Prologue

1.4K 67 3
                                    



"LASING na naman ba?"

Valencia gaze down at her boss as she dropped him in his own couch. Hindi niya alam kung bakit nagging baby sitter na siya ng sariling boss niya. She looked at Manang Sila again and then she sighed. The desperate look on Manang's eyes was too visible.

"Muntikan na naming mapagdiskitahan sa bar, Manang," Nakapamewang na saad niya sa matandang kasambahay ng boss niya. "Sekretarya lang naman ako hindi naman ako nag-apply maging asawa nito," nakanguso niyang himutok.

Totoo naman kasi hindi naman kasali sa job application niya na taga-sundo ng boss kapag nalalasing ito. Isa pa, hindi niya rin alam kung bakit siya ang tinatawagan ng bar na iyon kapag nalalasing ang boss niya.

"Valecia, hija, pagpasensyahan mo muna iyang boss mo. Baka stress sa trabaho."

"Manang Sila, stress din naman ako pero hindi naman ako nang-aabala ng tao at isa pa dis oras na po ng gabi. Gusto ko na pong magpahinga nang maayos."

Valencia looked at her phone. Alas dos na nang madaling araw at may pasok pa siya mamaya. Gustong-gusto na niya talagang magresign sa trabaho niya pero tuwing may ganitong eksena ang boss niya ay bigla-bigla nalang itong nagsasabi na dadagan nito ang sahod niya. Aba! Sino ba naman ang hindi mahuhumaling kung nagbibigay naman ito ng dagdag sa sahod. Lalo na ngayon na mas kailangan niya ang pera dahil malapit nang magtapos ang kapatid niya sa kolehiyo.

Bata pa lamang si Valencia nang mawala ang kanyang ina. Her father was the one who took care of her and her sister Valeara. Itinaguyod ng kanyang ama ang kanyang pag-aaral kaya siya nakatapos at nakapasok sa isang matayog na companya.

Valencia was working under Shien Castiel Adler who currently owned Maid in Metro Cleaning Services. When she applied for the job, she was so terrified. Kahit graduate siya ng business course ay hindi naman siya masyadong confident na makakapasok siya bilang sekretarya ng isang Adler. The Adler was known in business world. Maraming negosyo ang pamilya ng mga Adler. She applied first in the advertising company that was owned by Serafino Adler but she was surprised when she received an email that she was referred to Shien Adler. Two years na siyang sekretarya nito.

Boss sa umaga, tanggero sa gabi. Iyon 'ata ang branding ng boss niya.

Bumuntong-hininga si Valencia at naupo sa single couch. Nasa loob pa rin siya ng bahay ng boss niya. Si Manang naman ay pinaghahanda siya nang maiinom. Nauhaw kasi siya. Binuhat niya lang naman kasi ang boss niya papasok ng bahay.

"Valencia, sinamahan ko na ng meryenda. Kumain ka muna," wika ni Manang at inilapag ang orange juice at sandwich sa center table.

"Nag-abala pa po kayo."

"Dapat lang naman. Masyado ka ng naabala nitong si Shien."

Tinungga niya muna ang juice bago sumagot kay Manang. "Sus, Mabuti nalang at may dagdag sa sweldo ko po dahil kung wala baka ibinitin ko na po ng patiwarik itong alaga ninya," aniya kay Manang Sila.

Napahagikhik lamang ang ginang sa kanya. "Sige ibitin mo kapag umulit na naman 'to. Nag-aalala na rin kasi ako sa batang 'to."

"Eh, bakit naman po kasi ang lasinggero ni Boss Shien? Wala naman po kaming malaking problema sa opisina," nagtatakang tanong ni Valencia.

Tinignan ni Manang ang alaga nito at biglang napailing ito. Parang nagdadalawang-isip ito kung magsasabi ba ito sa kanya o hindi. Then again, Manang shook her head.

"Dalawang taon ng nakalilipas nang malaman ni Shien na buntis nag nobya nito na si Arianne," sinulyapan siya ni Manang bago ito muling nagsalita. "Simula 'non, naging hobby na niya ang uminom."

Valencia stared at his face. He got this arrogant nose, thick eyelashes and eyebrow—parang anghel ang mata and those lips—perfecto! Gwapo naman talaga ito at hindi kapani-paniwala na iiwanan ito ng sariling girlfriend at magpapabuntis pa talaga sa iba.

"Broken-hearted pala Manang kaya pala tanggero itong si boss," wika niya pa rito.

Muling natawa si Manang Sila sa kanya. "Ikaw talagang bata ka," anito. Masyado ng sanay si Manang Sila sa kanya. Komportable na sila sa isa't-isa.

"Uuwi na po ako, Manang." Paalam niya rito. She lazily stretched her arms and yawned. Inaantok na talaga siya.

"Sige, mag-ingat ka Valencia."

"Opo naman," she responded. Napatayo na siya nang mapansin niya na giniginaw si Shien. Bumaling siyang muli kay Manang Sila. "Manang, kailangan ata ni boss ng kumot. Giniginaw, e."

Napansin 'din iyon ni Manang Sila kaya dali-dali itong kumuha ng kumot. Habang naghihintay dito napansin na naman niyang nahihirapan si Shien sa unan nito kaya iniayos niya ang pagkakadantay ng ulo nito sa unan.

"Gwapo talaga 'tong mokong na 'to," mahinang wika niya habang pinagmamasdan nito ang mukha ni Shien nang malapitan. As she moved down to his lips, her finger began to wander around his face. When she felt the warmth of his skin on her, she took a deep breath and swallowed hard.

Napaatras si Valencia. What made her feel that way? With just a light touch on his skin, her body reacted.

She gazed at him and felt compelled to touch him once again. She stretched her arms out again, this time reaching for his brow. She was savoring his skin's warmth.

Not until he opened his eyes and saw what she had done. Napakurap si Valencia at naramdaman niyang nanigas ang buo niyang katawan.

"S—Sir," nauutal niyang tawag dito.

"Valencia," he said raspily. Shien grabbed her hands and drew her towards him just as she was going to pull them. Natulala si Valencia dahil nakadantay na siya ngayon sa dibdib ng boss niya. She fidgeted for him to release her.

"Valencia! Stop and let me sleep," he hissed at her as he tapped her head.

What is Shien Castiel Adler doing right now?

Adler's Legacy #1: Subtle RomanceWhere stories live. Discover now