Chapter 12

798 30 0
                                    


—ANNA PEREZ POV—

Pababa na ako ng hagdan para pumunta sa sala.It's already 6:30 am maaga pa naman ei kasi alas otso yung simula ng una naming klase nakita ko kahapon dun sa schedule board.

Tatlong hakbang nalang para tuluyan akong makababa dito sa hagdanan kaso lang natigilan ako ng bumungad sa akin sina Manang Cora at ang ibang mga kasambahay dito sa mansyon.

Kumunot ang noo ko ng makita ang muka nilang may bahid na ngiti at excitement na para bang ewan.Tumingin pa ako sa likuran ko pero wala namang ibang tao kaya tiyak kong ako ang nginingitian at hinihintay nila.

“Good morning Anna” malugod na pagbati sa akin ni Manang Cora.Ipinagpatuloy ko ang pag lalakad ko ng bigla niya akong sundutin sa bewang.

“Anna anong nangyari kagabi?” tanong naman ng isang babae sa akin na hindi ko kakilala pero mataba siya at tila may pagka chismosa rin.

“Oo nga Anna at tila natanghalian ka yata ng gising ha napagod kaba kagabi?” tanong pa ng katabi ni Manang cora na ikinatawa nilang lahat.

Hindi muna ako sumagot sa kanila at nagdiretso ng lakad patungo sa kusina para makapag timpla ng kape ko.Pero nyeta sinusundan nila ako at hindi nawawala ang abot tenga nilang ngiti.

“Ano po ba meron?” lakas loob kong pagtatanong sa kanila.

Lumapit naman ang isang babae pero tumingin muna siya sa taas at may kung anong siyang sinabi.

“Nakabuo na ba?” bulong na tanong niya sa akin.Kumibit balikat ako na lalo nilang ikinangiti pero hindi ko talaga naiintindihan kung ano ang pinagsasabi nila.

“Ilang beses ba?” tanong pa ni Manang Cora.Napailing iling ako at napahinga ng malalim dahil ang weirdo at bastos na ng mga salitang pinapakawalan nila.

“Ano po ba yung mga tanong niyo di ko kayo maintindihan” inis na tanong ko sa kanilang lima.

“Hayy naku ija ito kasing si Gwen may ikinwento sa akin kagabi nakita niya daw kayo ni Sir Bryan na lumabas dito sa mansyon at pagbalik niyo tila hinalikan ka niya daw bago pumasok dito sa bahay” sagot ni Manang cora dahilan para mapanganga ako.

“Hahahaha? Ano? Anong hinalikan? Bakit naman ako magpapahalik sa kumag na yun” iritang sagot ko na ikinatawa nila ulit.

“Hayy naku ija wag kanang mag deny alam naman namin pero wag ka mag-alala walang namang makaka alam eh” sabay hampas ni ate Gwen sa braso ko.

“T-teka lang po ha baka hindi po tayo nagkakaintindihan..Hehe” pumagitna ako sa kanila habang taas ang magkabilang kong kamay.“Kami po ni Sir Bryan walang relasyon may pinuntahan lang po kami kagabi” pagsagot ko sa kanila.

“Eh saan naman kayo nag punta?” tanong ng isang babae.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Sir Bryan sa akin kagabi.Yung sinasabi ni Ate Gwen na hinalikan ako ng kumag na yun hindi iyon ang buong pangyayari.

࿐𝘍𝘓𝘈𝘚𝘏𝘉𝘈𝘊𝘒࿐

Nakahawak ako sa aking labi dahil ramdam ko pa rin ang tamis ng labi nung lalaking nahalikan ko.Feeling ko nga pwede na akong mamatay pero nakakainis lang hindi ko siya nakilala kasi naman siya kaya ang first kiss ko.

Pagdating namin dito sa bahay ni Mr.Kumag dali dali na akong bumaba at papasok na sana sa loob dahil hindi ko na kayang mapigilan ang kilig na nararamdaman ko sa nahalikan ko kanina pero biglang mahigpit na hinawakan ni Sir Bryan ang kanang braso ko.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya pero lakas loob ko siyang hinarap.Ibang iba ang mga titig na pinapakawalan niya sa akin ngayon.Malakas na kumabog ang puso ko na para bang lulundag na sa saya ng unti unti siyang lumapit sa akin.

MY BOSS IS MY BOYFRIENDWhere stories live. Discover now