PART 29

3.5K 118 2
                                    

Halos magimbal ang buong kaharian ng malaman nilang nawawala si Syke! Nung una ang akala ni Cj ay nasa kung saang parte lang ito ng palasyo pero ng mga bandang hapon na at di parin niya nakikita ang asawa ay inumpisahan na niya itong hanapin at doon lang nila nalaman na wala sa palasyo si Syke!

Inihanda ang lahat ng kawal para hanapin si Syke sa buong kaharian ngunit bigo silang makita ito!

Inilihim ng buong elders ang nangyari para di  magulo ang buong kaharian! Isang masamang balita ang pagkawala ni Syke para sa lahat!

Ipagpaumanhin ninyo kung di niyo napaghandaan ang bagay na ito! Sambit ni Kanil sa gitna ng katahimikan ng lahat! Si Cj impit lang ang pag-iyak! Inaalo nama siya ng kanyang ina at pilit na pinapakalma!

Anung ibig mong sabihin? Tanung ni Regent Keith.

Alam ko kung nasaan ngayon si Syke! Hawak ito ni Artemis! Sagot ni Kanil! Nagimbal ang lahat sa sinabi nito!

Pero bakit di mo sinabi sa amin? Tanung ulit ni Regent Keith na halatang pinipigil ang galit!

Nagkamali ako ng akala ng makita kung nagdilim ang araw sa aking pangitain! Akala ko kamatayan ni Syke ang ibig sabihin nun! Si Blake lang angn nakakaalam ng lahat ng iyn! Madami ng suliranin ang kaharian at yun lang ang tangi kung naisip na paraan ang ilagay palagi sa tabi ng prinsesa si Syke! Pero mali! Ang pagdilim ng sagisag ni Syke ay  ang pagkuha sa kanya ni Artemis para gamitin sa kasamaan niya! Mahabang litanya ni Kanil na ikinabigla lalo ng lahat!

Ibig bang sabihin magiging kaaway  natin si Syke? Hikbing tanung ni Cj!

Oo prinsesa! Tugon ni Kanil!

Nanlumo si Cj ganun din ang mga naroon! Sinu ba naman kasi ang mag-aakala na si Syke ang nakatakdang hari ay magiging kalaban nila! Alam nilang magiging labag iyon sa kalooban ni Syke pero sa ayaw nila at sa gusto kailangan nilang kalabanin si Syke kung sakaling humarap ito sa kanila bilang kalaban!

The Princess and The WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon