Chapter 38

589 16 0
                                    

—ANNA PEREZ POV—

“Are you ready Honey?” tanong sa akin ni Bryan ng maiparada niya ang kotse dito sa garahe..

Hindi ko alam pero sobrang bilis ang tibok ng aking puso.Ilang beses na rin akong huminga ng malalim dahil sa kaba.Eh paano naman kasi pagbalik kanina ni Bryan dun sa hotel agad niya akong pinagbihis ng maganda at pina make up pa dahil daw sa gusto akong makita ng Ina niya.

Naiwan naman ang mga kaibigan namin dun para mag enjoy pero ako gusto ko na lang tumakbo palayo.Nakaramdam ako ng tila kuryente ng hinawakan ni Bryan ang kamay ko.

“Chill hindi naman nangangain si Mama” usal niya pa ng may halong pang aasar.Ngumiti naman agad ako at tumango sa kaniya.Mahigpit akong naka hawak sa kamay niya bago ako bumaba sa kotse.

“Paano kung ayaw niya sa akin kasi probinsiya lang ako..Ehhh bryan natatakot ako” sambit ko na ikinangiti niya.Hinarap niya ako at pinisil ang magkabila kong pisnge..

“Tsk..Iloveyou anna at handa kitang ilaban sa kaibigan hanggang sa magulang kaya chill lang okay..” pagpapakalma niya sa akin.Mahigpit akong humawak sa braso niya bago sumabay sa paglakad niya papasok ng bahay.Nakita ko si Manang Cora at ang ibang kasambahay na naghahanda ng pagkain sa lamesa.Nakita ko si Mr.Robert na nakangiti sa amin ni Bryan habang kaharap nito ang isang babae na may magandang suot na damit.Hindi ko makita ang muka niya dahil nakatakip ito ng dyaryo.

“Oh Anita, Bryan and Anna is Here” sambit ni Mr.Robert este tito..Oo tama tito..Malamig ang kamay ko dahil sa kaba.Napa pikit naman ako ng madiing binagsak ng ina ni Bryan ang dyaryo sa lamesa na halos lumitaw na ang mga pagkain dahil sa lakas na iyon.Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ganun rin ako sa kaniya.

Sobrang bata ng muka ng Mama ni Bryan..Este ni Dave oo tama si Dave.

“M-magandang araw po tito at tita” pagbati ko sa kaniya.Dumiin ang hawak ko sa braso ni Bryan ng nakatitig sa akin ang Mama niya na tila ba kakainin na ako.

“Come and sit...Join us” napahinga ako ng malalim ng lumabas ito sa bibig ng tinawag ni Tito Robert na Anita.

“Let's go Honey" tumango ako kay Bryan at binigyan siya ng mapait na ngiti.Inalalayan niya ako na maupo..Medyo malayo ang bawat pagitan namin kaya hindi ko magawang kausapin si Bryan eh kasi naman kanina pa siya naka titig sa akin.

“I'm Anita Gonzales im his Bryan Mother and you?” malamig ang boses nitong turan.Napangiwi ako at tinignan si Bryan bago ko binalak na sagutin ang tanong niya.

“Ako po si Anna Perez maam ikinagagalak ko po kayong makita at makilala" usal ko pa sa kaniya..

“So tell me..Saan ka probinsya galing?” napakunot noo akong tingin sa kaniya.

“S-sa~”

“Anong gayuma ang ginamit mo para mahulog o magustuhan ka ni Bryan?” tanong niyang muli.

Napalunok ako ng ilang beses pero bigla kaming napatingin kay Bryan ng maglikha ito ng ingay sa pamamagitan ng pag hulog ng kutsara sa babasagin na plato.

“She's my girlfriend please kahit wag niyo na akong irespeto kahit siya nalang” madiing turan ni Bryan na ikinakagat labi ko..

“Tinatanong ko lang siya? Diba mahal mo si Ellise eh bakit bigla yatang nagkagusto ka at sa hindi pa tao?” sambit ng kaniyang ina na ikinakirot ng puso ko..Nakatingin ako kay Bryan na madiing nakahawak sa sentro ng lamesa.Ano mang oras ay sasabog na ito sa galit.Alam ko namang hindi sila close ng mama niya kaya ano ding oras ay masasagot niya na ito.

Matalas ang dila ng ina niya medyo masakit din sa puso ko ang mga sinabi niya.Sa simple na pananalita niya at tingin alam kong hindi kami magkaka sundo

Nabigla akong napatingin kay Bryan ng hawakan niya ang kamay ko.Nakatayo ito sa aking harapan..

MY BOSS IS MY BOYFRIENDWhere stories live. Discover now