Chapter 54 - Pizza

1.4K 39 0
                                    

My house was a mess after they left. Grabe! Shouldn't have let them stayed for a night. My bad. Hindi na ako natuto sa mga nangyayari! They left just like that pagkatapos nilang manggulo at magkalat para daw may magawa ako at hindi nangiistorbo sa kanila. Pagkatapos ko naman magligpit ay naisipan kong magFacebook. Naalala ko na hindi ko pa nga naaaccept ang friend request sa akin ni Travis. I scrolled down my friend request and saw his name there. I clicked confirm then I also accepted some of the requests then I proceed to viewing his profile.

Hindi na pala siya nagfifacebook dahil wala akong makitang bagong update. Ang last pa ay 'yung picture nila Alyssa together at the airport. He doesn't even post their pictures. Kahit sa tagged photos ay walang picture nilang dalawa. Really, stalking him again? Ugh!

Sa sobrang wala akong magawa ay naisip ko naman gumawa ng group chat.

Brielle: Hello guys! Miss you all!

Yna: Okay? Anong kailangan mo?

Hannah: Hello hello! Miss you too!

Brielle: Bawal ko ba kayo mamiss? And bored na bored na kasi ako dito sa bahay! zzz

Yna: Ay kaya naman pala...Date date rin pag may time. Gayahin mo si Reyna. Yuhoo Reyna!!

Hannah: Mag gym ka kaya? Maglinis? Magtanim?

Hannah: Totally agreeing with Yna. Makipagdate ka nalang!

Yna: Hahaha natawa ako sa magtanim! Hoy saan mo nakuha 'yung magtanim? Bakit nagtatanim ka ba dyan sa Batangas?

Hannah: Nagsusuggest kasi ako!

Brielle: Ginawa ko na lahat girls pero it's just so boringgg!!

Reyna: Ako nanaman! Excuse me hindi ako nakipagdate kasi busy 'yung bwisit!

Yna: Ay may LQ?

Reyna: Please lang, hindi noh! We're not even lovers!

May LQ nga..

Brielle: Eh bakit kayo nagl-LQ?

Reyna: Hindi nga sabi LQ!! Argh, wait! Ayan the bwisit is calling! Bye!

Brielle: Looks like tayong dalawa nalang Yna. Let's hang? I have kwento!!

Hannah: Ang daya! Gusto ko rin ng kwento! Wait sama ako, punta ako Manila now!

Yna: G!! Wow Hannah babyahe para lang sa kwento? Ano tara? Reyna! Are you g??

Brielle: May date yan si Reyna noh. Let's meet at 4 para makaabot si Hannah? Yay bye! Will text you guys!!

Those two just won't admit na sila na nga! Confirmation is all that left. Lahat ay nagdududa na sila na but they always deny it. Denial king and queen! I don't see the point in denying dahil halata naman sa constant LQ nilang dalawa. Wala naman friends na nagllq palagi diba.

We met at a coffee shop near Yna's. Hannah was the last one to come since galing pa siyang Batangas. I thought she was just joking pero seryoso pala siya. All for chismis.

"So what's your kwento?" Sinuklay ni Hannah ang buhok niya pagupo niya.

"Nothing. Miss ko lang kayo. I just used kwento my alibi para makita kayo."

"You are so evil! Evil!" She dramatically said and rolled her eyes at me.

"Okay just kidding. Alyssa and I had small talk yesterday night and it was amazing you know hindi talaga ako naiinis sa kanya. I tried to find something about her na pwede kong kainisan pero wala, e. I even find her pagiging maarte cute."

"Alam mo bakit kasi maarte ka rin! Ewan ko talaga sayo friend. Hindi na kita maintindihan. 'Yun lang talaga yung sasabihin niya Hannah. Sayang pagod mo! Magoorder nalang ako dahil nagugutom na ako."

Why are my friends so mean to me? But I'm serious here, hindi talaga annoying si Alyssa! We even slept in the same room and she taught me some of her beauty tips. I think she's near to becoming my best friend.

Tinapos namin ang pagkain and we decided that we go to Reyna's house dahil hindi siya sumasagot ng phone. Of course we bought pizza before heading to her house.

Buti nalang manang said that she's up in her room. Nagcount kami to 3 bago namin binuksan ang pintuan.

"Surprise!" Sabay sabay namin sigaw pero kami pa ang nagulat imbes na si Reyna. Halos mahulog namin ang dala namin pizza nang namataan namin si Greg sa kwarto ni Reyna.

Not just that because they are cuddling for heaven's sake! Cuddle! Now, only couple cuddle right?

Reyna is pushing Greg away but Greg pulled her in. Tighter. I saw it. Kaya kami nalang ang nahiya at lalabas na sana nang pigilan kami ni Reyna kaya unti unti kaming humakbang papasok ng room niya. Imagine kami ang nahiya sa sweetness nila? They are still in the cuddle position though while watching a movie. A chick flick movie actually. Gusto kong pagtawanan si Greg but I'm too surprise to even react.

I knew about them pero I can't help pa rin to be surprise. It's different when you see it with your own eyes. Parang dati lang nagchachat lang sila at pakilig kilig pa itong si Reyna!

"Napanood niyo na 'to?" Reyna asked pertaining to a Nicholas Sparks movie.

Tumango ako, "It had a sad ending though." I hate how they did not end up together. I love happy endings!

"Spoiler ka talaga Brielle noh? Istorbo pa!" Greg tsk-ed.

"Hoy ikaw kaya dyan! Just admit it you two are dating. Ang daming kyeme naman!"

"Pizza anyone?" Pagaalok ni Hannah.

"What if we are? At least di ko dinedeny." Greg answered.

Humalukipkip ako, "You did deny it for so many times."

"Now I'm admitting it. Happy?" He sneered at me. Oh dear ngayon ko lang nakita ang mahiyaing side ni Greg.

"Very Greg. Very. So, pizza?" I smiled widely.

Kinain namin ang pizza habang tinatapos nila ang movie habang kaming tatlo ay busy sa panonood sa kanila. Minsan may mga small talks sila sa gitna ng movie tapos minsan ay hahalikan ni Greg ang ulo ni Reyna. Ang sweet lang talaga! Inggit? Okay maybe just a little.

Pagkaubos ng pizza ay tinalon ni Yna ang kama ni Reyna at umupo sa tapat nilang dalawa then here the intrigahan goes.

"Ang sweet niyo ha kainis lang samantalang kanina may LQ pa kayo nalalaman!"

Nanlaki ang mata ni Greg, "You told them?"

"I didn't! They guessed it alright?"

"Oh Reyna ayan ka nanaman sa pagiging madaldal mo--" Greg said.

"I told you I didn't!" Tumaas ang boses niya at nagkatinginan kaming tatlo.

Uh-oh patay. Yna cleared her throat at sumenyas sa amin na siya nang bahala. Halos napatalon ako nang bigla siyang sumigaw,

"Please lang ha, respeto sa single dito! Wag mag-lq sa harapan ko, okay? Leche lang!"

The Only Rose (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora