Part 11

12.9K 444 64
                                    

11

Lex POV

May mga dumadating sa buhay natin na nawawala at meron namang na nanatili. Sabi nga nila kung may aalis merong darating. Hindi na nagparamdam sa akin si Adam. Ni hindi lumapit para humingi ng tawad o ano. Sa isang iglap nawala lahat. Hindi na naman din ako umaasang haharapin niya ako at hihingi ng tawad. Saka kung mangyari man iyan.. hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya. Sa mga nagawa niya ba sa akin tingin ko ay di niya deserve. Wala siyang puso e. Makapal ang mukha. Mapagkunwari! Ayaw ko na rin namang makita si Adam.

I don't want to hold grudges, but I can not help it. Pero sa mga nangyari sa amin ni Adam nagpasalamat pa rin ako dahil kung hindi dahil sa kanya siguro ay mananatiling misteryoso para sa akin kung sino ang sponsor ko, ang taga-bigay ng cookies sa akin. Siguro ay di ko rin lubusang makikilala si Amos. Ang lalaking muling bumuhay sa puso ko. Ang lalaking nagtyaga sa akin. Ang lalaking hinintay ako. Ang lalaking walang ginawa kung hindi mahalin ako.

Hindi ko alam kung vocal lang ba talaga si Amos o sadyang ganyan na kapag older sa'yo ang tao. Kasi si Amos harap-harap at walang hiya niyang nilalathala ang kanyang damdamin para sa akin. Walang hiya-hiya niyang sinasabi sa akin ang katagang 'I love you' kahit na wala siyang natatanggap na sagot galing sa akin. He just smiled and spoke.

"Don't pressure yourself, Lex. I'm willing to wait for you even if it takes many years. Being this close to you is already fine with me."

And now here he is standing meters away from me with a boquet of tulips flowers with him. A wide smile plastered across his flawless and handsome face. A face that can hold thousands of women just by standing. Dear God! Ano ba ang nagawa ko sa mundo para ibigay ang ganitong klaseng lalaki sa akin. He is definitely the man that I've never dreamed, but God gave him to me. A lot of women were swooning around him, but eyes only laid on me.

"Congratulations, baby." he muttered.

May kumiliti sa puson ko sa pagtawag niya sa akin baby. Truth to behold, Amos definitely is babying me.

"Thank you." I said and accepted the flowers.

"You're extra pretty today."

My face heated. Dàmn this old!

"Akala ko di ka na darating." mahinang kong saad.

Katatapos lang ng graduation namin at akala ko ay di na siya dadating. Nag-march na ako sa stage nang makita ko siya na pumapalakpak sa pinapadulo ng hall. Sa dami-daming tao sa hall my eyes only fixed on him. The most important person whom I want to see in my graduation day.

"I caught up with my schedule. May isang meeting akong dinaluhan kasi needed talaga today. Pina-move ko nga ng maaga pero dina-anan ko rin si Sister Jane. She wants to see you."

At doon ko pa napansin si Sister Jane sa likod na nakamasid lang pala sa amin ni Amos.

"Sister!" ako at sinugod ko siya ng yakap.

"Ang laki mo na Lex." si sister Jane. "Kumusta ka na. Di ka na dumalaw doon sa ampunan."

Na-guilty naman ako doon. Totoong di na ako nakakadalaw doon. Dahil sa school at sa mga nangyari sa akin past months.

"Oo nga sister. Pasensya na po."

Hinaplos ni Sister Jane ang buhok ko.

"Ayos lang Lex. Masaya ako sa narating mo ngayon. Masaya ako na ang batang laging kumukulit sa akin noon na magpabili ng cookies ay lumaki ng maayos."

Agad din naman an umalis si Sister Jane dahil di niya naman pwedeng iwan ang ampunan ng matagal.

Inaya ako sa labas ni Amos at sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag ako. Akala ko ay dadalhin niya ako sa mamahaling restaurant o sa ano isang exclusive na kainan pero imbes na ganun ay ako pa ang tinanong niya.

