Chapter 14

5.4K 274 24
                                    

Camela




Nang makaupo na ako ay pinag timpla niya kaagad ako ng coffee. Tinikman ko naman ito kaagad pagkababa nya pa lang ng mug sa harap ko.



Hindi ko naman maiwasang mapapikit dahil nahuli nito ang gusto kong timpla sa kape.



Nag sunod sunod na tuloy ang higop ko sa kape. Maya lang ay naka pag handa na rin ito ng pagkain namin.



Nag ra rice din pala siya. Mukhang masarap pa ang pagkaka sangag nito sa kanin.



Agad nitong nilagyan ang plate ko ng sinangag. Tsaka nilapit sa harap ko ang mga niluto nitong ulam.



"Kain na po tayo Ma'am," nakangiti nitong pag aaya sa akin.



Tumango na lang ako dito at nag simula na ring kumain. Isa lang ang masasabi ko. Masarap siyang mag luto. Mukhang sanay na sanay nga ito sa mga gawaing bahay.



Halos hindi ako makatayo mula sa aking kinauupuan ng matapos kami kumain. Pinag salin pa ako ng tubig nito sa baso. Tsaka binigyan ng gamot na agad ko namang ininom.



Asikasong asikaso talaga ako nito kaya tuloy mas lalo akong na guilty sa mga nagawa ko dito kanina.



"Pasensya kana ulit kanina Fortalejo ha." Hingi ko ulit dito ng paumanhin.



"Okay na po Ma'am Camela, naiintindihan ko naman po eh. Kahit naman po sino eh mabibigla din po sa nangyari." Sagot naman nito sa akin



"Oh siya, huwag na natin pag usapan pa ang tungkol doon at pareho naman tayo na may mali " pagtatapos ko sa usapan namin na iyon.



Nang makatapos na kaming kumain ay tumayo na ako. Balak ko na nga sanang ako na ang mag hugas ng mga pinagkainan namin pero bigla na lang ako nitong pinigilan.



"Ako na lang po ang bahala dyan Ma'am Camela. Kayang kaya ko na po iyan" mabilis na sabi nito sa akin at nag mamadali nang dinala sa lababo ang lahat ng nagamit namin.



Hindi na rin naman ako nag abala na tumulong pa. At hinayaan na rin lang ito na siya na ang gumawa ng lahat. Sabi kasi nya. Siya na lang daw eh.



"Ma'am Camela, paki hintay na lang po ako sa may sala at mabilis ko lang naman po itong matatapos at ihahatid ko na rin po tuloy kayo sa bahay nyo." Nakangiti nitong baling sa akin habang busy siya sa pag sasabon ng aming mga pinag kainan.



Tumango na lang ako dito at lumabas na sa kitchen. Mukhang wala din naman akong maitutulong sa kanya doon eh. 


Nang makarating sa living room nito ay ginala ko ulit ang aking mga mata. Malinis talaga siya. At saka naka organize halos lahat ng gamit nito.



Masasabi mong hindi burara ang nakatira dito. Oh kaya naman ay may katulong siya na syang nag lilinis para dito. Pero halata naman kasing wala eh.



Maya lang ay lumabas na si Fortalejo, nag paalam ulit ito saglit sa akin na mag bibihis lang daw siya. Nag alok pa nga ito kung like ko na humiram muna sa kanya ng maisusuot eh. Pero tinanggihan ko ito kaagad.



Hindi naman sa ayaw kong maligo, pero di lang ako sanay na gumagamit ng damit ng iba. Kaiba kasi sa pakiramdam.



Hindi naman na ito nagpilit pa at tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto.



Maya lang ay lumabas na ito. Hindi ko naman naiwasan na igala ang aking paningin sa kabuoan nito ngayon.  Naka pants ito ngayon ng butas butas at naka white shirt na v neck. Tapos naka vans lang sya at naka lugay ang medyo may kahabaan nitong buhok. Tsaka naka eyeglasses ulit ito.



Mukhang malabo nga talaga ang kanyang mata. Wala pa kasing araw na hindi ko siya nakitang tinanggal niya ang kanyang salamin eh.



"Tara na po Ma'am?" Pag aaya kaagad nito sa akin. Habang palapit ito ngayon.



Hindi naman ako umimik pa at nagpauna ng lumabas sa unit nito.



Pag labas namin ng pinto ay tumuloy kaagad kami sa may elevator at naghintay hanggang sa bumukas ito.



May mga nakasakay na doon na mga babae. Agad ngumiti ang mga ito kay Fortalejo pagkakita pa lang sa kanya.



"Hi Lauren!," Bati kaagad dito nung mukhang espasol na babae. Ewan ko parang bigla kasi akong nainis sa pag papa pansin nito kay Fortalejo.



At ito namang katabi ko ay tudo naman ang ngiti dito at binati pa pabalik. Sarap ipagtabi ng dalawa sabay pokpokin. Kainis



Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon dito. Basta ang gusto ko lang eh ilayo si Fortalejo sa babaeng espasol na ito.



Baka maya hindi ako makapag timpi eh masampal ko kaagad ito.



Maya lang ay bumukas na ang elevator. Hay mabuti naman at makakalabas na kami dito. Mailalayo ko na siya kaagad doon.



Pero yon lang pala ang akala ko. Dahil nakasunod pa rin pala ito sa amin ni Fortalejo.



Naiinis na talaga ako. Ano ba ang kailangan ng haliparot na ito at hanggang dito sa parking lot eh sumusunod pa rin ito.



Haharapin ko na sana ito at pag sasalitaan na sana pero naunahan ako ni Fortalejo.


"Carlota, dito na kami ha. Ingat ka sa pag drive ha." Nakangiting bilin dito ni Fortalejo at nilapitan pa talaga ito saka hinalikan sa pisngi si espasol.



Duh, hindi naman ito maganda. Maputi lang siya na parang hinampas sa mukha nito ang harina kaya namuti. Mukha na kaya siyang maputla.



Inis na inirapan ko na lang silang dalawa ni Fortalejo habang hinihintay ito na matapos sa kanilang pag be beso beso.



Nang matapos na sila ay nakangiti na binalingan na ako ni Fortalejo pero sinamaan ko lang ito ng tingin saka inirapan.



Kainis kasi siya ang harot harot niya. Saka sa harap ko pa talaga ito manghaharot ng iba.



Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Bakit sobrang naiinis ako na hindi ko mawari.



Tsaka ano naman sa akin kung lapitan ng mga haliparot na iyon ang batang ito. Hello wala dapat akong pakialam doon.



Nakukunsumi na tumalikod na lang ako dito. Basta naiinis ako sa kanya at ayaw ko muna itong pansinin. Pakialam ko sa kanya kung ang cute cute nyang tignan lalo pa at ngumingiti ito na lumalabas ang dimple nya sa kaliwang pisngi.


Basta huwag nya muna akong ngiti ngitian dyan at kanina pa ako naiinis sa kanya.


"Ma'am Camela, dito po yung kotse at wala po dyan banda." Pigil nito kaagad sa akin ng mag simula na sana ulit ako mag lakad.




___________
Happy International Women's Day!💚



3/8/2022

Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon