Chapter 10

6.6K 311 112
                                    

"Okay" napangiti ako sa naging sagot nito. Itinukod ko ang kamay sa magkabilang gilid ng mesa at dumukwang. Mariin kong tinignan ang mukha nito at bumulong. "Let's have a walk outside the palace, my princess?" Nakangiting paanyaya ko dito.

She frowned. "Gustuhin ko man ngunit hindi pwede. I still have a lot of things to do." Napanguso ako sa sinabi nito.

Hindi naman nakakapagtakang masyado itong busy, she's the Empire's only princess afterall. Ngunit hindi matatapos ang araw na ito nang hindi ako nakakalabas sa palasyo. I need the princess to accept my invitation by hook or by crook.

Nag-inarte akong nalulungkot. "But I'm so bored, the Emperor won't let me leave. But if I'll go out with you, the guards can't stop us. Takot lang nila sa iyo. Would you really let me, a petite and fragile lady die in boredom?" Pangongonsensya ko dito. Nangunot ang noo nito, she sigh.

"Ready the carriage." Utos nito sa kanyang mga tagapagsilbi. I smiled in victory. Ngiting-ngiti ako nang lumingon ito. Pinaseryoso nya ang kanyang mukha but failed, her lips formed a little smile.

"You look like a creep." Mabilis nitong saad. I pouted nang mauna itong maglakad at lumabas.

I face Liza, biglang sumeryoso ang aking mukha. "Don't panick if I wont return here, you can find and serve another noble starting from now on. It's really nice meeting you, Liza." Tumungo ako sa isang cabinet at binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang malaking supot ng ginto, kumuha ako ng sampong pirasong ginto at itinago ito sa suot na damit.

Nilingon ko ang maluha-luhang si Liza at inabot sa kanya ang supot. "This is my farewell pay to you, use it wisely." Mataray kong saad. Naiiyak nya itong inabot. "Aalis ka na po Lady Amara? Bakit ayaw nyo po akong isama. Ayos lang sa'kin kung wala kayong maipas-sweldo sa akin, just let this servant, accompany you in your journey." Hindi ko ito pinansin bagkos ay tinalikuran ito.

"Be practical, may mga kapatid ka pang binubuhay. I don't want their future to be ruined just because of me." Huli kong sabi bago lumabas sa silid. Bumigat ang aking pakiramdam, that's why I shouldn't have let someone crossed the wall I made. Dahil darating ang panahon, na kailangan mong iwan sila o kailangan ka nilang iwan. They just come and go, you shouldn't let yourself to be too attached to them. Because if that happens, you'll lose.

Inayos ko ang aking sarili, bumuntong-hininga bago taas toong naglakad. Inilibot ko ang paningin sa labas ng silid, the guards has finally disappeared. Mabuti naman.

Paglabas ko sa palasyo ay bumungad sa akin ang isang napakagarang karwahe, kulay ginto ito. Sa loob nito ay naroroon ang nakaupong prinsesa, staring intently at me. I smiled at her ngunit iniwas nya lang ang tingin, I chuckled.

Sasakay na sana ako nang may biglang tumikhim sa likod. And there I saw a pair of a piercing blue eyes. Napatitig ng mariin sa akin ang Emperador, nang mapagtandong walang balak itong magsalita ay ngumisi ako. "I greet the great Emperor of the Empire." Pagkatapos ay yumuko.

"The princess is spoiling you, I see." Nang-uuyam nitong sabi bago pinasadahan ng tingin ang kapatid na babae sa karwahe. "Pagmamagandang loob ang pinapakita nya mahal na Emperador. Also, I believe that I deserve to be spoiled, your majesty." Binigyan ko sya ng pekeng ngiti.

His jaw clenched. "I am the only one who has the right to spoil you kitten, I'll kill whoever dares to steal you from me. Kahit kapatid ko pa." Di makapaniwalang napaatras ako. "She's a girl, your majesty." I reminded him.

I never thought that this guy can be so possesive pagdating kay Amara. But according to Amara's memory, the Emperor never acted like that towards her, ngayon lang talaga.

Kung ang totoong Amara lang sana ang nandito, mamatay-matay na siguro yun kilig. But I'm different from her. It frightened me. I never liked a possesive characteristics of a man. Para sa iba sobrang romantic non ngunit iba ang dating non sa akin. Nakakasakal yun.

Humakbang papalapit sa akin si Luther. "I saw how my sister looked at you," Malamig nyang sabi. "She likes you, and it angered me. Alam mo namang wala akong sinasanto, Amara. You better distance yourself from her. Ito na ang huling labas mo sa palasyo, make sure to enjoy it." Malamig nitong saad.

But I'm not into girls.

You just gave me more reasons to leave this palace, your majesty.

Pinantayan ko ang nagbabaga nitong tingin. "You have the guts to threaten me after making my life a living hell? Heck! Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako tratuhin na parang basura? Ginawa ko ang lahat para lang mapansin mo. But that shit's enough, you can never toy with me ever again. You just made me realized that I'm such a fool for chasing someone like you." I'm sure Amara would be sad if she hear me saying these words to her beloved. Ngunit wala akong pake, I just want to kill this man infront of me.

The Emperor's fist clenched at napayuko ito. "I.. I just did that to protect you. D-dont treat me like this." Mahina nitong saad, napatawa ako ng pagak. "To protect me? That's bullshit your highness. Pagpoprotekta ba ang tawag sa muntikan mo nang pagpatay sa akin? You poisoned me." May himig ng galit kong saad.

"It's not me." Napakunot ang aking noo. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang patungo sa karwahe.

"Be sure to come back.." I heard him say, nagpatuloy ako sa paglalakad. Padarag akong umupo sa harapan ng prinsesa pagkatapos ay sumandal. The princess never said a word, she's just staring intently at me.

Matapos huminto ang karwahe ay lumabas kami, bumungad sa amin ang isang makulay na lugar. Napupuno ng mga palamuti at lanterns ang gilig-gilid ng daan. May mga commoners din na nagtitinda at yung iba ay nagpeperform ng kung ano-anong sayaw sa daan. May mga bata ring naghahabulan at nagtatakbuhan.

"I never thought this place would be so beautiful." Manghang wika ng prinsesa, I just smiled at her remarks. "First time mo no?" Asar ko dito, hindi ito sumagot bagkos ay inirapan ako. May mga maids na nakasunod sa amin sa likod kaya masyado kaming agaw pansin.

Ngumuso ako. "We should have never brought the maids." Maktol ko.

"That can't be done, the Emperor ordered me to bring them with us. I can't say no." I saw how her lips formed a pout kaya napatawa ako. An idea popped on my mind.

"Takasan natin sila." Mahina kong bulong rito. Her forehead wringkled "What-" hindi nito natapos ang sasabihin nang mabilis ko itong hinila patakbo.

Wala syang nagawa kaya nagpatangay na lang ito, pasikot-sikot kaming tumakbo at nang sa wakas ay napagtantong nakalayo na kami ay hingal hingal kaming huminto. The princess's sweats are running down her face.

Nagkatitigan kaming dalawa bago malakas na napatawa. Nawalan ito ng balanse kaya bigla syang napaupo, it didn't stop us from laughing. Nakangiti akong tumabi sa kanya at umupo rin.

Nilingon ko ang lugar na kinaroroonan namin, nasa gitna kami ng isang stall ng street foods. Nagtatakang napatingin sa amin ang tindera wondering why are we sitting on a grass, ipinagsawalang bahala ko ito.

Ibinalik ko ang tingin kay Rhea, she's smiling while looking at the lively street. "I never thought I could experience running away not minding what everyone will say, lumaki akong naging maingat sa bawat galaw na gagawin ko sapagkat ipinanganak akong may dugong bughaw. I can imagine their horrified faces upon knowing that a princess like me, is now sitting at these green grasses. For the first time, I.. I feel alive." Nakangiti nitong saad habang mariing tumutig sa akin, I gulped then looked away.

"You should do what you want to do. Don't mind at what other people may think. Hindi ka ipinanganak upang ifullfil ang expectation nila sa iyo. Yes, you're a princess, but you're a human too. Kung sakali mang maramdaman mong nasasakal ka na sa mga responsibilidad na nakaatas sayo, feel free to take a break. And if they ever argue with that, just raise your middle finger to them." Ngisi kong sabi, she chuckled a little.

Tumayo ako pagkatapos ay pinagpagan ang suot, "let's buy a food." Sumang-ayon ito sa aking sinabi.

Kumain kami ng mga street foods at iba pang mga pagkain. Nilibot rin namin ang buong lugar, napatigil lang kami nang makasalubong namin ang mga nag-aalalang mga maids. I laugh.

Ngumuso ang prinsesa na parang ayaw pa nyang umuwi. Tinapik ko lang ang kanyang balikat.

"May bibilhin lang ako dyan sa gilid, wait for me here." Paalam ko sa prinsesa, she nodded kaya nagsimula na akong maglakad.

I just continued to walk hanggang sa umabot ako sa isang gubat. Lumapit ako doon. "I really had a nice time with the princess, but it's time for me to leave." Mahina kong sambit bago sinulong ang kailaliman ng gubat.

Another Life As The Emperor's ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon