Chapter 22

5.3K 279 20
                                    

Camela.




Paglabas ng asawa ni Jane ay sakto naman na nag text na rin sila Athena, Angela at Catherine na papunta na nga sila dito sa office ni Jane at mag lunch na daw kami.



Nag ayos naman na kami ni Jane sabay labas na ng office nito. Sa labas na lang namin sila hihintayin.



Medyo okay na rin naman kami Catherine ngayon. Nag explain naman na itong mabuti saka sumadya pa talaga siya sa bahay ko kahapon at personal na humingi ng sorry ito sa akin.



Mabuti na lang at iyon ang ginawa niya. Kasi hindi ko talaga ito pa pansinin pa.



Pagka lock nito sa kanyang office ay sakto naman na parating na rin silang tatlo at tumango lang sa amin sabay ngiti ng tipid.



Agad lumapit sa akin si Catherine at kumapit na sa aking braso. Sa aming mag kakaibigan mas malapit ako dito kaya sumama talaga ang loob ko sa ginawa nito sa akin.



Nag sabay sabay na kaming lumabas dito sa may faculty building pa punta sa may Cafeteria.



Habang nag lalakad kami ay napansin ko sila Fortalejo at si Janine na nag lalakad din. Mukhang pa punta din ang mga ito sa cafeteria.



Pero biglang nangunot ang noo ko nung makita ko na naka akbay dito kay Fortalejo si Janine.



May kung ano sa akin ang biglang nag pupuyos sa aking nasaksihan ngayon. Parang gusto kong lumapit kaagad sa dalawang ito at pag layuin sila.


Kaya tuloy sinamaan ko na lang silang dalawa ng tingin nung malapit na sila sa amin at binati kami.


Hindi ko rin napigilan na erapan ito. Naiinis ako na di mawari. Sarap sampalin ng mukha ni Fortalejo ngayon. Na parang wala lang dito na naka akbay sa kanya yung isa.



Nagpatuloy na lang kami sa pag lalakad at hindi na sila pinansin pa.



Nang makaupo na kami ay agad ng um order ng foods si Athena at Angela.



Nag abot lang ako sa mga ito ng pera dahil wala ako sa mood ngayon. Naiinis pa rin kasi ako sa nakita ko kanina.



May relasyon ba ang dalawa na iyon at bakit ganun sila kalapit sa isat-isa? Sana naman ay wala dahil mas lalong nag iinit ang ulo ko pag naiisip ko na sila nito.



"Oh kanina pa nakabusangot yang mukha mo. Kunting kunti na lang ay pwede ng sabitan ng kaldero yang nguso mo." Paninita sa akin ni Jane.



"Wala lang ako sa mood." Masungit na rebat ko dito.



"Palagi ka naman wala sa mood ah. Pero hindi ganyan na nanghahaba yang nguso mo. Para kang pinagtaksilan na ewan eh." Pailing iling na kumento pa nito.



"Oh paano naman nasali ang pinagtaksilan word na yan eh wala naman akong karelasyon ngayon" inis ko pa ring sabi dito.



"Oo na lang. Baka mamaya sa akin mo pa maibunton yang init ng ulo mo. Pasalamat ka at mabait ako ngayon hindi kita papatulan." Nakasimangot ng sabi sa akin ni Jane.



Mukhang kunti na rin lang eh papatulan na rin ako nito. Isa pa naman ito sa maigsi din ang pasensya na kaibigan ko.



Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Mahirap na at baka mag away pa kami nito dito pag pinatulan ko pa siya.



Nilibot ko na lang ang aking paningin upang hanapin kung saan nag pwesto sila Fortalejo. Hindi ko kasi sila napansin na pumasok dito sa loob eh.



Pero halos naikot ko na ang buong Cafeteria eh kahit dulo ng buhok nito ay hindi ko nakita.



Don't tell me na sa labas pa sila kumain. At ang akala ko lang eh pa puntang Cafeteria sila kanina iyon pala ay sa parking lot.



Hindi na lalo ako mapakali dito sa upuan ko ng maisip ko ang bagay na iyon. Mas nadagdagan ang inis na nararamdaman ko ngayon.




Bwisit ka talaga na Fortalejo ka. Saan ka na naman pumunta. Pag ganito na naiinis ako sa iyo ay huwag mo na sanang dagdagan pa. Dahil kanina ka pa sa classes ko. Inis kong sabi sa loob loob ko.



Maya lang ay dumating na si Angela at Athena. May kasunod ng estudyante ang mga ito na siyang may bitbit ng aming mga pagkain.



Agad naman nilapag ng mga bata ang aming foods at nag mamadali ng umalis.



Kumain naman na kami at wala ng gusto pang mag salita sa amin. Pero ako ito di halos nagalaw ang aking pagkain.




Bigla kasi akong nawalan ng gana eh. Iniisip ko pa rin kasi hanggang ngayon kung saan ba pumunta ang dalawang iyon.



"Oh bakit di mo halos nagalaw yang pagkain mo?" Sita sa akin ni Athena



"Wala kasi akong gana kumain eh. Tsaka nag meryenda na kasi ako kanina." Dahilan ko na lang dito.



Pero agad ako tinaasan ng kilay ni Jane ng marinig nito ang dahilan ko.



"Ano kamo Camela? Wala kang gana kasi busog ka? Eh kaya ka nga nang isturbo sa amin kanina ni Avril ay dahil nagugutom kana kamo at gusto mo ng kumain." Biglang singit na sabi nito sa usapan namin ni Athena.



Sinamaan ko naman kaagad ito ng tingin ng balingan ko siya. Kainis din ang isang ito eh. Alam na ngang nag dadahilan lang ako tapos e buko ba naman ako ng di oras.



"Huwag mo ako tignan ng ganyan at inis pa rin ako sa iyo. Kasalanan mo kung bakit umalis kaagad yung asawa ko." Nakasimangot na sabi nito sa akin.



"Bakit ganun kaba kabitin at hanggang ngayon ay badtrip kapa dyan? Hello magkasama na kayo sa bahay tapos hanggang dito sa school eh mag la lampungan pa talaga kayo? Mahiya naman kayo dito sa school no." Talak ko dito sa mahinang boses.



"Inggit ka lang kamo. Kasi hanggang ngayon eh wala ka pang boyfriend. Baka girlfriend din ang hanap mo katulad namin? Sus huwag ka ng mag deny dyan at kita namin kanina ang pag iba ng timpla mo nung makasalubong natin sila Fortalejo. Kaya huwag mo ng subukan pang mag deny dahil huli kana."



"Ano pinag sasabi mo dyan? At anong kinalaman ni Fortalejo dito sa usapan natin na ito. Mahiya ka nga dyan. Ibugaw mo pa talaga ako sa batang iyon at babae pa ha. Kainis ka." Galit na sabi ko dito sabay tayo at labas ng Cafeteria.



Iniwan ko na silang apat doon. Naiinis ako sa kanila. Anong karapatan nila na sabihin sa akin ang bagay na iyon kahit anong mangyari hindi ko papatulan ang batang iyon. Hindi ako tutulad sa kanila na sa estudyante nag papaka tanga ngayon.





04/01/2022








Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon