CHAPTER 9

2.7K 79 12
                                    

DAPHNE'S POV
"Happy birthday wife", he said.

Agad ko naman kinuha ang phone ko at tinignan kung anong date at oras na ngayon. It's already 12:00 am, today is march 14 that means, it's my birthday. Damn I almost forget it.

Hindi naman nagtagal ay pumasok sina mommy kasunod sila Chronos na may dalang cake na square na kulay yellow.

Kita ko naman ang pagkamot ni Apollo sa batok niya.

“Ahh sorry wala kase talaga akong nakuha na pinya na square kaya yung cake mo na lang flavor pinya”, he said.

Rinig ko naman ang pagtawa nila mommy habang ako ay nagpipigil ng ngiti.

Agad akong lumapit kay Apollo at niyakap siya. Sinandal ko rin ang ulo ko sa may dibdib niya.

"Thank you", sabi ko sa kaniya.

I felt him kiss me on my forehead. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Kaya pala ayaw mo ako patulugin", bulong ko sa kaniya habang magkayakap kami.

Rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

Mayamaya pa ay naramdaman kong may humila sakin papalayo kay Apollo.

"Tama na yan", Oliver said.

"Respeto naman samin", Chronos said habang hila-hila si Apollo na nagpupumiglas papuntang garden.

Natatawa naman na lumapit ako sa mga magulang namin.

"Happy birthday anak", pagbati sakin ni mommy at daddy naramdaman ko rin ang paghalik ni daddy sa ulo ko.

"Thank you mom,dad", sabi ko kina mommy at daddy.

"Happy birthday nak", pagbati naman sakin ng mga magulang ni Apollo may inabot pa silang regalo sakin.

“Thank you po, nagabala pa po kayo sa gift yung anak niyo lang po sapat na sakin”, sabi ko sa kanila.

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ko.

"Loko ka talaga", sabi ng daddy ni Apollo.

Ngayon ko lang napansin na lahat sila nakapantulog na.

"Bakit ganiyan po mga suot niyo?" tanong ko sa kanila.

“Pano ba naman kase si Apollo naka-ilang beses na saming tumawag.”

"Kung asan na daw kami", sabay na sabi ng mga magulang namin.

Lumabas si Oliver na may dalang alak galing sa kusina namin. Agad naman na sumunod sa kaniya sila daddy.

Naiwan kaming tatlo nila mommy sa loob ng bahay dahil yung limang lalaki ay nasa garden.

Pumunta ako sa kusina para magbalat ng mangga dahil gusto ko na namang kumain habang nakasunod naman sakin sila mommy.

"Bakit ang daming pinya at mangga dito?" tanong sakin ni mommy.

"Nag-crave po kase ako kanina, gusto ko nga po sana nung pinya na square na kulay violet kaso walang nahanap sila Apollo",sagot ko sa kanila.

"Kita ko naman ang gulat sa mga mata nila, "wala naman talagang pinya na square na kulay violet" sagot sakin ni mommy Avery.

"Oo nga naman anak walang pinya na square", sabi ni mommy.

"Eh yun po yung gusto kong kainin", sabi ko sa kanila.

“Ang weird nga din po dahil kanina yung mangga sinawsaw ko sa ketchup na may toyo pero masarap naman”, pagkukwento ko sa kanila, pinakita ko pa ang ginawa kong ketchup at toyo na sawsawan ng mangga.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Where stories live. Discover now