Chapter 8

318 53 7
                                    


CONTINUATION AMANDA'S POV

Nang inimulat ko ang aking mata ay malim na sa labas.

Nakatulog ako?

Ahh, siguro dahil sa pagod.
Napagod kiligin, ayieee..hahaha..char ang corny ko.

Tumingin ako sa paligid.

Sino naman kaya ang bumuhat sa'kin dito sa kwarto, e kanina sa couch lng ako nakahandusay, ah.

Biglang namula ang pisngi ko nang maisip ko si Jaydee.

Yiee,si Jaydee kaya 'yong bumuhat sa'kin? Alangan naman si arvie 'diba, e payatot 'yon.

Sooo, si Jaydee nga. Ayieee enebe ehihihi~

Tumagilid ako at muntikan na akong mauntod sa dingding nang makita ko na muntikan ko ng mahalikan si Jaydee.

Put*kte,ba't ngayon ko lang siya napansin?

Maliit lang ang kama ko pero kasya naman ang dalawang tao kaya nakakapagtaka ba't ang lapit naman ata ni Jaydee sa'kin? At ito pa, nakapulupot pa ang Isa niyang kamay sa bewang ko. Kyah~ang sweet nemen.

Iba rin duma-moves itong si Jaydee, ah. May payakap-yakap epekt in a bed while sleeping pang nalalaman,hindi ko tuloy mapigilang kiligin,enebe.

Natigilan naman ako nang mapagtanto ko rin na nakapatong ang Isa niyang binti sa binti ko at para niya akong sinisecure.

Uuuhaaaaa!!! THE BEST NIGHT EVER!!! PARA NA TALAGA KAMING MAG-ASAWA!!!

Kulang nalang sabihin ko na, "Ano ba, Jaydee.Ang bigat mo, ehe~"

Napatigil ang pagda-daydream ko ng may narinig akong nabasag sa ibaba.

Si arvie.

Agad akong bumangon at natanggal ang pagkakayakap sa'kin ni Jaydee sa kadahilanan din ng pagkagising niya. Wow.

Tumingin sya sa paligid at na hinton iyon pagdating sa'kin.

Aww, ang cute niya!!! May pagulo-gulo pang buhok pang ginagawa.

Ehemm,ang init tuloy.

Umupo siya habang kinusot-kusot ang kaniyang mata.

"Anong oras na?", inaantok na tanong nito sa'kin.

"Ah,6:40 pa naman ng gabi. Kung inaantok ka matulog ka muna,pupuntahan ko lang si arvie.",ang sagot ko at akmang lalaktawan ko na sana siya nang bigla syang gumalaw.

"Sasama ako.",ang may energy niyang sabi at tumayo,sumunod naman ako at pumunta sa pinto.

Nag-inat-inat muna siya bago sumunod sa akin.

In-off ko muna ang ilaw at ceilling fan bago kami lumabas.
Pagkababa ay nakita agad namin na nagwawalis si arvie.

Agad naman ako pumunta sa kaniya.

"Anong nangyare? May narinig akong basag, nasugatan ka ba?" ang nag-aalalang tanong ko nang makapalit na sa kaniya.

"Wala. Nabitawan ko lang 'yong baso dahil bigla akong nahirapan huminga.",ang sabi ni arvie at ibinalik na ang walis st dustpan sa kung saan nakalagay.

"Umaatake nanaman ba 'yang hika mo. Uminon ka na ba ng gamot?", ang nag-aalala ko paring tanong.

May sakit kasi na hika si arvie. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang sakit na yon pero nong hindi sya matigil-tigil sa pag-ubo at nahihirapan daw siyang huminga ay agad na namin siyang Pina-check-up at ang lumabas ay may hika raw siya.

Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit pumayag ako pakasalan si Jaydee. Kailangan din namin ng Pera para sa gamot ni arvie.

"Oo,tapos na. Nga pala,ate. May mga sinampay si mama sa labas,nakuha ko na yong iba at natupi ko na. Ikaw naman sa mga natira, tinulugan mo pa ako, akala mo makakatakas ka.", ang masungit na sabi ni arvie sa akin.

I accedintally fell in love with my hot wife  (jaymy) Where stories live. Discover now