1: Si Euna Del Fierro

120 6 3
                                    


NOTE: ROUGH DRAFT | READ AT YOUR OWN RISK :)

* * *

SABI nila, lahat ng katanungan ngayon ay kaya nang sagutin ni Google. Noong hanapan naman ng sagot ni Euna ro'n ang tanong na: Paano makakatakas sa kahirapan? Napakarami naman na sinagot niyon na sa rami ay hindi na niya malaman kung ano ang dapat niyang sundin. Pero at least, may isang tumatak sa kaniya sa mga sagot na nabasa-maging positibo sa buhay at mahalin ang trabaho.

Paanong hindi naman magma-marka sa isipan niya 'yon, e araw-araw nga niyang ginagawa 'yon. Pero ang lungkot lang na heto, hindi pa rin naman siya umaahon sa hirap na kinamulatan niya.

Heto ang mundo, may mga mayaman na mabait, mayroon din na matapobre na 'gaya ng pamilya raw ng tatay niya sabi ng nanay niya sa kaniya noon, mas lalong mayroon at maraming katulad nila na mahirap at nakatira sa iskwater.

Heto ang mundo, hindi magiging balanse kung wala silang mga mahihirap. Mundo na hindi patas sa mga tulad nila, ang mga 'yon ang naglalaro sa isipan ni Euna habang naglalakad siya pauwi ng bahay sa oras na 'yon.

"Hoy! Euna, nariyan ka na pala! Kanina pa kita inaabangan e, 'yong tocino, sisingilin ko na sana," salubong kay Euna ng kapitbahay niyang sikat sa riles sa pagpapautang ng mga tocino, longganisa at kung ano-ano pa na maaaring ipautang nito, na si Marites.

"Kakauwi ko lang kasi galing sa trabaho, nakikita mo naman 'di ba? Matataguan ba naman kita, Marites, ikaw pa ba? CCTV operator ka 'ata nitong riles- uy, joke lang ha, baka mapikon ka pa. Alalahanin ang wrinkles, charot!"

"Naku, palabiro ka talaga, Euna, wala pa 'kong wrinkles 'no! Kung mayroon aba ay maisoli nga ang skin care na inalok ni Tasya habang hindi ko pa nabayaran 'yon!"

"Baliw! Joke lang. O, 'yan na ang bayad ko. Kumalma ka na." Inabot niya na kay Marites ang pera na bayad niya sa tocino na inulam ng mga pamangkin niya nang nakaraang gabi.

Pinapautang nga kasi 'yon ni Marites. Two gives. Pinauso nito rito sa riles.

"Salamat, pasens'ya na kung inabangan talaga kita. Kailangan ko na kasi, alam mo na..." Sinundan ni Euna ng tingin nang nakataas ang kaliwa niyang kilay, ang nginuso ni Marites sa gawing likuran niya.

Nang masulyapan niya kung ano 'yon- sino pala-napailing na lang siya na kinuha ang sukli niya kay Marites. "Ah, alams na nga! Shoppii- pipimo pala," biro niya sa kapitbahay niyang isa na rin sa mga naloko na sa kaka-order online ng kung ano-ano.

Naghagikgikan naman ang mga nakarinig sa kaniya na nasa background nila ni Marites. Mga neybors nila na kay agang mga nakaumpok sa gilid ng riles.

May naghahanda na kaagad ng lamesa para mag- bingo, may naghihimas ng manok na panabong at nagpapausok niyon gamit ang sigarilyo at may naka- umpok lang para s'yempre ay mag- tsismisan. Tipikal na tagpo sa squatter's area. Kakaunti pa nga ang bata na nasa kalye dahil maaga pa. Kung nagkataon na hapon na, naku, nagkalat panigurado ang mga batang walang baro na nakakapagtaka na hindi tinatablan ng sakit.

Ano nga ang makabagong tawag sa kanila? Ah! Squammy.

"Ma'am Marites Tuazon, Shoppee delivery po ulit niyo," anang rider nang makalapit 'to sa kanila ni Marites.

Ewan ba ni Euna kung bakit siya marahan na napalunok nang marinig niya ang baritong tinig ng rider. Lihim din na mapasinghap siya dahil tila kay lapit ng tinig nito sa gawing likuran niya-kaya naman pala! Nakadikit nga 'to sa kaniya! Nagkikiskisan na halos ang mga siko nila! At tila hindi alintana ng rider ang pagkakalapit nilang 'yon. Samantalang siya...

CCEO's SecretWhere stories live. Discover now