Chapter 19

763 23 1
                                    

Sa umagang ito ay hindi ako nasundo ni Mark. May importante daw siyang gagawin kaya naman pinasundo niya na lang ako.

Napakalaki ng ngiting nakaplaster sa mukha ko dahil sa nangyari nang nagdaang gabi. Kaya hanggang ngayon ay baon ko pa rin ang saya nung mga oras na yun.

"Mahanginan ka dyan. Di na mawala yang ngiti mo" puna ni Ella sa akin

"Bakit bawal maging masaya" kontra ko agad sa kanya.

"In love ka noh?" biglang singit nito. "Blooming ka eh. Mas gumaganda ka lalo ngayon" pambobola nito

"Oo na libre kita mamayang lunch. No need na bolahin mo pa ako"

"Yown, kaya love kita Arisse eh laging may pa free lunch"

Sabay kaming nag lunch ni Ella at simula pa kanina ay di ko pa rin nakikita si Mark.

Asan kaya siya?

Tapos na ang lunch pero di pa rin siya nagpapakita sa akin. Madalas kasing sabay kaming kumain. Madalas din siyang bumisita dito sa table ko para magdala ng meryenda ko pero ngayong araw ni anino niya di ko nakita.

Gosh, I miss him! Kahit isang sulyap lang mabubuo na agad ang araw ko.

"Psst Ella" agad naman akong nilingon ni Ella "Alam mo ba kung nasan si Mark? Di ko pa siya nakikita eh"

"Kakadating lang kanina after lunch nasa office ang alam ko eh mukhang mainit nga ang ulo. Inaway mo ba?"

"Baliw" natatawa kong sabi sa kanya

Kanina pa pala siya nasa office oh bat di nagpapakita sa akin?

Tumingin ako sa orasan at nakitang 2:30 pm na. At dahil sa kagustuhang makita si Mark ay naisipan kong dalhan na lang siya ng merienda sa office niya.

Bumili ako sa pantry ng paborito niyang banana cue at orange juice. Inayos ko muna ang sarili ko bago kumatok kaso wala akong narinig na sumagot

Baka busy?

Kaya dahan dahan ko na lang binuksan ang pintuan pero mukhang ako ang nasorpresa sa nakita ko.

Margie was sitting on his table while he was standing and their lips are against each other. Margie is gripping his collar while he is holding Margie's waist.

Naestatwa ako sa nakita ko. Hindi ko alam pero parang may biglang namuo sa lalamunan ko at nahirapan akong lumunok. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila at parang kinukurot at pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita ko.

I know this feeling! I felt this once! Sh*t!sabi na eh ako ang talo! Sa dami dami ba naman bat sa kanya pa Arisse

"F*ck" narinig ko ang boses ni Mark kaya napabalik ako sa sarili

"Sorry. Hindi ko alam. Iwan ko na lang to" sabi at inilapag sa malapit na table ang dalang pagkain

"Istorbo" rinig kong sabi ni Margie

"Arisse" rinig kong tawag ni Mark pero di ko siya nilingon. Mabilis kong sinara ang pinto at tumakbo papuntang elevator. Nang makapasok sa loob ng elevator ay biglang nanlabo ang mga mata ko. Nagbabadya ang mga luha sa pagbagsak. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo nito.

Tumunog ang elevator ibig sabihin ay nasa ground floor na ako. Tumakbo ako palabas ng building. Dun ko lang napagtanto na wala akong dala na kahit ano. Walang cellphone, walang wallet, walang bag. Di ko na naisip yun kanina, ang gusto ko lang makalayo sa presensya ni Mark.

Habang naglalakad ay di ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko ito pero tuloy tuloy ang luha ko. Wala na akong pakialam sa mga nakakasalubong kong nakatingin sa akin. Ang alam ko lang masakit, nasasaktan ako.

Villafuerte Series #1: Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon