CHAPTER 20: REVENGE

64 3 0
                                    

SEVIRIA STORM

AMP! Kala niya siguro ay hindi ko sila narinig? narinig ko sila kaya sinundan ko! Magkasabwat pa sila huh!?

"Malapit na nga dre at sana tuloy tuloy na. I miss my wife and my son." Boses iyon ni Demon. Oo siya nga! Ang asawa ko.

" i know i miss my Wife and my baby's dre, i can't wait to see them." At iyon naman ang asawa ng besyfriend ko.

Nagsama pa kayo para ditoh? Okay naiintindihan kona kaya pagbibigyan ko kayo. Napabuntong hininga akong naglakad palayo.

Ang school na ito. Ginawa talaga ito para sa mga batang inihahanda sa isang eksperemento. Dahil ang mga nandito ay hindi nila inaasahang normal na tao lamang.

Ang pribado at inaakala nilang delikado ay kabaliktaran
ng lahat...

Dahil halos lahat nang kauri nila sa labas nito ay pinag eksperimentuhan na para sa walang kwentang layunin.

Ang mga karaniwang lalaki dito ay pu pwedeng mabuntis. Karamihan naman sa mga babae ay may kakayahang makabuntis. At higit sa lahat karamihan sa babae at lalaki dito ay walang hanggan ang buhay. Dahil lahat ng kahit anong galos ang kanilang matamo ay mabubuhay padin sila.

Kaya ito ginawa upang mapangalagaan ang mga kagaya nilang may ganitong kakayahan. Nais silang pag eksperimentuhan ng mga sayantipiko kaya naisip namin na gumawa ng paraan para sila ay mailigtas.

Pero dahil sa ginawa ng putang Mrs. Del valle nye nye eh nagkanda letsye letsye na!  Imbis na magkaisa ang mga estudyante dito! Nagkahatihati na ang lahat.

Karamihan pa dito ay nagpapatayan. Sila nalang din ang umuubos sa kauri nila. Dahilan para mawala ang saysay ng paggawa nitong eskuwelahan.

"Maghintay kalang Mrs. Del Valle......Malapit na tayong magkita ulit. At sisiguraduhin ko na Magdudusa ka sa mga kamay ko." bulong ko sa hangin.

Nagaalab sa galit ang puso ko. Pero napalitan ito ng saya ng maalala kong buhay ang anak ko. Si Scout ang nagiisa kong anak. Naluluha na naman ako sa tuwing naalala ko ang tromang dinanas niya habang wala ako sa kanyang tabi.

Dahil sa mga panahon na iyon ay nakakulong din ako sa isang lugar kung saan ginawa akong Basura. Habang nanduon ako halos madurog ako sa tuwing naalala ko ang mga pagtatangkang galawin ako ng Asawa ng putangina nayon.

At ang Asawa ko non. Si Demon. Walang kaalam alam sa lahat dahil Mag kasama sila ni Vitale. Huli na nang mabalitaan kong Patay na daw siya. At yun pala ay hindi naman totoong patay na ang kupal.

Nakatakas ako dahil bobo ang mga bantay ni Mrs. Del Valle kagaya niya.

Pagkatakas ko sa mala impiyernong lugar na iyon agad kong pinuntahan ang Anak kong si Scout. Nawalan siya ng malay ng araw na iyon. Alam kong may espisyal na katangian ang Anak namin ni Demon. Kaya naman isa si Scout sa itinakda namin na dalhin sa Eskwelahan na ito.

Mapupunta lamang ang isang estudyante sa Eskwelahan na ito kung siya ay 17 years old na. Ngunit sa mga panahong bata pa si Scout at wala pakong lakas. Mabigat man sa loob ko ngunit pinagpaubaya ko muna ang Aking anak sa Aking kaibigan na si Wein.

Lumaki ang Anak kong Si Scout na hindi ako ang kinikilalang Magulang niya. Nung una ay nagtataka ako dahil hindi ako maalala ni Scout ngunit natuklasan ko na dahil iyon sa kanyang troma.

Nanumbalik lang ang alaala niya ngayon. At ngayon din kung kelan isasagawa ko ang paghihiganti ko.

Uunahan kona sila Demon. Dahil may pagka pusong Mamon pa ang mga iyon.

Hindi ko papalagpasin ang lahat lahat ng ginawa niya saamin at sa iba pang inusenteng nadamay ng dahil sa kagagawan niya!

Ang paghihiganti ko ang magbibigay hudyat para sa lahat ng Mga Ranggong ginawa ni Caelum. Ang nagiisang Reyna ng BLOOD UNIVERSITY.

Kung inaakala ni Vitale na hindi alam ng Anak niyang nagiisang babae na buhay siya. Tsk nagkakamali siya.

Pagsapit ng Araw na pinakakaasam ko. Lahat ng Ranggo ay kusang magkakaayos kasabay ng pag baha ng dugong makasalanan.

Kung inaakala ng iba na Normal lamang ang pumatay kung gayon mas masaya ang pagubos sa mga hudas na nakapasok dito sa lugar na ito na hindi naman karapat dapat.

"Hintayin mo lamang ako.... Mararamdaman modi ang hagupit ng isang nanghihinanakit na ina Del Valle. Ipaparamdam ko saiyo ang sakit na binigay mo saaming lahat."

************************

LUCELENCE ZAPANTA

"Bro alam mo masaya ako para sayo.." nalaman kasi namin na nakita na ni Scout ang totoong Mama niya. Umiiyak pa si loko habang nag kukwento sa nangnyari.

"Alam mo bro! Mahal na mahal ka namin bro! kaya dapat bro ipakilala mo kami sa mommy mo!" Blueth. Kahit kelan talaga oh.

Natawa naman kami nila Scout. Kami lang tatlo. Ako si Scout at si Blueth kami kami lang. Trio.

Sila kaira, uche at Zera kasi nasa Sky castle may pinaguusapan sila ang alam ko kasama nila si Queen. Nag girls talk ata ganon.

Habang sila Archain, Arcane at Chobe naman naguusap tungkol sa bagay na wala akong maintindihan. At si Howie naman nagmamala chismoso na naman para makasapag ng impormasyon bawat Grupo.

"Tingin ko malapit na tayong makalabas dito." biglang sabi ni Scout. Dahilan para mapabaling kami sa direksyon niya.

"Pano mo naman nasabe?" Pambabara ko sakanya na tinanguan naman ni Blueth na ani moy sumasangayon sa aking sinabi.

"Basta feeling kolang makakalbas na ata tayo dito." Napangiti pa siya ng kaunti. Weird niya today ah.

"Rugby ribil!" Sigaw ni Blueth kaya sabay namin siyang binatukan ni Scout . Sayang onti nalang susubsob na siya sa lupa eh tsk.

"Mga gago! Sayang pagmumuka ko kapag nasugatan baka umiyak mga babae!" Binatukan  namin siya ulit and this time sumubsob na talaga mukha niya.

"Trip nyoko!? Sapakin ko kayo dyan eh!" Binigyan namin siya ni Scout ng nandidiring tingin kaya natawa siya.

"Hinding hindi ko nanaisin na maging trip kita Blueth. Ang pangit mo pa namang ka bonding."

Pang-aasar ko sakanya na inirapan lamang nito kaya natawa kami ni Scout.

"Tawang tawa ah! Kabagin sana kayo!" Ganting saad niya saaming dalawa ni Scout na tinawanan lamang namin.

BLOOD UNIVERSITY BOOK 1[ COMPLETE ] Where stories live. Discover now