Chapter 1

93 6 0
                                    


***..

CHAPTER 1:

Expect the unexpected

Kung may Mayaman, may mahirap.

Kung may Maganda, may pangit.

Kung may mabait, may maasama.

At panghuli...

Hindi ako sigurado.

"Royal International High" Basa ko sa hawak kong brown envelope. Kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin sa mukha ko.

Napataas ang kilay ko. Hindi ko talaga alam Kong bakit nila ako ipinasok sa paaralang 'to. Hindi naman kami Mayaman.

Iwan ko sa kanila.

Sa halip na mag isip. Mabilis akong tumalon pababa ng puno na inakyat ko.

Mintikan pa akong matalisod dahil hindi maayos ang pagkalanding ko galing sa puno. Mabuti nalang hindi mataas ang inakyat kong puno. Dahil kung hindi, baka bali na ang buto ko sa paa.

Heirendell Heart International School.

"Ano kayang special sa paaralang 'to, bakit ba sobrang mahal?"

Napangisi ako sa kalukuhan na naisip.

Kendrick POV

Isang kalabog ang narinig ko, bago ako lumabas ng kwarto ko.

"Kendrick!."

"Kendrick? nandyan ba ang kapatid mo?" bungad ni mama sakin pagbukas  ko ng pintuan.

I looked at my mother boredly. Napangisi ako at kalaunan ay umiling. Parang alam ko na-

"Aray!! Mama naman."

" kulang pa yang batukan ka, hay naku sa inyo, magkapatid nga kayo ng dalawa." rekalamo ni mama.

Hindi ko masisisi si mama. Sa katigasan  ba naman ng ulo nang kapatid ko, sinalu na ata lahat nung may nagsaboy sa itaas.

"Wala sya dito mama, baka nasa likod lang ng bahay Alam mo naman yun, daig pa ang unggoy kung   umakyat ng puno." natatawa kong sabi.

Huminga sya ng malalim at umiling.

"Wala. Alam mo naman na Dapat nagpapahinga ang kapatid mo ngayon."

Si mama talaga. Baka iniisip nya na umalis ang kapatid ko para pumunta sa---

"Sa R.I.H." putol ni mama sa iniisip ko.

Puno ng pag alala ang mata ni mama. Umiling ako at ngumiti para mapanatag sya.

"Wag na kayong mag alala, alam nya naman na hindi sya makakapasok don dahil bukas pa darating ang uniform at ID  nya sa eskwelahang yun. Alam  naman natin  na ang susi para makapasok dun ay ID." Pag kukumbinsi ko.

Bigla akong namutla ng bigla-bigla ang nag aalalang  mukha ni mama biglang napawi at napalitan nang isang  nakakapanindig balahibong ngumisi.

Wag mong sabihing...

"Alam mo rin naman na hindi lang ikaw ang matalinong anak ko. Matalino din ang kapatid mo" umiling si mama at tinalikuran ako.

Pero bago pa man sya nakalayo, lumingon sya ulit sakin na para bang tuwang tuwa sa reaksyon ko...... na naisahan na naman  ako ni devi.

"Mamaya ko na sya papagalitan, atsaka may tiwala naman ako sa kapatid mo."

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at hinalungkat ang mga gamit ko at nagbabaka-sakali na mali ang naiisip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Garden: Boys Over FlowersWhere stories live. Discover now