Chapter 13

4K 120 13
                                    


Seira Anthonette's P. O. V.

Nagising ako nang maramdaman ang mainit na palad sa aking pisngi. Dahan-dahan akong dumilat, nakita ko si Jairus na nakatitig sa aking mukha.

"J-Jairus!" ani ko at napa-upo sa gulat.

Hindi ko inaasahang makita siya, dito sa loob ng kwarto ko. Nakasarado ang pinto at nakaupo pa siya sa gilid ng kama ko.

"T*nginang laway 'yan, tumutulo," aniya at umasim ang mukha.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko, nakakahiya kung totoo mang tumulo ang laway ko habang tulog.

"A-Ano bang ginagawa mo dito? Aga-aga, nanggugulo ka," ani ko at hinila ang kumot.

Wala akong suot na bra, kahit ba nakita na niya lahat, baka makita pa kami ni Mama. Pumayag naman si Mama na pumasok si Jairus sa kwarto ko?

"Sabi ni Mama puntahan kita, galing ka pala sa bahay kagabi. Hindi ko na nasabi sa 'yo, masyado akong na-excite. Ininvite kasi ako ni Vinalyn, I can't imagine na siya mismo ang mag-aaya kaya sumama agad ako sa bahay nila."

Tumayo ako at nagtungo sa drower ko, kinuha ko ang regalo ko kay Jairus.

"Kamusta naman sa kanila, masaya ba?" ani ko.

"Oo, ang laki ng bahay nila, sobrang dami ring handa. Nabalitaan ko ring pinapamigay nila yung pagkain dahil sobra-sobra. They are kind," aniya.

Ngumiti ako at inabot sa kaniya ang regalo ko. Masaya na akong makita na masaya siya sa poder ni Vinalyn, mukhang kahit kailan hindi ko matatapatan ang ligaya na naibibigay ni Vinalyn sa kaniya.

"Ano 'to? Nag-abala ka pa. Ang daya, ako hindi ready, wala akong dala para sa 'yo," aniya at kinuha sa kamay ko ang regalo.

"Hindi naman ako naghihintay ng kapalit na materyal na bagay, ang dami mo naman nang naibibigay sa akin, libre dito, libre diyan."

Pilit akong ngumiti, napaiwas ako ng tingin. Pagmamahal lang naman ang hindi niya maibigay sa akin. Kahit anong gawin ko hindi ko matanggap sa kaniya.

"Ang cute naman nito," kumento niya nang mabuksan ang regalo ko.

Nakangiti siyang isuot ang bracelet na ginawa ko sabay tingin sa burda ng panyo na ako mismo ang nagtahi.

"Pasensya ka na diyan," ani ko.

"Luh, parang g*go. Natutuwa nga ako, naalala mo akong bigyan."

"Oo, tapos ikaw hindi mo 'ko naalala," ani ko.

"T*ngina, guilty na ako. Babawi ako, promise." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayos lang, sa ganiyan na lang ako bumabawi sa 'yo. Ako gumawa niyan," ani ko.

"Oo, magaling ka sa mga DIY. Talented ka kasi, sana all na lang." Napabuntong hininga siya. "Ang talent ko lang kasi ay maging gwapo."

Tumayo ako at inirapan siya, totoo namang gwapo siya.

"Maghihilamos muna ako, bahala ka na diyan," ani ko.

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon