Part 37 FINDING EACH OTHER AGAIN

5.8K 144 5
                                    

Ilang linggo matapos na matalo ni Cj si Artemis ay naging mapayapa na ang buong kaharian! Bumalik na ang sigla ng mga naninirahan dito! Ang mga elders ay tuluyan na ding gumaling mula sa pinsalang ginawa ni Artemis sa kanila!

Masaya ang lahat maliban kay  Cj na nagdadalamhati parin! Ayaw parin niyang mamuno bilang reyna ng kaharian at ginalang iyon ng mga elders! Alam nila na hanggang ngayon malungkot parin ito sa pagkawala ni Syke!

Ang kaputol na bahagi ng katawan ni Syke ay naiuwi na din sa palasyon! Nasa kwarto iyon kung saan andon nakalagay ang ulo!

Laging andon si Cj! Kung maari lang di niya iwanan ang bangkay ni Syke ay ginawa na niya! Araw-araw niya itong iniiyakan hanggang sa makatulugan niya ang pag-iyak!

Tanging pag-uunawa nalang ang kayang ibigay ng pamilya ni Cj sa kanya!

Cj mahal ko! tawag ng isang lalaki sa kanya! Nasa kwarto siya at natutulog! Nakatulog na naman siya na umiiyak!

Narahang dumilat si Cj at agad na napaupo ng makilala kung sino ang nasa tabi ng higaan niya!

Syke!? Gulat na tanung nito!

Ngumiti lang si Syke at marahang hinaplos ang pisngi ni Cj!

Panaginip ba ito?

Hindi mahal ko! Totoong andito ako ngayon sa harapan mo!

Pero paanu?

Sabihin na nating di naman talaga ako namatay! Kinuha lang ako ng mga dyosa para akalain ni Artemis na napatay niya ako at ng matalo mo siya! Kelangan mawala ang selyo ng totoong pagkatao mo! paliwanag ni Syke!

Napakunot noo lang si Cj!

Tsaka ko na ipapaliwanag sayo! Ang importante andito na ako kasama mo! nakangiting sabi ni Syke at buong pagmamahal na hinalikan nito si Syke!

Maligaya na si Cj! Tapos na ang lahat!

Wala na si Artemis! Nasa piling na niya ulit si Syke! At kung anu man ang kwento ng pagbabalik nito ay handa siyang pakinggan iyon sa darating na mag araw!

Makalipas ng ilang buwan ibinigay na ang pamumuno ng kaharina kay Cj at Syke!

Isang masayang pagdiriwang ang idinaos ng buong kaharian bilang pagpupugay sa kanilang bagong hari’t reyna!

Masaya kaba reyna ko? malambing na tanung ni Syke kay Cj habang nakatanaw sa mga nagsasayang tao!

Oo naman! Masayang masaya ako! Andito ka sa piling ko! buo na ang pamilya ko! nakangiting sabi ni Cj sabay hawak sa impis nitong puson!

Gulat na napatingi si Sykes a kabiyak!

Buntis ako Syke! Magkakaroon kana ng tagpagmana! Masayang balita ni Syke!

Napasigaw si Syke at agad niyang binuhat si Cj! Naagaw ang pansin ng mga nagsasaya sa loob ng palasyo at napatingin sa gawi nila!

Nagdadalang tao ang reyna! Masayang balita ni Syke!

Naghiyawan ang mga naandon! Nakisaya ang mga ito sa magandang balita!

Buong pagmamahal naman ginawaran ng halik ni Syke si Cj!

Tahimik at masaya na ang buhay nila! At magiging mas masaya iyon sa darating pa na mga araw!

END

The Princess and The WizardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon