"WHAT IF."

423 13 2
                                    


Ibinaba ko ang hawak kong bulaklak sa puntod ni Lola. Araw-araw akong narito para bisitahin s'ya.

"Psst,"-
sitsit ng kung sino

Agad kong nilingon ang paligid, saka ko nakita ang lalaki sa hindi kalayuan. Nasa tapat s'ya ng isang puntod, mukhang binibisita niya rin iyon.

"Palagi kitang nakikita dito."-
sambit niya

Nilingon ko ulit ang paligid upang siguradohin na ako ang kausap n'ya. Nang makita kong walang ibang tao bukod saamin ay nilingon ko s'ya.

"Binibisita ko ang lola ko."-
tugon ko

Bahagya siyang tumango mukhang pareho lang ang edad namin. Mas matangkad ngalang siya kung titigan.

"ikaw."-
tanong ko

"palagi naman akong nandtio."-
sambit nito

Nagulat ako sa sinabi nito, "Gaano kadalas?"

"Araw-araw."-
mayabang nitong sabi

"Nag-aaral ka?"-
iniba ko ang usapan

"Huminto ako, graduating na sana."-
naka ngiti niyang sagot

"Bakit? sayang."

"Dahil sa isang aksidente."-
sambit nito na siyang ikinagulat ko

Hindi nawala ang gulat ko habang sinusuri ang katawan nito. Hindi naman siguro siya multo.

"Namatay ako at dead on arrival."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi nito. Dead on Arrival. Pero kung titigan ito ay normal lang at walang galos

"joke lang."-
natatawang sambit nito

Seryoso siyang tao. Minsan malungkot minsan naman ay naka salubong ang kilay. Minsan rin naka ngiti. Parang may sapi

"seryoso kasi."-
irap ko rito

tumawa naman ito at tiningnan ang katabing puntod "Dito naka libing ang girlfriend ko."

"Akala ko ay ikaw ang namatay."-
maingat kong sabi

Malungkot itong ngumiti, "Para narin akong namatay noong sinabi na hindi siya naka ligtas."-
naiiyak nitong sambit
Dahan-dahan akong lumakad papunta sa gawi nito at humarap sa katabing puntod nito.

"Natalia Everleigh Galvez, ang ganda ng pangalan niya."-
manghang sambit ko

"Kasing ganda niya."-
mahinang sambit rito

"Bakit kayu na aksidente."-
tanong ko rito

"binangga kami ng fiance kong si Shena."-
galit nitong sambit

iyan ang pinaka mahirap, siguro ay arrange married sila. Ang sakit isiping ikaw ang simula ngunit hindi ikaw ang wakas

"Ano ba ang kataggang palagi mong sinabi sakanya?"-
tanong ko rito

"𝐼 𝑙𝑖𝑘𝑒 𝑦𝑜𝑢, 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑤𝑜𝑟𝑟𝑦 𝑎𝑏𝑜𝑢𝑡 𝑤ℎ𝑜 𝑙𝑖𝑘𝑒𝑠 𝑚𝑒, 𝑚𝑦 𝑓𝑒𝑒𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑓𝑜𝑟 𝑦𝑜𝑢 𝑤𝑜𝑛'𝑡 𝑐ℎ𝑎𝑛𝑔𝑒."

"𝐌𝐘 𝐁𝐎𝐘𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃 𝐈𝐍 𝐑𝐏𝐖 𝐈𝐒 𝐀 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐔𝐒 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓𝐑𝐎𝐁."Where stories live. Discover now