Chapter 28

4.5K 152 37
                                    


Jairus Gael's P. O. V

Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach.

"Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.

Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira.

"Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.

Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.

Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami.

"Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.

Sumama ako sa kaniya patungo sa malaki nitong walk in closet. Ngayon lang ako nakapasok dito, hindi ko akalain na ganito pala kalaki at kadami ang mga gamit ni Vinalyn. Iba't ibang klaseng hand bag at sling bag ang mga naka-display. Halos nasa twenty pieces ang mga heels. Namangha ako sa ganda ng mga 'yon.

"Pwede naman kahit ano lang isuot mo. T-shirt nga lang ako bukas," ani ko.

Ayoko kasi talaga ang namimili, parang mali lagi ang pinipili ko. Kaya sa lahat ng bagay, si Seira ang pinagdedesisyon ko. Kapag siya ang pumili, okay na okay sa akin. Pero ngayon, wala na siya at hindi ko na mahanap.

"I want to look pretty. So, pick one," aniya at tinuro ang mga dress na naka-hanger pa.

"Lahat maganda, Babe."

"Pero pumili ka, please..." hinawakan niya ang pisngi ko.

Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko na maramdaman ang nararamdaman kong saya noon tuwing kasama ko si Vinalyn.

"Babe..." bulong niya.

Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Nang dumampi ang labi niya sa labi ko ay kusa akong napapikit. Napahawak ako sa kaniyang beywang habang patuloy siya sa paghalik sa akin. Hinila ko siya palabas ng walk in closet. Hindi naghihiwalay ang aming mga labi.

Nakapikit lamang siya habang dinadama ang labi ng isa't isa. Pagdating namin sa kama ay tumigil siya, sabay napatitig sa akin. Bigla niyang tinanggal ang suot niyang croptop dahilan para makita ko ang kaniyang dibdib. Hindi ko naman inaasahan ang paghila niya sa leeg ko dahilan para mapaibabaw ako sa kaniya. Muli niya akong hinalikan sa aking labi.

Ito ang unang beses na hinalikan niya ako ng matagal. Dinala sa kaniyang kama at malapit nang gawin ang milagrong kami lang ni Seira noon ang gumagawa. Napatigil ako nang muling pumasok sa isip ko si Seira. Siya ang naalala ko sa ganitong posisyon at eksena.

"What's the matter, Babe?" Hinaplos niya ang pisngi ko at handa na muling halikan.

Umiwas ako at naupo sa kama. Napayuko ako. Hindi ko maramdaman ang init ng aking katawan sa kaniya, walang-wala kapag si Seira na ang kaharap ko. Tila ba wala akong gana makipagtalik kay Vinalyn, samantalang siya ang nobya ko. Hindi ba dapat sa kaniya ako magpakahibang sa kama?

Hidden Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon