Chapter 96

599 50 14
                                    


°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Patakbong lumabas si Blaze mula sa loob ng palasyo papunta sa labas para tignan ang kanyang ama at ang kanilang mga kalahi at mga nasasakupan

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nagkalat ang mga bangkay at katawan ng kanilang mga kalahi at mga nasasakulan

Napaluha siya ng makitang halos matalo na ang kanilang mga kawal at mga kalahing engkanto

Nakita niya ang kanyang Amang si Rohan na halos nahihirapan na din ito sa mga engkantong itim, mga maligno at tiyanak na nagsipagbangon para makipaglaban din sa kanila

"Papa!," tawag niya sabay takbo at tinulungan ang kanyang ama na pinalilibutan ng mga iyon

Gamit ang kanyang espada ay pinagpuputulan niya ng ulo ang mga tiyak at maligno na nasa likuran ng kanyang ama

Namamatay at nasusunog agad iyon dahil ang kanyang espada ay kakaiba at walang maaaring makagaya

Gawa iyon sa pinagsamang luha ng tikbalang at kapre, galing sa dugo ng engkantong may duging puti at itim, pangil ng pinunong aswang at higit sa lahat ay nilagyan iyon ng punyal na bigay ng kanyang Mama Akira na gaking din sa Lola niya na isang anghel na tumulong sa kanila noon

Kaya lason para sa mga engkanto at aswang na tatamaan at mahihiwa noon

Kaagad silang nagtalikuran para protektahan ang bawat isa, sinabi din niya na ayos lang ang kanilang ina, kapatid at mga bata pati ang asawa nito

Lalo pang dumilim ang kalangitan dahil sa mga engkatong itim, mga diwata at mga duwendeng itim na may galit din sa angkan ni Rohan lalo na sa Ina nito dahil sa itinapon sila sa labas ng kanilang kaharian dahil sa mga masasama ang mga ito

Pagod na silang lahat dahil sa pakikipaglaban, kahit na may kapangyarihan ang mga kalahi nila ay natatalo pa din sila dahil sa demonyong kasama ng mga ito

"Anak kamusta?," tanong ng Ama ni Rohan ng biglang sumulpot sa kanilang harapan,"Mukhang matatalo na kayo ah?,"

"Ama!," ani ni Rohan sabay yakap

"Lolo,"ani ni Blaze sabay mano

"Kailangan munang gamitin iyang kakayahan mo, anak,"sulsol naman ng ama nitong naka anyo ng isang lobo,"Iyon lang ang tanging paraan para manalo tayo sa labanang iyon,"

"Paano ang demonyo, Ama?," tanong ni Rohan sa ama nito

"Hindi ka niyan lalabanan,"ani nito sa kanya,"Ginabayan lang nito ang mga aswang at nga engkanto para guluhin kayo,"

Napabugtong hininga nalang si Rohan bago nagdesisyon

Minsan lang niya gagamitin ang kanyang kakayahang iyon dahil kakainin iyon ang lahat ng kanyang lakas

Dahil sa bilog ang buwan kaya mabilis lang niyang nagawang magpalit mg kanyang kaanyuan bilang taong lobo at kalahating engkanto

Humaba na hanggang lagpas bewang ang maitim niyang buhok na naging kulay puti

Ang kanyang tainga ay humaba na kagaya ng sa mga duwende pero naging tatlo iyon kaya mas tumalas pa amg kanyang pandinig

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon