A/N:
Hello po
Pasensiya na po kayo kung ngayon lang ako nakapag Update🤗🤗✌✌✌
Nagloloko po kasi ang wattpad ko at nawala ang mga naka save kong drafts kaya nahirapan po akong gumawa ng panibago😔😔😔
Kaya sana po ay naintindihan ninyo✌✌✌
°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Habang sina Nena, Martha at Sister Janelle ay umatras ang mga iyon hanggang sa makarating sila sa pintun ng kombento
Doon nila nilabanan ang mga aswang na sumugod sa kanilang tatlo, pinagtataga nila ang mga iyon habang umuusal ng orasyon si Martha para patubuin ang halaman kumakain ng laman ng aswang at sumisipsip ng dugo para makabuhay ng isang uri ng halaman na lason ang amoy para sa mga bampira
Mahigit sampung minuto ang lumipas at naubos na nilang tatlo ang mga aswang na umatake sa kanila doon sa may pintuan ng kombento
Marami na din ang mga hakaman ang tumubo sa katawan ng mga aswang at namulaklak ng ubod dami
Kaya ang mga bampira na malapit lang doon at lumilipad ay nagkakanda bagsakan dahil naaamoy nila ang napakabahong halimuyak ng bulaklak ng mga iyon
Lumalagabog at nawawasak ang katawan ng mga iyon kapag bumagsak na sa lupa dahil sa tindi ng epekto ng amoy ng bulaklak na iyon sa kanilang pang amoy
Habang si Khael ay para na itong halimaw, nakapagpalit na ito ng anyo bilang isang mabangis na aswang
Bawat aswang na kanyang nakaksalubong ay nahahati ng katawan ng mga iyon
May isang aswang na may kalakihan kaysa sa karaniwan na kanyang napapatay, kinubabawan niya ito, bago itinarak sa leeg nito ang punyal na binigay ni Yuri habang isinaksak niya ang mga matutulis na kuko sa dibdib nito hanggang sa umabot iton sa tapat ng puso ng aswang
Matapos iyon ay umigpaw siya paitaas, umikot sabay dinampot ang baril na nakita niya sa lupa bago tumalon at umikot ulit sabay sa pagbabaril niya sa mga aswang na nasa ibaba niya, halos sabog ang mga ulo ng mga aswang na kanyang mga pinagbabaril, sunod sunod na bumagsak ang mga iyon sa lupa matapos sumabog ang mga ulo ng mga ito
.
.
.
.
.
.
.
.Habang lumilipas ang mga oras,
Madami na silang napapatay at natutumbang mga aswang, kasama sina Gwen, Megan at Kate, pati na din sina Gudo at Moune kasama ang halos dalawang daang taong lobo na bihasa sa pakikipagdigmaan
Pero kahit na gaano pa sila kagaling at kabilis ay nagtatamo pa din sila ng sugat na likha ng mga aswang na hindi nila napapansin at nakakalusot sa kanila
Dahil sa sobrang dami ng mga aswang na umaatake sa kanila, sina Yuri, Aira at Trina, may mga sugat na sila sa magkabilaang balikat
Pero patuloy pa din sila sa pakikipaglaban, ganoon din sina Manuel, Bryan at Kevin, kasama sina Jade at Ivan, may mga sugat na din sila sa kanilang mga hita, balikat at braso pero patuloy pa din sila sa pakikipaglaban
Kahit na may sugat na sa magkabilaang balikt si Yuri ay hindi pa din nababawasan ang kanyang liksi at bilis sa pagpatay sa mga aswang
Umuusal lang siya ng buhay n salita para mapabilis ang pag galing ng kanyang mga sugat
Inaasikaso naman ni Martha ang mga kaibigan ng kanyang Ate Yuri para mapadali ang paghilom ng kanilang mga sugat na natamo sa pag atake ng mga aswang
Bumuhay at nagpatubo ng isang halamang gamot si Martha para makatulong sa mabilisang paghilom ng sugt ng mga kasama niya, dahil hindi sila pwedeng magphinga, marami ang mamamatay at maaaring magtagumpay sila Apollo at Mark na masakop na ang buong Masapa

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
KorkuHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...