Nagising ako nang wala si Mark sa tabi ko. Tatayo na sana ako nang makaramdam ng sakit sa gitna ng aking mga hita
Sh*t! It hurts!
Napansin kong nakasuot na ako ng tshirt ni Mark na umaabot hanggang sa legs ko. Nakasuot na rin ako ng panty. Marahil ay si Mark na ang nagbihis sa akin dahil nakatulog na ako kagabi. Hindi ako makagalaw dahil mahapdi at masakit ang aking pagkababae.
Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at bumungad ang isang topless na Mark na may dalang breakfast.
Good morning, Indeed!
Napangiti agad ako dahil sa kapilyahang naisip ko. Mabilis na nilapitan ako ni Mark at inihiga ulit para yakapin.
"Good morning to the woman I love" bati niya habang inaayos ang buhok kong napunta sa aking mukha
"Good morning" sabi ko at kinurot ng tungki ng kanyang ilong.
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya mula roon na nagbibigay ng ibang init sa aking katawan.
"What do you want for breakfast cofee, tea or me?" panunukso nitong tanong
Natawa ako sa kanyang tanong at napahampas sa kanyang braso
"Pilyo" asar kong sabi sa kanya "I'm still sore" at napanguso nang makaramdam ng hapdi
"Oh, sorry about that. Promise to be more gentle next time"
"At sinong may sabing may next time?" natatawa kong tanong sa kanya
"You're mine baby and I love to make you feel it over and over again"
Niyakap ko sya habang nakahilig sa kanyang dibdib at napangiti
I love this man so much.
Sumapit ang Sabado at tulad nang napag usapan ay dalawa kami ni Jay na pinadala sa resort pero kay Mark ako sumabay dahil ayaw niya talagang pumayag na sasabay ako sa ibang lalaki.
Nauna kaming makarating sa beach resort kaysa kay Jay. Hindi ko pa rin mapigilang humanga sa ganda nito.
"Do you love this?" tanong niya habang yakap yakap ako mula sa likuran. Nakaharap kami ngayon sa kulay asul na karagatan. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.
Nakangiti akong tumatango.
"You'll have this soon" bulong nito sa akin
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Tumatawa siyang binigyan ako ng halik sa mga labi na agad ko namang tinugon.
Gosh! I really can't stop kissing him!
"Our children will run in this place habang hinahabol natin sila" sabi niya sa gitna ng halikan naming dalawa.
Napatigil ako sa paghalik sa kanya
"Children?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya "Ilan ang gusto mong anak?"
"4 minimum, 12 maximum?"
"What??! Ano ako baboy! Hindi ko kaya yun" sabi ko at napanguso dahil sa tinuran niya
Iniharap niya ako sa kanya.
"How many do you want then?"
"I'm okay with four, two girls and two boys. I like them to look like you. I want to stare at them and see your face in them" I giggled while saying those words.
"You are so adorable" at niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Spend a lifetime with me baby. I'll give you a warm and beautiful family"
"I will" ngiting ngiti kong sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Villafuerte Series #1: Hate That I Love You
RomanceArisse Mae Delos Santos, a perfect woman. Nasa kanya na lahat ng hihilingin mo. Yaman, talino, ganda, mapagmahal na magulang at karelasyon. She's living the life of every woman's dream not until that night happened where everything crumble upon her...