"It's your day, Lex. Tell me kung saan mo gustong pumunta dadalhin kita." saad ni Amos nang nasa sasakyan na niya kami.

Malaking parte sa puso ko na lumigaya sa sinabi ni Amos. He is not just considering himself but for me as well. Hinihingi niya rin ang gusto ko.

Sinabi ko kay Amos kung saan ko gustong pumunta at walang reklamo niyang sinunod ang gusto ko kahit na malayo. Sinusubukan ko lang naman siya kung di ba siya aangal at di ako na dismaya.

Matapos kaming kumain ni Amos ay inaya ko siya na umuwi kami. Talagang lumabas lang kami ng syudad para lang kumain.

Pagkapasok ko sa shotgun seat ay umikot din si Amos para sumakay sa driver's seat. Agad akong nag-seatbelt. Pumasok na si Amos at akala ko ay aalis na kami ng nay binigay siya sa akin maliit na box.

"Ano to?" tanong ko at sinuri ang box na may naka-tatak na Tiffany & Co.

Tiningnan ni Amos ang box na nasa kamay ko bago tinitigan ang mukha ko.

"It's a necklace, Lex."

Hindi ako bobo para hindi malaman na isang luxury jewelry brand ang Tiffany & Co. At magkano naman itong necklace na ito? Hindi ba sobra-sobra na ito.

"H-Hindi ko ito matatanggap, Amos." Ani ko at binigay sa kanya ang box.

Gumalaw ang kanyang panga at pumikit. Kinuha niya ang kamay ko saka nilagay ang box sa kamay ko.

"It's yours. Binili ko ito especially for you. This is my graduation gift for you. Cause you deserve it, baby. Please, accept it or else I will throw it away."

Hindi ako nakapag-salita at tiningnan ko ang box sa kamay ko.

"Open it." excited na wika ni Amos.

Sumulyap ako sa kanya bago dahan-dahan na binuksan ang box at napakurap-kurapa ko. Isa siyang manipis na gold necklace at may pendant na letter L.

"Amos.."

"Turn around. Ako na magsusuot niyan for you."

Kinalas ko ang seatbelt saka binigay sa kanya ang necklace at tumalikod ako.

Halos manindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang lumandas ang kamay ni Amos sa batok ko. Napalunok ako.

"Done." bulong ni Amos sa batok ko at naramdaman ko ang mainit niyang labi sa batok ko.

Umayos ako sa pagkakaupo at binaba ko ang nata upang makita ang necklace. Nakakatakot isuot sa sobrang nipis noon. Tapos kumikinang pa. Nakakasilaw ng mata sa mga magnanakaw!

Humarap ako kay Amos.

"T-Thank you." utal ko.

He smiled.

"Anything for you."

Ngumiti ako sa kanya at napako ako aa kinau-upuan ko ng maramdaman ko ang kamay ni Amos na hinaplos ang leeg ko.

Lumunok ako.

Hindi ako naka-ilag nang dumukwang si Amos at hinalikan ang leeg ko.

"Dàmmit! I really love you so much, baby." namamaos niyang saad.

"I.. I.. I l-love.. you." parang kinapos ko sa hiningang saad.

"Ah!" impit kong sigaw nang makagat ni Amos ang balat ko sa leeg.

Sinikop niya ang pisngi ko.

"W-What did you say? Can you repeat it, Lex?"

Uminit ang pisngi ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya kaso iyong eyeballs ko laging hinahanap ang mata ni Amos.

"M-Mahal na rin kita." Mahina kong wika.

"Fùck!" Mura ni Amos at sinunggaban ako ng halik. He nibbles my lips and bit it before letting it go.

"Does.. does this mean that we.. we are.."

"Tayo na." Pagtatapos ko sa kanya. Niyakap niya ako at pinugpog ng halik ang mukha ko.

"Thank you, baby. Fùck! Parang ako ang grumaduate!"

BEWITCHED 1 (BL)Where stories live. Discover now