TTBATMG ~ 27

2.1K 86 6
                                    

[Yannie Lyn's POV]

Nakakamiss..

Nakakainis..

Naiinis ako dahil namimiss ko ang dati. Yung dati na masaya kaming lahat.

Nakakamiss kasi yung dati na sweet si mom and dad sa isa't isa, nag-aasaran na parang barkada lang silang dalawa, nagbabatukan, kutusan ng pabiro, nag-iinisan na parang sila ay isang teenager pa lamang.

Nagkakantahan na para silang isang banda dahil habang kumakanta ay naghe-headbang pa sila na parang mga baliw na nakasinghot ng katol.

Nagsasayawan na akala mo kasama sila sa isang dance group dahil trying hard sila parehas na palambutin ang katawan, at akala mo kasali sa contest na sayawan dahil todo bigay na parang walang bukas kapag sumasayaw, parehas naman silang walang talent sa pag-sayaw.

Yung nagseselosan sila dahil sa isang babae o lalake pero nagbabati din sila kaagad at magiging sweet ulit sa isa't-isa. Magyayakapan na ulit yan. Jusko, mga talande! Hahaha!

Yung pag-aaway nila nang dahil lang sa isang pagkain na kung sino ang unang nakahawak o nakakita ay siyang kakain.

Yung sinasabihan nila yung isa't isa ng tanga, o bobo kapag nagkamali yung isa pero matatawa lang sila.

Yung tipong kapag magkahiwalay sila. Yung isa nasa kwarto, yung isa nasa kusina, magtetext silang dalawa na akala mo nasa ibang bansa yung isa. Sobrang sweet ng messages nila. Kulang nalang langgamin ang ampalaya!

Yung pagsurprise nila sa isa't isa kaoag anniversary nila. Iba talaga.

Yung pag-aagawan naming apat nila kuya ng remote kung sino ang manonood ng t.v., at dahil sa pag-aagawan namin, lagi kaming bumibili ng bagong remote dahil lagi itong nasisira.

Yung pagbe-bake namin lagi ng cake dahil pare-parehas kaming mga mahihilig sa sweets at magpapahiran ng cake flour, hanggang sa akala mo dinaanan na ng ten wheeler truck ang kusina namin dahil sa sobrang gulo nito.

Yung pagba-bonding namin na hindi mawawalan ng harutan, asaran, batukan, suntukan ng pabiro at lalo na ng kwentuhan. Namimiss ko na yun lahat.

Kaya noon, naniniwala ako sa quote na "In the end, all you'll ever have in life is your family, so keep them close while you still have them around", kaya minahal ko na sila ng todo todo at pinahalagahan.

Hanggang sa isang araw, nagbago ang lahat. Sa maraming taon na pinagsamahan namin, nasira lang ng isang araw.

Isang araw, napansin ko, dad and mom doesn't talk to each other again, nagtaka ako kaya tinanong ko sila, pero ang sabi nila, pagod lang daw sila sa trabaho dahil marami silang ginagawa.

Kinagabihan, nauhaw ako kaya binalak ko bumaba sa aming kusina, pero nang malapit na ako sa hagdanan, nakarinig ako ng mga impit na hikbi, at pansin kong nanggagaling yun sa guest room.

Napansin kong nakauwang ng konti ang pintuan kaya sumilip ako dun. I saw mom crying while holding a picture. I was about to go in and ask her if what happened but biglang sumulpot si dad kaya nagtago muna ako. Dad entered the guest room and closed it. At narinig ko nalang na nag-aaway sila. Hay, iba na ito. Ano kaya ang nangyayare sakanila? Tanungin ko nalang si mom tomorrow.

...

Kinabukasan..

Pagkagising ko, naghilamos muna ako at inayos ang sarii bago mag-almusal. It's saturday naman kaya walang klase.

The Torpe Boys And The Manhater GirlsWhere stories live. Discover now