Prologo - November 23, 2014

462 17 0
                                    

SanVisMis Group of Companies mas lumaki pa!

Binili ng SanVisMis Group of Companies, isa sa pinakamalaking kompanya na nagmamay-ari ng ilang sikat na shopping malls, ang huling kompanyang nag-eexport ng kape sa bansa.

Ayon sa inilabas na press release ng kompanya ay binili nila ang Barako Exports ng 8.23 milyon at nagsimula ang mismong acquisition na ito noon pang ika-20 ng Nobyembre, tatlong buwan pagkatapos malugmok ang Barako sa utang.

Pinangunahan naman ang acquisition activity na ito ni David Santiago, isa sa may pinakamalaking share sa kompanya at kilalang nagmamay-ari ng ilang shopping malls at coffee providers sa Boro province at sa kalapit na mga probinsya nito.

Nang mainterbyu pa si Santiago ay sabi nito na, "This is a great opportunity for the company (Ito ay isang magandang oportunidad para sa kompanya)."

"We and the Barako owners really talked about it for months and have decided over something that both sides will benefit of (Kami at ng nagmamay-ari ng Barako ay talagang nag-usap ng ilang buwan at nakapagdesisyon kami sa isang bagay na mapapakinabangan ng bawat panig)," ani pa ni Santiago.

Nang maitanong naman si Santiago tungkol sa kung ano na ang nangyari sa anak nito sa unang asawa, ang sagot nito ay, "We are good, and he is living fine with me and my wife (Mabuti kami, at maayos ang pamumuhay niya kasama ako at ang aking asawa)."

Kamakailan lang ay huling nadawit si Santiago sa isang eskandalo nang mabalita ang pagpapatiwakal ng una nitong naging asawa na si Marie Joyce Ibañez sa mismong bahay nito noong ika-26 ng Agusto.

Pamilya PerfectoWhere stories live. Discover now