TWENTE TWO

140 11 0
                                    

JACY

Isang buwan na ng makalipas ang nangyari iyon pero masakit pa rin kasi alam kong mahal pa rin siya, gusto kung mawala ang nararamdaman ko pero parang immortal ata ang pakiramdam na 'to ayaw mawala wala.

Isang buwan na din simula ng nagkaayos kami ng kaibigan kung si Lea, ako ang nag aalaga sakanya kung wala ang mga magulang niya.

Isang buwan na din na wala akong koneksiyon sakanila lalo na kay Insan.

"Anak pumunta ka muna sa bahay ng kaibigan mo kay lea kasi wala daw magbabantay sa batang iyon baka kung anong mangyari buntis pa naman." Utos ni mama kaya agad akong pumunta ako sa bahay nila.

Kinatok ko ang bahay nila pero nakalock ito, kumunot ang noo ko at sinabukang buksan ulit ito.

Tinawag ko naman si Lea.

"LEA! GISING BUKSAN MO NGA 'TO!! NANDIYAN KA BA?" Sigaw ko sa labas ng bahay nila, agad akong kinabahan ng di ito sumagot.

"Jacy!" Panggugulat ng buntis, nagulat naman ako sakanya at agad na napalingon.

"saan ka galing!?" Inis na tanong ko.

"Wala diyan lang hehe." Sagot niya at tumawa pa, napatingin naman ako sa tiyan niya at di mapigilang bumuntong hininga ng maalala ko naman ang sinabi ni Chrysin saakin.

"Ayos ka lang bakla?" Nag-aalalang tanong niya, umiling naman ako bilang sagot.

"Hayst alam ko dahil 'yan sa Ex boyfriend mo noh?" Nakataas na kilay na sabi niya, agad naman akong tumango, umiling iling naman siya habang nakatingin sa'kin.

"Hayst ewan ko sayong bakla ko, di kita ma tutulongan, atsaka bakla kuhaan mo nga ako ng mangga." Utos niya saakin kaya agad ko itong sinunod mahirap magalit ang buntis, lumabas ako ng bahay nila walang mangga kaya lumabas ako at naghanap ng mangga.

Hanggang sa di kalayuan ay may nakita ako agad akong tumakbo sa lugar na 'yon, napalingon lingon naman ako pakiramdam ko kasi may sumusunod saakin.

Medyo madilim at walang masyadong bahay sa lugar na 'yon kaya medyo na creepy ako sa lugar.

Agad akong umakyat ng puno at kumuhang limang mangga atsaka bumaba, nagsimula na akong mag lakad pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may tumakip sa bibig ko na panyo naamoy ko naman ang panyo kaya nawalan ako ng malay dahil doon.

NAGISING ako ng may bumuhos ng malamig na tubig sa ulo ko, agad akong nagmulat at tiningnan kung sino ang gumawa nun medyo nagulat pa ako ng makita ko 'yong dalawang matanda na kaedad nila mama at papa at kapag pinagmix ang mukha nila parang kamukha ni Chrysin, di kaya mommy at daddy niyo 'to?

Nakita ko din 'yong babae noong first visit ko sa company ni Chrysin.
Nakita ko din sa Chrysin na nakatayo, walang emosyon pero mas tinititigan ko siya parang may nakita akong ibang emosyon sa mata nito na parang nag-alala?

Ginala ko pa ang paningin ko nakita ko si Insan na nakatali din at may mga pasa pilit na sumigaw na wag akong ilublub ang ulo ko sa tubig.

"Chrysin, sign this marriage contract infront of this poor guy and I believe that you don't love that man." Nakangising saad ng Mama ata ni Chrysin, nakita ko naman na walang emosyong lumapit sa table kung saan ang marriage contract.

Nakita ko ang pag alinglangan niya nang basahin niya ang marriage contract, nag-iwas tingin naman ako sa nakita kaya nakita ko ang pinsan ko na sumigaw.

"FUCK YOU BOSS ONCE YOU SIGN IT!" Galit na sigaw ng pinsan ko, galit naman siyang nilingon ng babae.

"SHUT UP MR. SECRETARY! MY BABE IS SIGN IT AND HE WILL MARRY ME NOT THAT FUCKING BOY!" Galit na sigaw ng babaeng fiance ni Chrysin atsaka madiin na tinuro ako.

"Dear calmdown, my son will marry you not that poor guy. Magdadala lang siya ng kahihiyan sa pamilya, atsaka paniguradong icacancel ng mga nag invest sa company kapag nalaman nila ang CEO ay magpapakasal sa Isang bakla at isa pang mahirap. My son won't like it, that company is from his grandparents." Nakangiting papakalma ng mama ni Chrysin sa babaeng fiance ni Chrysin.

I don't know their name.

"Ok tita, thank you for comfidence." Nakangiting saad ng babaeng fiance ni Chrysin.

"Welcome dear, you're the perfect girl to my son." Tugon naman ng mommy ni Chrysin, napakuyom ang kamao ko sa Inis sakanya at sa babaeng 'yon.

Bumaling naman ang tingin ko sa daddy ni Chrysin na nagsalita.

"Son, sign that paper." Seryosong saad ng daddy niya, nakita ko naman na bumuntong hininga ito atsaka ako tiningnan agad rin iniwas ang tingin.

"Ok dad." Maikling saad niya atsaka pinermahan ang marriage contract.

Parang gumuho ang mundo ang munto ko ng makita ko na pinermahan niya ang marriage contract.

Ang marriage contract na nagpatunay na official na break up na kami at hindi na siya akin.

Ang marriage contract na nagpasakit at sikip ng puso ko.

Ang marriage contract na nagpapatunay na may nagmamay-ari na sakanya kahit sa papel lang.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng umalis na sila na nakangisi, nakita ko naman na sinulyapan ako ni Chrysin atsaka tumalikod.

Tiningnan ko si Insan na nag-aalalang nakatingin saakin atsaka malungkot naka tingin saakin.

"I'm sorry." Nahihirang sabi niya ng walang boses, napaluhod naman ako sa sahig atsaka humagulgol dahil sa sakit na nadama.

'Wala na, talo na ako.'

END OF CHAPTER 22.

OWNED BY A BILLIONAIRE(COMPLETED)Where stories live. Discover now