CHAPTER 3

2.7K 79 1
                                    

MAISHA'S POV

Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto ko dahil stress na stress ako ngayon araw. Una, yung hindi pagsipot ng kameeting ko kaninang umaga. Pangalawa, nang makarating ako sa office ko kanina ay sandamakmak na papeles ang nakalatag sa table ko. Sabi sakin ni Haze ay lahat daw yun ay kailangan kong basahin at pirmahan may meeting rin daw akong hindi nadaluhan pero siya na daw ang umattend dahil hindi naman daw masyadong mahalaga. Lastly, iyong nakabanggaan kong lalaki kanina sa parking lot. Hinding-hindi maalis sa isipan ko yun pano ba naman kinuhan niya ang first ki ─

"ARGH! BWISET! BWISET!" sigaw ko tsaka pinaghahampas ang unan sa kama ko. Hingal akong umupo sa gilid ng kama. Naka-bathrobe pa ako pero pinabayaan ko lang.

Bumuntong hininga ako saka tumayo tsaka kinuha ang blower sa drawer ko. Umupo ako saka isinaksak bago buhayin. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay inayos ko na ito. Inimessy bun ko lang ito at naglagay ng konting make up. Inuot ko ang necklace at earrings ko.

Pumunta ako sa closet at naghanap ng damit kung saan ako comportable. White sleeveless blouse, black shorts with black belt. Pinaresan ko naman siya ng cap toe flat dahil narin sumakit ang paa ko kakalakad kanina.

Nagtext sakin kanina si Isaiah and sabi niya sa Mansion daw ang dinner.  Kinuha ko ang susi ng kotse ko saka siya isinukbit ang YSL black crossbody.

Lumabas ako ng condo ko at sumakay ng elevator. Ilang minuto ay bumukas rin ito at nagmadali na akong sumakay sa kotse ko dahil malapit na akong malate.

Pasalamat nalang ako dahil walang traffic ngayon kundi aabutin ako ng madaling araw dito. Pagkarating ko sa Mansion ay agad kong pinarada ang sasakyan ko sa tabi ng Ranger ng kapatid ko. Bumili narin ang ng Red Velvet cake dahil favorite yun ni Mommy.

Pumasok na ako sa Mansion. Hmm, wala paeing pinagbabago ah.

"I'M HERE!" Sigaw ko saka tumakbong papuntang kusina. Nadatnan ko na nasa counter si Mom and si Dad at Isaiah naman ay nakaupo sa mga upuan nila.

"Hi Mom, Dad." I said saka humalik sa pisngi nila. Lumapit ako kay Mommy saka inilapag ang cake na dala ko. "Mom, I brought you something." Sabi ko saka inalis sa kahon yung cake.

"Oh My God!" Excited na sabi ni Mommy. "This is my favorite, Anny. Thank you." Sabi ni Mom saka ako niyakap. "Tara na let's eat sakto ang dating mo dahil luto na ang favorite na ulam ni Isaiah."

"Okay po." Sabi ko saka ibinaba ang bag ko at umupo sa tabi ni Isaiah na abala sa pagbabasa ng mga batas.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Mommy kasunod si Manang na dala ang mga pagkain. Inilapag nila ito sa center table at saka nag-thank you kay Manang. Tumigil na si Isaiah sa pagbabasa saka nagsimula na kaming mag-pray bago kumain.

"Anny, how's are you? And your company?" Daddy asked. Hiniwa ko yung manok sa adobo bago sumagot.

"I'm fine, Dad. About sa company? Maayos naman po ang pagpapatakbo ko, marami paring costumer." Sabi ko saka isinubo yung kanin kasabay nung chicken na hiniwa ko kanina.

"Oh I heard na hindi nakarating yung investor mo kanina?" Tanong naman ni Mommy. Nabitin ang kamay ko sa ere kaya inilapag ko yun.

"U-uhm, yun na nga po eh. S-siguro ahm naging maaga lang ako? Hehehe." Awkward na sabi ko bago uminom ng tubig at nagpunas ng bibig.

"How about you, my son? How's you day? Sabi sakin ng bodyguard mo na-basted ka daw? Is that true?" Taas kilay na tanong ni Dad. Muntik na akong tumawa ng malakas kung hindi lang ako tinapik ni Mommy ng palihim.

"Tsk." Inis na sabi ni Isaiah. Natawa naman si Dad dahil dun.

[ fastforward>>>> ]

"Mom, alis na po ako ah may gagawin pa po kase akong report. Bye, Mom! Dad! Isa!" Sabi ko saka kumaway.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar yun. Mabilis akong nakarating sa condo ko at ngayon ay nasa kwarto na ako nag-titipa sa laptop ko.

Iniwagayway ko muna ang kamay ko dahil ngalay sa pagtitipa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang ig account. Inikot ko ang swivel chair ko para makasandal ako para narin magkascape ang mga binti ko.

Nag-scroll scroll lang ako hanggang sa may nag pop na notification sa screen ng cellphone ko kaya napakunot ang noo ko.

[ michkohen started to followed you. ]

Huh? Who's Kohen?

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy ulit sa pag-iiscroll minsan tumatawa ako dahil nadadaanan ko ang mga post ni Aya. Bigla na namang may nagpop na notification sa screen ko.

[ michkohen send a message. ]

Ano bang gusto ng lalaking 'to?

Pumunta ako sa message box ng Instagram saka pinindot yung message niya. Awtomatikong nagtaas ang kilay ko dahil sa message niya.

michkohen: You're so beautiful, Miss

What the? Scammer ba to?

Mga ilang segundo ako nag-isip ng irereply ko nang magpasya na akong magtipa.

maishalaurel: sino ka ba? scam ─

Hindi pa ako tapos magtipa ng bigla ulit siyang magmessage.

michkohen: Sorry Miss, I thought you're my friend.

Talaga lang, huh?

maishalaurel: really, sir? ahahaha sorry if I will block you HUH? I thought you are my enemy eh.

Hindi ko na siya hinintay na magreply dahil binock ko na siya, ang huli ko lang nakita ay ID.

michkohen: WHAT?! I'M JUST HERE TO REMIND YOU THAT YOUR ID IS HERE!

Napailing iling nalang ako saka tinapos ang report para makatulog na  ng maaga.

A/N: AHAHAHAHAHA NABLOCKED AGAD SI PARENG KOHEN AH HAHAHAHAHAHALT. SORRY IF NATAGALAN ANG TAGAL RIN MAG-ISIP NG UTAK KO IIIH.

Taste of LoveWhere stories live. Discover now