Chapter Six

511 38 14
                                    



IBINABA ni Valencia ang kanyang tingin sa babaeng naghihintay sa lobby. She was wearing a summer dress with Chanel bag and shoes. This woman is indeed sophisticated. Hindi niya masisisi si Mr. Adler kung bakit hulog na hulog ito noon sa babaeng ito. Kung sila pa ang nagkatuluyan ay sigurado siyang maganda ang magiging mga anak ng dalawa.

Napailing nalang si Valencia dahil sa kung ano ano nalang naiisip niya. Inutusan siya ng boss niya na babain si Miss Salvacion dahil may importanteng meeting na kailangang daluhan si Mr. Adler.

Jayra saw her and gave her a nod. Nasa harapan na siya ni Miss Salvacion. The woman raised her brow to her.

"Where is he?" she asked her, pertaining to Shien.

Valencia smiled at her. "Miss Salvacion, Mr. Adler is still in a very important meeting. He can't attend to you at this moment," she explained to her professionally.

Sinimangutan siya ni Arianne at inirapan pa siya nito. "Kailan ba siya matatapos?" untag nito sa kanya sa galit na tono.

Kung hindi lang talaga niya nirerespeto si Mr. Adler ay baka siya na nagkaladkad sa babaeng 'to palabas ng building. This woman was too demanding as if Shein owed her a lot. Siya pa nga ang may kasalanan sa binate.

Malalim na bumuntong-hininga si Valencia para pakalmahin ang sarili. "I understand, Ms. Salvacion. Mr. Adler will just call you when he's done with work."

"Dapat lang," anang Arianne. "Pinapabayaan na niya kami ng magiging anak niya. I'll go now. Tell him that I'll wait for his call." Dagdag nito bago siya tuluyang lagpasan nito.

Muli ay napailing si Valencia. She couldn't take that woman's attitude. Masyado itong pa-importante. Hindi nito iniisip na may pamilya ito at sinisira nito ang sariling pamilya pati na rin si Shien.

He knew her boss was trying to move on for that woman for years. Hindi naman siguro tama na basta-basta nalang itong babalik.

"Ang laki ng problema ni, Mr. Adler," komento ni Jayra na hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala.

Napalingon siya rito. "Sobra"

"Anong balak niya? May asawa na ang Arianne na 'yon."

Valencia sighed again. "Alam ni Mr. Adler 'yon pero pinagbabantaan siya ni Miss Salvacion na ipapalaglag ang bata kapag hindi pinanindigan ni Mr. Adler ang bata," aniya.

"Anak ba talaga niya?"

Valencia shook her head. "They never had any sexual encounter. Alam mong alam kong mga night escapades ni Mr. Adler."

Jayra didn't say anything. She just tapped her shoulder and went back to the front desk. Valencia went back to Mr. Adler's office. Nang makapasok na siya sa opisina nito nakita niyang nakatunganga lamang ito sa kawalan.

Totoo na may importanteng meeting ito pero agad nitong kinansel iyon. Siya na ang nag-asikaso sa schedule nito.

Bumalik na siya sa mesa niya at itinuon ang buong atensyon sa trabaho niya. She was just checking Mr. Adler's schedule for next week when she heard him calling her.

"Miss, Vega..."

"Yes, Sir?" tugon niya rito nang magtaas siya ng tingin. "What do you need?" tanong niya rito.

Valencia witnessed Mr. Adler's tense face. Parang may gusto itong sabihin sa kanya pero mukhang nagdadalawang-isip ito.

"Miss Vega—"

"Ano 'nga sir?" pabalang na sumandal siya sa upuan niya habang hinihintay si Mr. Adler.

"Valencia..."

Adler's Legacy #1: Subtle RomanceWhere stories live. Discover now