7

60 7 7
                                    

She slowly walked down the aisle, and I am again, just standing in the corner, watching with helpless eyes.

Her wedding gown is amazing. It was dotted with Swarovski crystals all over, only in different patterns. Her bouquet was made with her favorite flowers, a combination of daisies and gardenias. And her face was angelic. Anyone seeing her like this will definitely fall for her in an instant.

Baka nga pati ako.

Pero malamang, hindi. Kahit na ganito na ang sitwasyon ko, kay Alana lang ako.

She's one of the bridesmaids now, already standing on her designated place in that garden wedding. Looking all so gorgeous too, she tearfully watched her best friend approach the altar.

I forgot the name of the girl again. Pero alam kong matalik siyang kaibigan ni Alana. She was the girl who's been with her through all the agonizing days of my wake until my burial. Her groom is a familiar man, too. Nagbabadya na rin ang mga luha sa mga mata niya. I would be bawling my eyes off too if I was in his position. To see the love of my life, walking beautifully down the aisle and approach me on the altar, can literally make a crying mess, too.

Kung wala bang nangyaring hindi inaasahan, kung hindi ba ako... namatay, sana malapit lang din sa ganito ang nangyayari sa 'min ni Alana? I was supposed to propose to her days after I died, right? Kung gano'n, siguro kasal na rin sana kami ngayon.

Sana.

Of course, I could only wish for it to happen. Because there really is nothing I can do now.

"Oy! Isali niyo si Alana!" sigaw ng isang bisita nang oras na para itapon noong bride ang kanyang bouquet.

Umiling-iling lang si Alana at tinakpan pa ang mukha, nahihiya yata sa request ng kanyang mga kakilala. Pero talagang mas lalong lumakas ang hiyawan nila kalaunan kaya iyon nga at wala na siyang choice na sumali sa palaro nila, lalo na at dinarag pa talaga siya noong isa niya pang kaibigan papunta sa gitna.

Sumama na nga si Alana sa grupo ng mga babaeng naghihintay na itapon na no'ng bride ang kanyang bouquet. Sa hindi kalayuan ng silid, nakita ko ang biglang pagsulpot ni Daniel.

Oo nga pala, siya nga pala ang best man kanina. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ibang kilala sa mga taong nakapalibot sa venue ng reception ng kasal maliban kay Daniel at Alana, pero kanina ko pa napapansin na parang may hinahanap ang mga tao, at bigla na lang silang nagbubulong-bulongan kapag nakikita si Daniel.

"Saan siguro ang kapatid niya, no?" tanong ng isang medyo mataba na babae sa katabi niya.

"Eh 'di ba hindi naman daw sila masyadong close ngayon? At saka, hindi naman talaga kinikilalang Garcia iyong si Troy. Iyon lang ang apelyidong dala niya pero maraming nagdududa na anak lang naman siya sa labas, 'di ba?"

My ears rang on what I heard. Kahit na alam na wala nga rin naman yatang makakakita sa 'kin kahit sa dagat ng taong naroon, I still walked warily to the gossiping ladies.

"Oo raw, eh. Kaya nga siguro iyon wala dito kasi pinsan daw niya sa tatay itong si Artur, 'di ba? Eh hindi naman siguro naging mabait kahit isang beses itong mga 'to sa kanya noon. Buti na lang at yumaman naman iyong batang 'yon, no?"

Iyon sigurong Artur na tinutukoy nila ay ang groom. Samantalang iyong Troy naman, siguro kakilala nila. Naalala ko naman na Troy din pala ang pangalan noong lalaki na bumisita isang beses sa burol ko kaya mas naengganyo lang akong pakinggan pa ang mga babaeng nag-uusap.

"Oo nga, eh. Ayos na siya kahit na wala ang mga Garcia sa likod niya. I bet this family is equally grateful as he is that he's finally standing out of the family, too."

I Woke Up... DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon