Prologue

79 5 11
                                    

People forget.

They forget promises. They forget vows. They even forget everything only to be left with nothing.

Iyon ang totoo. They forget because they want to. Because they want to move forward without the need to feel the pain they have been through. Madalas na ang mga taong gustong makalimot ay iyong mga tao na sobrang nasaktan noon.

But it's also true... that it's hard to forget.

Mahirap. Kasi kahit anong gawin mo, maaalala at maaalala mo pa rin kung gaano ka nasaktan noon. Maaalala at maaalala mo kung paano ka nasaktan ng mga taong sobra mong minahal at naging malaking parte ng buhay mo.

It's hard to forget unless you've been into an accident and your memories got lost because of the trauma you experienced or... unless you suffering from an illness or a disease that causes your memories to get lost.

Tahimik kong pinagmasdan ang aking ina na tulala at halos walang buhay na nakaupo sa kaniyang wheelchair. Halos puti na ang lahat ng hibla ng kaniyang buhok at sobrang payat.

I covered my mouth with my hand when she noticed me watching her.

Walang buhay ang kaniyang mga mata.

Suminghap ako bago tuluyan siyang nilapitan.

"H-Hi, Ma..." bati ko sa kaniya.

She opened her mouth like she was about to say something but eventually closed them again. Her brows curled in confusion while looking at my face. Lumunok siya bago tuluyang nagsalita.

"Si...no... k-ka?" hirap na hirap niyang tanong na para bang nakalimutan niya na kung paano magsalita.

A lone tear fell from my left eye. Mas lumapit ako kay Mama at ngumiti sa kaniya.

"This is Allison, Ma. Ang b-bunso mo p-po..." Nanginginig ang boses ko nang sabihin 'yon.

Kitang kita ko na mas lalong kumunot ang noo ni Mama nang marinig ang sinabi ko.

"S-Sinong Allison? W-Wala akong... anak na A-Allison..."

Marahan akong pumikit at muling tumulo ang luha ko. Umiling ako at tinignan ulit si Mama na galit nang nakatingin sa akin ngayon. Ang sakit...

I held her hand, but she aggressively moved it away from me. And then she slapped me.

"Mama, please," pagod kong sabi habang hinahawakan siya sa kaniyang magkabilang balikat upang pakalmahin dahil nagpupumiglas na siya.

"A-Ayaw ko! Sino k-ka... ba, ha? Hindi kita kilala k-kaya bitawan mo... a-ako!" inis na inis niyang sambit at pilit na kumakawala sa hawak ko. "Kailangan ko ang mga anak ko!"

Pinipiga ang puso ko.

My mother is sick. She has an Alzheimer's and has been like this for almost 8 years. Noong una ay akala ko nagiging makakalimutin lang siya dala ng pagtanda but as the symptoms became visible and clear, our family doctor diagnosed her with the disease.

Buong buhay ko, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ni Mama. To her, I am nothing but a huge disappointment. Walang alam sa buhay. Hindi matalino kagaya ng mga kapatid ko. Sakitin at pabigat. Bunso pero walang k'wenta.

And now... ganoon pa rin at mas lumala pa. She forgot about me. Sa lahat ng p'wede niyang makalimutan ay ako pa. Na laging nand'yan para sa kaniya kahit hindi niya makita.

"Si Aya, si Apollo, si Almira... sila ang kailangan ko. Bitawan mo ako! Uuwi na ako sa mga anak ko!" aniya at mas lalong piniga ang puso ko nang marinig ang mga hikbi niya.

Forget Me NotWhere stories live. Discover now