BONUS CHAPTER

1.1K 30 1
                                    

ALLEAH POV

Narito ako sa puntod ng aking kapatid at ito ang unang pagkakataon para dalawin siya.

Pagkatapos ng ilang taong magtatago ko sa publiko.

Napatanaw ako sa tabing puntod ni kuya.

Napatawa na lamang ako sa lapidang malapit sa kuya ko,

ALLEAH QUINTO

Natawa ako sa aking nakita.

Patay na pala ako sa kanilang paningin.

Kung kaya't magbabalik ako sa buhay nila na parang multo.

Isang puting van ang aking natanaw at kung kaya't nagmadali na akong lumayo.

Naka all white blouse ako at may sombrero at may shade para magkubli sa pwedeng makakilala sa akin.

Agad ko nang umalis at pakunwaring tinungo ang ibang puntod at para di sila makahalata.

Nang malapitan nila ang di kalayuang puntod mula kay kuya ay alam ko kung sino ang narito.

Ang matandang ama ng ito.

Isama mo pa ang asawa nito na nagtaksil sa kanyang mahal.

Tama, nagtaksil kay kuya at pinili ang mga hayop niyang pamilya.

Nakita ko silang lahat kompleto ang mag-anak.

Nakaagaw pansin ang isang bata na tumawag ng Dad kay Alex.

Ito na nga ang kanyang anak.

Napangisi ako at kamukha talaga niya ang kanyang anak.

May dalang phone ito at kumukuha ng mga pictures.

Nang makalayo ang bata sa kanila ay pasimple akong lumapit.

"Hi", wika ko.

Napatitig ang bata sa akin.

Tinanggal ko ang aking shades at sobrero.

Napatitig at di makapagsalita.

"anong pangalan mo?" wika kong tanong.

"Xavier po", wika ng bata.

"Anong pangalan ng papa mo?", wika kong muli.

"Alexander Servantes po", sagot niyang muli.

"kayo po, anong pangalan niyo po?", wika niya.

"just call me tita Alleah", wika ko.

Nang hanapin nito ang phone ay agad na akong umalis at nagtago.

Palinga-linga ang bata at hinahanap niya ang kausap nito kanina.

Maya-maya ay nakita ko sa di kalayuan ang taong kinasusuklaman ko.

Si Renz na ugat ng lahat ng mga ito.

Pakasaya kayo at sa muling pagbabalik kong ito ay tiyak na di niyo na kilala ang kalaban niyo,

Isang patay na muling magbabalik at maniningil ng pagkakautang ninyo.

Nang makabalik na ako sa sasakyan ay nagtanong ang dreyber.

"aalis na po ba tayo, madam?", wika nito.

"mamaya pa at paunahin mo munang paalisin ang van na iyon", wika ko.

"Okey po madam", wika niya.

Bigla kong naalala ang nakaraan...

Dok: Anong pangalan mo, hija?

Di ko dapat sabihin ang totoo kong pangalan.

Me: Ellah po.

Dok: Ano ba ang nangyari sa'yo at may malaking sugat ang mukha mo?

Renz,  Ang Masahista (Completed) BxBOù les histoires vivent. Découvrez maintenant