Chapter 2

59.7K 1.4K 31
                                    

KUMISLOT si Martina nang muli na naman siyang sikuhin ni Rona. Kanina pa pala nagsasalita ang guro nila. Hindi na niya nasimulan ang unang paksa nila. Tulalang nakatitig lamang siya sa nagsasalitang guro nila.

"The history of anatomy is characterized by a progressive understanding of the functions of the organs and structures of the human body. Methods have also improved dramatically, advancing from the examination of animals by dissection of carcasses and cadavers to 20th century medical imaging techniques including X-ray, ultrasound, and magnetic resonance imaging."

Naka-awang ang bibig ni Martina habang nakikinig sa guwapo nilang guro. Hindi niya iniintindi ang sinasabi nito, bagkus ay mas kinakabisado pa niya ang bawat anggulo ng mukha nito. Introduction pa lang ng asignatura nila ay dumudugo na ang utak niya. Baka tuluyan na siyang malalaglag sa kurso niya. Hindi na siya puwedeng umurong, nangako na siya sa mga magulang niya na ipapasa niya lahat ng subjects niya at malaki-laki na rin ang nagastos sa pag-aaral niya.

Nagsisisi siya bakit hindi pa niya pinatos ang alok ng ninong niya na ito ang magpapaaral sa kanya sa kolehiyo. E 'di sana Architect na siya ngayon. Wala sa bokabularyo niya noon na maging nurse dahil mahina naman siya sa siyensya. Madalas kasi siyang ikikukumpara ng mga magulang niya sa Kuya niya na nakapagtapos ng medisina. Palaging nangunguna sa klase ang Kuya niya noon. Samantalang siya ay maligaya na sa gradong otchinta y singko.

Pagkatapos ng halos dalawang oras nilang klase kay Dr. Rivas, ay nagkaroon sila ng isang subject na bakante. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nakarehistro pa rin sa isip ni Martina ang imahe ng guwapo nilang guro. Pero nalulungkot pa rin siya dahil pansamantala lang magtuturo sa kanila si Dr. Rivas. Marami nang part-timer teacher na nakilala niya at parehong doktor at bata pero kay Dr. Rivas lang siya nakagka-interes nang husto, tipong sa unang pagkikita nila ay nakaramdam na siya ng hindi maipaliwanag na pananabik.

Mamaya ay naisip na naman niya ang stress niya sa kanyang kurso. Lang beses na niyang tinangkang mag-shift ng kurso ngunit natatakot siya baka hindi magustuhan ng mga magulang niya ang desisyon niya. Isa pa, suportado ng Kuya niya ang pag-aaral niya kaya baka hindi na siya nito susuportahan sakaling nagpalit siya ng kurso. Wala na siyang masagap na insperasyon para tuluyan niyang yakapin ang kursong pinili ng mga magulang niya. Lahat ng desisyon sa buhay niya ay nakadepende sa mga magulang niya. Wala siyang kalayaang magpasya para sa kanyang sarili.

"Parang gusto ko nang i-give up ang nursing, Rona," sabi niya habang nakaupo sila ni Rona sa inukupa nilang mesa sa canteen.

Tinampal nito ang balikat niya. "Buang! Baka kakalbuhin ka na ng Nanay mo niyan!" anito.

"Feeling ko kasi hindi ko kayang tapusin ito. Ang bababa ng grades ko at dalawa na ang bagsak ko."

"Sayang naman. Isang taon na lang graduate ka na. Ako nga may bagsak din."

"Buti nga ikaw isa lang. Major subject pa ang bagsak ko. Bago pa ako sapilitang ilaglag ng departamento natin ay magsi-shift na ako ng ibang course. Kung hindi lang kilala ng Dean si Kuya ay baka matagal na akong nalaglag sa nursing."

"Pag-isipan mo iyang maigi. Ngayon pa ba na may yummy tayong guro? Gawin mong insperasyon si Dr. Rivas."

Naisip na naman niya si Dr. Rivas. "Temporary lang naman siyang magtuturo, e. Paaasahin lang ako ng presensiya niya."

"Sus, Gino-o! Ambot sa imo, day! E 'di sana hindi ka na nag-enroll."

Hindi na niya magawang magsalita nang masipat niya si Dr. Rivas na papalapit sa counter. Ayan na naman ang pakiramdam niya na tila natutuyo ang lalamunan niya. Napatayo siya bigla.

"Ano'ng gusto mong drinks? Libre kita," pagkuwan ay sabi niya kay Rona.

"Aba! May sinat ka ba ngayon? Kahit ano basta hindi lason," hindi makapaniwalang saad ni Rona. Napatingin din ito sa counter kung saan siya nakatingin.

SANGRE 1, Dario (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon