CHAPTER 30

2.5K 45 39
                                    

A/N: Hello everyone!, Starting from this chapter is Apollo's POV, simula po sa simula kaya medyo mahaba siya so kailangan ko siyang hatiin hehehehe. Bale dalawang chapter po ang POV ni Apollo.

Btw it's been a while since I updated here, namiss ko kayo, anyway may reader pa ba ko? HAHAHAHA

Anyway happy reading!

P.S. sorry for the typos!

***

APOLLO'S POV
“She's following us again”, I heard Oliver said, habang nakatingin sa may likuran ko.

“I know, cause she always does”, I said in a lower voice.

Andito kami ngayon sa library ng school dahil may mga assignments pa kaming hindi na gagawa.

Kahit na mayaman kami ay alam naman namin na kailangan naming magseryoso sa pag-aaral.

Hindi naman kami tulad ng iba na porket mayaman na ay hindi na magseseryoso sa pag-aaral.

Tsaka future ko ang nakasalaylay dito. Maraming pwedeng mangyari mahirap na kapag hindi ko sineryoso ang pag-aaral ko.

“Hi miss”, rinig kong sabi ni Oliver.

Nagkatinginan na lamang kami ni Chronos at sabay na napa-iling. Sanay na kami kay Oliver na kahit sinong babae ay lalandiin.

Mayamaya pa ay sabay kaming napangiwi ng bigla na lamang na sumulpot ang kababata ni Oliver na si Olivia at piningot ang tenga nito.

“Aray ko Via”, rinig naming pagdaing ni Oliver.

“Ikaw ang landi mo talaga hindi ka man lang tumulad sa mga kaibigan mo”, sabi ni Olivia sabay sulyap niya samin.

Tumingin naman sakin si Oliver at nagmamakaawa na tulungan ko siya kay Olivia.

Sa halip na tulungan siya ay ngumiti lang ako sa kaniya habang si Chronos naman ay nakatingin sa babaeng nasa kabilang table na nagbabasa ng aklat.

Ito ata yung babaeng bukambibig niya samin.

“Pag-ikaw may nabuntis tatawanan talaga kita”, she said habang ang isang kamay niya ay hawak pa rin ang tenga ng kaibigan namin.

“Aaminin kong malandi akong lalaki pero virgin pa ko”, Oliver said.

Nagtinginan naman samin ang mga studiyante na nasa library dahil napalakas ang pagkakasabi nun ni Oliver.

Sabay kaming napayuko ni Olivia at mahinang natawa habang si Chronos naman ay napa-ubo ng wala sa oras.

Si Oliver naman ay siniksik ang mukha niya sa leeg ni Olivia dahil sa kahihiyan.

Inilibot ko ang tingin ko at sakto naman na nagtama ang tingin namin ng babaeng sumusunod sa amin mula pa kanina. Kita ko pa ang pagtakip niya ng libro sa may mukha niya.

Napangisi na lamang ako.

One look and I know that she has a crush on me.

I know her already, she was first year high school while me I'm on my second year high school already.

Her name was Daphne Marquez.

Hindi naman mahirap alamin ang pangalan niya, katulad ko ay sikat din ang pamilya niya sa business world.

“Ehem”, I heard Oliver said kaya agad akong lumingon sa kaniya.

“Type mo noh”, Oliver said habang sinusundot ang tagiliran ko.

“Tss, tigilan mo ko”, I've said.

“Sus aminin mo na, na type mo yang babae na yan”, Oliver said.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat