FINALE (02.18.2022)

1.6K 50 9
                                    


Habang nasa labas ako ng chapel at nakasandal sa pader ay nagdesisyon akong magpadausdos pababa.

Nakatiklop ang aking binti at niyakap ito.

Saka ko itinago ang aking mukha.

Nagsimula muli ang pamumuo ng aking mga luha.

Bumalik ang alaala ni mako at mga usapan namin.

Parang kahapon lang ang mga ito at napakalinaw sa aking imahinasyon.

Mako: Buddy, napakaswerte naman ng boyfriend mo.

Me: Bakit naman?

Mako: Bukod sa mabait, gwapo ay daks pa.

Me: Baliw ka talaga!

Mako: Wala bang pagkakataon na pwede mo rin akong mahalin ng higit sa buddy lang?

Bigla na lang akong napahagulgol.

Mahal na mahal khta mako!

Mahal na kita noong una pa man.

Ngunit, ang puso ko ng panahon na iyon ay nakatali sa isang tao na pinangakuan ko ng walang kapantay na pagmamahal.

Pero, nang ako'y ipagpalit ng aking minahal ay saka ko nagdesisyon na ibubuhos ko ang buhay at oras ko na sa'yo.

Pero, paano na natin magagawa iyon kung tuluyan mo na lamang akong iniwan.

Matinding paghagulgol at sunod-sunod na paghikbi na lamang ang aking nagawa.

Biglang may lumapat na kamay sa aking balikat.

Pagkaangat ko ay si Gav.

Gav: Halika na at alam kong gutom ka na.

Di ako makasagot at sa totoo lang ay wala na akong pakialam sa buhay ko ngayon.

Kahit mamatay na ako sa gutom ay wala ring saysay kong hindi ko na makikita pa si mako.

Gav: Kailangan mo bang pabayaan ang sarili mo? Yan ba ang gusto ni Dean pag nandito siya ngayon, ha?

Narinig ko ang pangalan ni mako.

At lalong bumuhos ang aking luha at walang humpay na hagulgol.

Hinimas nito ang likuran ko.

Gav: Kailangan mong magpalakas para sa mahal mo.

Napakasakit na titig ang pinakawalan ko kay Gav.

Di niya kasi alam ang pakiramdam na mawala ang pinakamamahal mong tao.

Gav: Relax, alam ko naman ang ganyang pakiramdam. Kaso, wala kang lakas na magbabantay kay Dean pag nilipat na ng private room.

Halos sumabogtang utak ko sa narinig.

Me: Anong ibig mong sabihin.

Gav: Successful ang operation kay Dean. Critical ang kondisyon niya dahil sa blood lost. Kaya nangailangan sila ng kadugo niya. Nagdonate si Babe at naging maayos ang kalagayan na niya ngayon.

Di pa ako masyado makonbinse sa narinig.

Me: Pero, sabi ng doktor ay "I'm sorry" kanina.

Gav: Ah, di na nila nasurvive si Rod. Dahil sa tama nito sa maselang bahagi. Na siyang dahilan ng pagkamatay niya. Si tita naman ay daplis lang ang tama kaya okey na rin siya.

Sa narinig ay parang gusto kong sumigaw at magpasalamat sa Diyos.

Napatakip ako ng mukha at saka taimtim na nagpasalamat.

... Salamat Diyos ko at ibinalik mo po sa akin si mako. Kahit kunin niyo na po ang kalahating buhay ko po kapalit ng pagbalik niyo sa akin ng taong pinakamamahal ko po.

Renz,  Ang Masahista (Completed) BxBWhere stories live. Discover now