Part 13

13K 412 25
                                    

13

Lex POV

Two weeks had passed since Amos and I were official. Masasabi ko sa mga araw na iyon ay walang palya si Amos sa pagpapasaya sa akin at sa puso ko. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay parang bago sa akin ang lahat. Iba ang pakiramdam ko kapag nandyan si Amos. I can feel security. Love. Afflection. Respect. I can feel Amos sincerity. Para akong bulaklak na kaka-bloom pa lang. Ang gaan sa pakiramdam. Ang sarap.

Hindi ko naman sinasabi na na walang respeto sa akin si Adam. He had pero nga lang it was just an act. It wasn't sincere at all.

Our relationship ran smoothly. Hindi ko alam na magiging ganito kami ni Amos. He was way older than me, but we synced. He can jive with me, and I am to him. He talks about his business, and I can listen to him attentively. He shares his past experiences in business. His failures, his achievements, his high school journey, college, and even his master's degree in Amtersdam. Gustong-gusto ko kapag si Amos na iyong nagku-kwento sa akin kasi parang nadadala niya ako sa kwento niya.

Marami nang narating si Amos sa business man iyan o sa buhay niya pero nakapa-down to earth niya pa rin. Tumutulong din siya. At isa siya sa matagal na na-sponsor doon sa bahay ampunan kung saan ako nanggaling. Hindi ko nga alam kung bakit wala siyang naging matino na girlfriend.

One time, natanong ko sa kanya ang tungkol sa kanyang mga past relationship at di naging maayos ang usapan namin kasi nauwi lang iyon sa insekyuridad ko. Nakikilala ko kasi ang mga naging flings niya. Iyong iba naging artista. Iyong iba model sa FHM. Iyong iba naman kasosyo niya pa sa negosyo.

"Hey, what are you sulking, hmm." si Amos ng nang humalukipkip na lang ako at di na nagsalita.

Sinong gagahan nun? Tanda niya pa ang mga ex-flings niya! Tanda niya ang pangalan! At nakakairita na nakangiti pa siya habang nagkukuwento sa akin.

"Parang gusto mo pa iyong mga flings mo!" Iritado kong wika at tinampal ko ang kamay niya na ginapang niya sa baywang ko.

"Jealous?" natutuwa niya pang turan.

Mas nagusot nag mukha ko at humaba ang nguso ko. Ayaw ko nang magsalita. Nakakainis na!

"Ikaw ang nagtanong sa mga naging fling ko. Pero ikaw din itong nagmamaktol." aniya at nilagay ang kanyang baba sa balikat ko.

Gabi na at nandidito kami sa kama ko na maliit. Uuwi rin naman siya mamaya. Dito lang siya minsan tumutuloy galing sa opisina niya. Di pa nga siya nagbibihis sa polo at slacks niya.

"Bakit kasi natatandaan mo pa sila? Talagang pati mga pangalan natatandaan. Alam mo pa ang mga trabaho nila. Tapos may pa ngisi-ngisi ka pa. Siguro ay naaalala mo ang mga landian niyo noon. Nagpapahatala ka masyado Amos na may gusto-"

Napatigil ako nang hinuli ng isang kamay niya ang baba ko at hinarap sa kanya at siniil ako ng halik.

Tumaas-baba ang Adam' apple niya.

"Stop talking. You're making me hard when you talk so much, baby." pahayag ni Amos at binaon ang mukha sa leeg ko. Malalalim na hininga ang kanyang binibitiwan doon.

Nakagat ko naman ang dila ko at di makagalaw.

"E-Eh, ikaw kasi.."

"Sshh! Let me calm myself down, baby. Please." he begged and hugged me tighter.

Kaya iyong mga ganoong insidente ay iniiwasan ko na. Di na ako nagtatanong pa kay Amos sa mga ganoon. Mapupuno lang kasi ako sa insekyuridad sa pagkatao ko at sa kung anong meron ako at wala na kayang ibigay ng mga babae kay Amos.

Di man sabihin sa akin ni Amos pero naa-awa rin ako sa kanya minsan. Alam ko kasi na sobra-sobra na ang pagpipigil niya sa kanyang sarili. Ayaw niya daw na biglain ako. E, may nangyari na naman sa amin kaso nga lang di rin tanda iyong mga detalye kasi na-drugged ako noon.

BEWITCHED 1 (BL)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang