Unknown hero part 2

27 0 0
                                    

3rd person pov

Pag-ahon ni allioth sa ilog napansing halos nakalbo sa pagkasunog ang gubot natusta at naging uling lahat ng mga puno.

Nagmadali siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang kung saan niya ito iniwan kanina.

Subalit wala ng tao kaagad naman siyang pumunta sa kanilang baryo at nagmistulan narin itong ghost town ni walang mga tao tanging mga bangkay lang ng mga kabalyero.

Habang litong-lito kung ano ang dapat niyang susunod na gagawin.

Napalingon siya sa hawak niyang compass.

At napatanong ano kaya ang mahalaga sa  compass na ito at bakit gusto nilang makuha, may itinuturu lang itong direksiyon sa norte hindi ito nagbabago nang posisyon kahit saan siya pumunta.

Naisip niya itong puntahan at para malaman kung ano ang misteryo nang kakaibang compass.

At baka ito na ang makakapagtapos sa paghahasik nang lagim ni arzuz.

Kinuha niya lahat ng makikita niyang armas na nandoon sa mga yumaong kawal.

Isang baluti, kalasag, spear at espada.

At nagsimula nang maglakbay.

Itinuro siya nang compass sa daanang Nevera dessert ang disyerto ubod ng lawak at madalas na mga sandstorm.

Napa iling nalang siya dahil he got no choice, isinuot ang makapal na talukip at nagpatuloy.

Kada paghakbang niya napapansin niyang parang unti-unting gumagalaw ang lupa.

Minsan-minsan ay nawawala ito, kaya hindi niya na masyadong pinansin.

At sumapit ang gabi at niya na mapigilang antukin, kahit malalim na ang gani ay napakaliwamag parin ng buwan, kaya naisipan niyang matulog dagdag pa na lumamig ang paligid.

Binalot niya nang kumut ang katawan at humiga.

Mga isang oras lang ay naramdaman niyang parang may humawak sa kanya.

Iminulat niya ang kanyang mata at nakita na may mga nakadamit nang pag ninja at nakatakip ang mga mukha, mga limang katao na ubod ng slim.

Ang isa ay aabutin na ang compass sa leeg niya.

Bigla siyang nagulantang at biglang tuluyang nagising”Hoy anong balak niyo”pagpigil nito at napa-usog bigla.

Mabilis namang binunot ng mga ninja ang kanilang dagger at agad balak saksakin si allioth.

Sinubukang tumakbo nang ubod ng bilis ni allioth na parang wala ng bukas.

Ngunit sa liksi ng mga ninja at maabutan na siya.

Kaso ang pagyanig ng lupa kanina ay lalong lumakas at may bumulwak na parte ito na mistulang dambulahang mahabanh linya.

“Nagising na Habugod”bangit ng isang ninja at biglang lumabas sa lupa ang isang dambuhalang bulateng uod na may napakalaking bilog na bungangang napakaraming ngipin.

Habang tumatakbo si allioth para kanyang buhay pumasok sa isip niyang milya din ang tinakbo niya nang ilang araw para makapasang kahit mensahero sa academy.

Hindi siya ganoong kabilis tumakbo at hindi rin siya ganoong kabagal pero nahubog ang stamina niya.

Binato siya nang kunay nang mga ninja na humahabol sa kanya sa likuran at ang mga ninjang din yun ay hinahabol ng habugod.

Sinabukan niya ang makakaya niya para mailagan ang mga kunai ngunit dumaplis sa paa niya ang isa.

Kaya naman niyang indahin ang sugat at patuloy na tumakbo.

Maikling kuwentoWhere stories live. Discover now