TTBATMG ~ 7

3.1K 140 1
                                    

[Kent's POV]

"Hoy, pre! Musta nga pala first day mo sa school? Nag-enjoy ka ba? Sayang lang at hindi kita nasamahan mag-gala dun. Papasok na sana ako kanina kaso biglang tumawag si mama, nagpapasundo sa airport, madami daw kasi siyang inuwi galing US." Tanong ni Xander sa akin. Per shet? Korea?

"Pre, tama ba narinig ko? Galing si tita sa US? So..."

"Oo na pre, ikaw pa ba makakalimutan ng nanay ko? Nabili niya yung nirerequest mo, nandoon sa kwarto ko, mamaya mo na lang kunin dahil marami yun, may mga chocolate rin na binigay sa inyo si mama."

"YES! I LOVE YOU ALL PARE! MAHAL NA MAHAL KO KAYO NI TITA PRE TANDAAN MO YAN HUHU, HINDING HINDI KO KAYO IPAGPAPALIT AT IIWAN!" Shet sino ba naman ang hindi matutuwa? Yung pabirong request ko lang kay tita na bilhan ako ng sapatos, binili nga! Ang saya shet, pwede na ako mamatay!

"Korni po pre, umayos ka nga. So ano na? Kamusta nga ang first day mo sa school? Okay naman ba o hindi?"

"Eto masaya naman dahil may sumuntok sakin, bwiset. Ang saya saya ko talaga sobra. Ang sarap kasi masuntok eh, lasap na lasap ko! Grabe pre, nakikita mo ba kung gaano ako kasaya ngayon nang dahil sa suntok na yun? Promise pre masaya ako. Mukha lang akong badtrip pero masaya ako sobra." Sagot ko naman sa tanong niya habang naka-poker face pero pinipilit na gawing masaya yung boses ko.

"Ano? May sumuntok sayo? Bakit ka pumayag tanga ka?" Gulat na tanong sa akin ni Xander with matching lumalaki pa yung mata. Wow ha? Ako na yung nasuntok, nasabihan pa ako ng tanga? Ganto na ba talaga mga ugali ng tao sa mundong ibabaw? Excuse me, biktima ako dito ha.

"Oo pre, and worst, babae pa. Nakakainis lang diba? Nasuntok ang gwapo kong pagmumukha ng isang babae. Pre wala na akong mukhang maihaharap sa mga nakakita nung pangyayaring yun."

"Babae? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Ginu-goodtime mo lang ata ako eh. Babae sumuntok sayo talaga? Ang tanga mo naman pre?" Sige putangina Xander ulit ulitin mo pa yung tanga na yan, ikaw na masusuntok ko punyeta ka.

"Oo nga, ang kulit mo. Oh ano? Tanga lang, tanga lang? Hindi makarinig? Hindi makaintindi? kailangang paulit-ulit? Ganun? Tsaka tignan mo nga ako, mukha ba akong nagjo-joke? Pektusan kita sa singit eh."

"Oo, mukhang kang joke tanga! Nakakatawa mukha mo eh. Sino ba yung nanuntok sayo? Gusto ko lang sana mag thank you sa kaniya."

"Ms. Montalban daw yun, kilala mo ba yun?"

"Ah, oo kilala ko yun. Magaling talaga yun sa lahat ng klase ng martial arts. Oo nga pala, bakit ka naman niya sinuntok? Eh hindi naman yun umiimik sa ibang tao pwera na lang sa best friend niya eh? Inano mo ba?"

"Ang ingay ko daw kasi sabi niya. Eh anong magagawa ko? Maingay nanay ko at namana ko yun sa kanya. Hindi ko na kayang baguhin 'to pre kaya kailangan niya 'tong tiisin sa ayaw at sa gusto niya lalo ngayon na siya ang seatmate ko. "

"Eh, kaya naman pala eh. Bakit ka kasi nag-iingay pre? Ayaw pa naman nun sa mga maiingay, lalo na yung ginugulo siya."

"Eh? Huwag na, katamad mag-kwento. Alamin mo na lang sa school. For sure naman kalat na yung pangyayaring yun. Paano na lang ako papasok Xander? Unang araw ko sa school namin, tangina pahiya yung inabot ko."

"Sige na, kwento mo na! Sige na! Sige na! Sige na!"

Hay! Kahit kailan ang chismoso talaga nito. Kalalaking tao napaka chismoso, yak. Kung sabagay, ako kalalaking tao ko maingay ako, patas lang kaming dalawa. Tama nga ang kasabihan na,

"Same Bird Feather Flocks Together."

"Oo na, oo na! Sasabihin na, napaka-chismoso mong hayop ka."

"Atleast gwapo pre, GWAPO!" In-emphasize niya pa talaga yung salitang gwapo, napaka-kapal talaga ng mukha nitong ugok na 'to. Gwapo daw siya? Kelan pa?

"Saan muna banda pre para maniwala ako?"

"Bandang mukha ko."

"Saan muna yung mukha mo?"

Hahahaha, ang sarap niyang pagtripan talaga, ang bilis mainis amp. Parang babae eh! Nahawaan ata ni Angela.

"Sabihin mo na lang kasi pre. Tsk, dami mo pang kaartehan eh, hampasin kita diyan ng dos por dos para tumino ka kita mo."

"Sige na nga, kawawa ka naman, baka hindi ka makatulog kapag hindi mo nalaman. Ganto kasi yun, kasi kanina nagkaroon kami ng quiz. Eh dahil nga ito akong tamad mag-aral, mababa ang nakuha ko. I got 6 pre? What the hell diba? At ayun na nga. Nung in-announce yung scores after magcheck, naka-perfect score siya. Ang talino pala niya. Tapos nung sinabi kong ang galing niya naman, sabi niya, nag-aaral daw kasi siya hindi katulad ko. At yun, nagsimula na akong mag-ingay. Okay, end of the story. Bow, happy ka na ba pre o kulang pa?"

"Ang boring mo kausap." P07@n61n@! Hayop na lalaking 'to, pasalamat nga siya kinuwento ko pa eh! Kung hindi ko lang 'to kaibigan, binalot ko na 'to sa sako tapos pinatapon ko na 'to sa ilog pasig.

"Ay, bwisit ka! Ako na nga ang nag-sayang ng laway para lang makwento ko sayo ang malagim na pangyayari kanina tapos sasabihan mo lang ako ng ganyan? Kawalangyaan mo Xander ah, ayusin mo yan!"

"Heh, manahimik ka! Ang arte mo talaga. Tumigil ka sa pagdadrama diyan, baka hindi kita matantiya. Naku, mabato ko pa 'tong unan sayo."

"Tsk. Tara na nga lang, labas labas din pag may time pre. Lagi ka na lang nakakulong sa hawla mo eh." Hindi ba 'to nabobored dito? Maghapong nakatambay lang dito sa bahay nila, bampira ata 'to eh, ayaw maarawan.

"Maka-hawla 'to oh. Ano ako? Hayop?"

"Oo. Mukha ka kasing unggoy eh. Hindi mo pa ba nahahalata yun? Araw araw ka naman tumitingin sa salamin, hindi ko alam bakit tinatanong mo pa yan."

"Tsk, tara na nga."

Naglalakad kami ni Xander, maya maya'y may narinig kaming ingay na parang nagsasagutan. Sinundan namin ang ingay na iyon. Siyempre, dakilang chismoso kami eh. Hanggang sa makarating kami sa park.

Buti at walang mga batang naglalaro dun, pagkatingin namin kung sino yun,

O_O . . . . *Q*

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

HOLY PACKING SHEET OF PAPER

I-is that Ms. Montalban? Nakikipag-bugbugan? Nakkikipag-sapakan sa mga naglalakihang lalaki? The heck! Ang galing nga niya talaga. At may kasama siya eh, babae rin. Who's that?

And what just happened?

Natalo nilang dalawa yung mga lalaking yun, eh ang lalaki ng katawan nun eh? At ang dami? Unbelievable.

__________________________________________________________________________

Enjoy Reading.

~Kcisme

The Torpe Boys And The Manhater GirlsWhere stories live. Discover now