Chapter 38: Second Thoughts

2.2K 41 6
                                    

Alice's POV

Wala akong maramdaman na kahit ano. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magalit o malungkot eh. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari kaya hindi ko na alam kung paano ako mag-rereact sa ganitong sitwasyon. Walang ding ibang pumapasok sa loob ng utak ko. Basta ang alam ko lang ay..

Nalilito ako.

Litong-lito.

Hindi na bago ang ganitong pakiramdam sa'kin ngayon. Pero mas kakaiba ito kaysa dati. I was confused. Not just emotionally but also mentally. Para bang nag-aaway yung puso't isipan ko. Halos magmanhid na nga yung buong katawan ko eh.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Pero hindi ko siya makita. Hindi ko makita si Dylan. Nasaan na ba siya? Late na naman ba siyang papasok? Absent kaya siya?

Kailangan ko siya ngayon. Gusto kong itanong sa kaniya ang lahat ng mga tanong na nasa isip ko. Gulong-gulo na ko.

"Diba may nanliligaw sa kaniya ngayon?"

"Oo. Tapos makikipaghalikan lang pala siya sa iba."

"Pinapaasa lang niya yung manliligaw niya."

"Nakakaawa naman pala siya kung gano'n. Umaasa lang siya sa wala."

Lahat ng mga mata ay nasa akin. In a negative way. Tingin na nila sa'kin ngayon ay isang malandi at paasang babae. Gusto kong tumakbo palayo ngunit hindi ko naman maigalaw yung mga paa ko. Para bang may humihila sa mga paa ko pababa at sinasabing, "Hoy! Hindi ka pwedeng tumakas! Dito ka lang at pagbayaran mo itong ginawa mo!"

Hindi ko kaya ang ganitong klase ng sitwasyon. Ginawa ko naman lahat para lang umiwas sa gulo. Pero heto. Nangyari pa din. Ano bang ginawa ko para mangyari 'to sakin?

Nagmahal lang naman ako ah. Kasalanan ba ang magmahal? Kasalanan ko ba kung magkagusto ako sa dalawang tao?

Kung kaya ko nga lang turuan ang puso ko na huwag magmahal, gagawin ko na nang walang pag-aalinlangan. Kaso hindi eh. You can't force your heart to love or to unlove someone.

Para bang tumutulak ka lang ng isang kalabaw mula sa isang bangin para turuan siyang lumipad. Tanga ka nalang din kung sa tingin mo'y mangingitlog yun kapag tinururan mo. Eh ang turuan mo ngang magmahal ng iba ang sarili mo eh hindi mo rin magawa.

In short. Imposible.

"Alice." natauhan ako sa taong tumawag sa pangalan ko.

Inangat ko yung ulo ko. Nagulat nalang ako nang makita ko nalang si Brix sa harap ko na may seryosong expression sa mukha. Hindi ko namalayan na kanina pa pala akong nakatulala sa sahig.

Napatingin ako sa freedom board at napansin kong wala na yung litrato doon.

"Tara." Kinuha niya yung kamay ko tapos itinakbo ako palayo.

Nung hinawakan niya yung kamay ko, doon ko lang naramdaman na kaya ko palang igalaw yung mga paa ko. Na kaya kong tumakbo mula sa mga titig ng mga tao sa paligid.

Takbo lang ako ng takbo. Hinayaan ko lang si Brix na hilahin ako palayo sa high school building. Namalayan ko nalang na dinala pala niya ako sa may maliit na garden sa parking area.

Mula nung tumigil kami sa pagtakbo, napansin kong nakatalikod lang si Brix sa'kin. Hindi niya magawang humarap sa'kin. Malamang nasaktan ko siya. Na-guilty nalang akong bigla. I feel like I betrayed him.

"I'm sorry..." pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak.

Hinarap na ako ni Brix.

"Wala kang kasalanan." hinawakan niya ang pisngi ko.

Something Tells Me I'm Falling in Love ✔️Where stories live. Discover now