

Nakita ko ang pamilyar na itim na kotse sa tapat at agad akong pumasok.

Tahimik lang kami sa loob and it was starting to get uncomfortable kaya nagsalita ako.

"What made you come here? You can just text."

"I wanted to say sorry for earlier."

"That's it?" Tumaas ang kilay ko.

I know there's more pero tumango lang siya kaya naisip kong bumaba na. It was suffocating inside his car.

Binuksan ko na ang pinto pero hinawakan niya ang braso ko.

"Date me."

"What?" I heard him pero gusto ko lang makasigurado.

He sighed and repeated his words.

Napatawa nalang ako. I can't believe he will say that to me. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano pero mas nangingibabaw ang inis ko.

"Are you saying that so I won't date anyone else? Travis, sinabi kong gusto kita pero hindi ko inexpect na gagamitin mo 'yun laban sa akin. If you don't want me to date someone fine."

Wow I got out in the middle of the night just to be insulted by him. Hindi ako makikipagdate sa kanya for the sake of that. And as if naman na may balak talaga akong magdate sa 14. In the first place wala naman sa plano kong makipagdate sa 14, masyadong overrated!

"Travis seryoso ka ba sa babaeng gusto mo? You asking me on a date just mean hindi ka seryoso sa kanya. Pwede ba, hindi kami laruan na pwede mong paglaruan." I opened the door but before I step out hinarap ko siya,

"And one more thing, stop flirting with me. It's annoying!"

I didn't wait for his explanation dahil baka mainis lang ako lalo at kung ano pa ang masabi ko.

He's unbelievable. Anong akala niya sakin, isa sa mga babae niya? Excuse me lang but I'm not that cheap and I won't be that desperate.

The Only Rose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon