Chapter 5

57.7K 1.3K 43
                                    

NASA diwa pa rin ni Martina ang nangyari kanina sa laboratoryo. Hindi na mawaglit sa isip niya ang lalaking umangkin sa kanya. Pero may pakiramdama siya na hindi lang iyon ang pagkakataon na nakasama niya ang lalaki. Pamilyar sa kanya ang katawan nito at galaw. Hindi niya maiwasang isipin na maaring iyon din ang lalaking umangkin sa kanya noon. Hindi niya maintindihan ang nangyayari? Maraming katanungan sa isip niya. Bakit siya nakakaranas ng ganoon? Sino ang lalaking iyon?

Hindi na niya naririnig ang pinagsasabi ng guro nila. Masyado siyang nahihiwagaan sa mga nangyayari sa buhay niya. Noon lamang siya nakombinsi na hindi na normal ang nangyayari sa kanya. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Nag-iilusyon siya kung ano ba ang hitsura ng lalaking umangkin sa kanya.

Natapos na lamang ang klase ay naglalakbay pa rin ang diwa ni Martina sa kakaibang nangyayari sa buhay niya. Hindi na iyon normal Napakislot siya nang biglang may pumisil sa balikat niya. Awtomatikong pumihit siya sa likuran. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Rona. Piningot nito ang katamtamang tangos ng kanyang ilong.

"Hoy! Parang nakakita ka ng multo, ah!" anito.

"E, kasi ginulat mo ako," wika niya.

"Ano ba kasi ang iniisip mo? Umuwi na tayo."

"Uwian na ba?"

"Hala! Kagigising mo lang ba?"

Tumayo na lamang siya nang mapansing nagsilabasan na ang mga kaklase niya. Sumabay siya kay Rona hanggang sa labas ng campus. Inaantabayanan niya si Lyka para sana may kasabay siya sa pag-uwi. Nasa ihawan na naman sila. Mahilig kasi sa inihaw na isaw ng manok si Rona.

"Sino ba ang hinahanap mo?" tanong ni Rona habang pumapapak ng isaw.

Hindi kasi mapakali ang mga mata niya. "Si Lyka," sagot niya.

"Naku, malamang nasa heaven na sila ni Aldren ngayon," makahulugang wika nito.

Bumuntong-hininga siya. "Magkasama na naman ba sila?" aniya.

"Natural, magkasintahan, eh. At once kasi na taken na ang virginity mo, maghahangad ka pa ng second time or higit pa. Ang sex kasi ay parang bisyo, once natikman mo na, hahanap-hanapin mo, lalo na kapag satisfied ka sa first experience mo. Lalo na kung aware ka sa usaping sensual," walang malisyang sabi ni Rona.

Naalala na naman niya ang nangyari kanina sa laboratory. "Ganoon ba iyon?" inosenteng sabi niya.

"Yap. Ako, sa totoo lang hindi ako ganoon ka-satisfied sa first experience ko sa husband ko. Unang try kasi namin nabuntis kaagad ako. Sobrang atat kasi kaya nakalimutan gumamit ng proteksiyon," ani Rona saka tumawa ng malakas.

Giliw na giliw siya habang nakikinig kay Rona. Kahit mahilig siyang magbasa ng erotic novel at manood ng mga scandals ay hindi niya lubos alam kung ano nga ba ang binipisyong makukuha sa pakikipagtalik. Noon lamang niya unti-unting nauunawaan nang magkaroon siya ng karanasan. Pero hindi pangkaraniwan ang kanyang karanasan. Hindi niya nakikita ang lalaking katalik niya, pero pakiramdam niya'y mababaliw siya kapag hindi naulit ang pagkakataong iyon. Tuluyang binuhay ng lalaking iyon ang inosente niyang isip.

"Ano'ng pakiramdam, Rona?" walang puwang na tanong niya.

Tumitig sa kanya si Rona. "Pakiramdam na ano?" nalilitong tanong nito.

"Na madalas kang ginagalaw ng husband mo?" naiilang pang tanong niya.

Humagalpak ng tawa si Rona. "Depende sa mood. Minsan masakit. Mahal ko ang asawa ko kaya pinagbibigyan ko siya kapag gusto niya, kahit wala ako sa mood," anito pagkuwan.

"May time pala na nakakawalang gana?" inosenteng tanong niya.

Tumawa ulit si Rona. "Oo naman. Minsan kung kailan may dalaw ang babae ay saka naman kasagsagan ng init ng mga lalaki. Sabi ng pinsan ko, sa tuwing may buwan daw ay kasaganahan ng pagnanasa ng mga tao. Mainit daw kasi ang mga katawan. Napansin ko rin iyon. Sa tuwing nalalapit ang buwanang dalaw ko ay mabilis akong umiinit. Tumataas ang libido ko sa katawan. Shit! Ano ba itong topic natin, puro kahalayan!" pagkuwan ay wika ni Rona.

SANGRE 1, Dario (Preview Only)Where stories live. Discover now