Realizations

857 27 0
                                    

"Sandali, paki-rewind mo nga." Utos ni Greggy sa pulis na may hawak ng monitor.

"Pause." Sabi naman ni Bong na halos pumasok na sa loob ng monitor sa sobrang lapit sa screen.

"Pamilyar yung sasakyan eh." Sabi niGegg habang tinititigan ito. "Hindi ba makikita kung sino yung driver?"

"Hindi po sir eh, masyado po kasing tinted ang sasakyan." Sabi ng pulis.

"Yung plate number hindi ba nakuhanan?" Tanong ni Bong.

"Try po ulit natin ulitin." Sabi nito.

Nang ulitin ito ay agad na ihininto sa parte ng clip kung saan kita ang plate number.

"Paki zoom mo pa nga." Sabi ni Bong.

Nang izoom ito ng may hawak ng monitor ay nagulat si Bong ng biglang suntukin ni Greggy ang pader.

"Greggy!" Pag-saway ni Bong.

"Ipapa-check na po namin kung kanino naka-pangalan yung sasakya." Sabi ng pulis.

"Hindi na kailangan." Sabi ni Greggy na ngayon ay may dugo na ang kamao.

"Bakit?" Tanong ni Bong.

"Bong, si Issabel ang may dala ng sasakyan. Siya ang may-ari ng sasakyan!" Sabi ni Greggy na ikinagulat ni Bong.

"Teka sandali! Hayaan mong ang mga pulis na ang mag-asikasong dumampot kay Isabel." Sabi ni Bong dito.

"Hindi BOng! Kailangan kong mauna. Alam kong alam niya na ang mga bata ang nabangga niya, pero ano ginawa niya? Nilagpasanniya lang. hindi man lang siya tumawag ng ambulansya sana para man lang natulungan ang mga bata." Sabi nito at tsaka lumabas ng prisinto.

Hindi na ito napigilan ni Bong dahil bigla naman siyan tinawagan ni Liza.

"Anong balita diyan?"

"Greg, Greggy!" Sigaw ni Bong kay Greggy dahil nag-mamadali na itong umalis.

"Bakit? Anong nangyare?" Tanong ni Liza.

"Nakita na namin ni Greggy ang nangyare, si Isabel ang naka-bangga sa mga bata at ang sabi ni Greggy eh sigurado siya na alam ito ni Issabel dahil aam niyang kilala ni Isabel ang sasakyang dala ng mga bata." Kwento ni Bong.

"Ano?!" Gulat na taong ni Liza.

"Ano daw nangyare?" Tanong ni Irene na puno ng takot at kaba.

"Huwag mo munang sabihin kay Irene, sigurado kong makaka-sama ito sa kanya. Pabalik na ko diyan." Sabi ni Bong.

"Sige, mag-iingat ka." Sabi ni liza bago ibaba ang telepono.

"Ano daw sabi?" Tanong ni Irene ng ibaba ang telepono ni Liza.

"Nakita na daw kung sino ang salarin." Sabi ni Liza.

"Sino daw?" Tanong ni Imee.

"Wala pang sinabi si Bong eh, pinapacheck pa daw kasi sa LTO kung kanino naka-reserba ang sasakyan." Paliwanag ni Liza.

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon