11: The Real Deal

18 2 0
                                    


The Real Deal

MABILIS na hinabol ni Red si Euna, kasehodang siksikan ang mga tao ngayon sa mall na iyon dahil araw ng Linggo. Kasehodang sa kumpulan ng mga tao ay humahalo si Euna at halos maglaho na ito sa paningin niya.

"Shit! Ang biis pala niyang tumakbo!"

At sa bilis ng takbo nito, natatakot siya na baka damputin na lang silang dalawa ng mga guards ng mall at mapagkamalan silang shoplifter!

"Oh, hell!" he cursed under his breath.

Namataan niya na kasi si Euna na umaakyat. Saan kaya ito pupunta? Hindi naman doin ang exit ng mall!

Pero s'yempre ay hanggang pagtatanong lang siya sa sarili at pagrereklamo na nakakahingal na ang pagtakbong ginagawa niya dahil alam naman niya sa kaniyang sarili na hindi naman din niya hahayaan na makauwi si Euna ngayon nang hindi sila nagkakausap.

Kailangan niya itong mapaliwanagan sa nasaksihan. Umaasa pa rin siya na kahit paano ay maunawaan siya nito.

Nasa ganoong isipin si Red nang sumuko na ang mga tuhod niya sa pagtakbo kaya nagpahinga muna siya. Isa pa ay ang tinahak ni Euna na daan patakbo ay paakyat na slide ang daan! Kaya nakakahingal talaga.

Oo, sa parking lot ng mall ito nagpunta sa hindi niya malaman na dahilan!

Ngayon siya talaga mas napapabilib ni Euna talaga, grabe! Parang hindi ito napagod sa ginagawang pagtakbo mula pa kanina.

"RED Henson. One of the Hen's Boys of Director Vladimir Henson, bakit nakahinto ka? Sumusuko ka na ba? Agad-agad?" Mapanuyang sambit ni Reyna kay Red. Bigla na lang itong sumulpot sa tabi niya habang humihingal siya sa pagod at nakahawak sa kaniyang mga tuhod.

Awtomatiko ang pagdilat ng mga mata niya sa narinig mula kay Reyna. "A-Alam mo na..."

Tumango ito. "Hindi pa man nangyari ang araw na 'to ay alam ko na. Pasens'ya ka na, hindi ko naman akalain na sa ganito pa kayo aabot ni Euna. Hindi ko naman alam na pag-aari niyo pala ang Hen's Boys Donuts."

"I..." Hindi malaman ni Red ang sasabihin. Kung may ibibigay na salita ang utak niya sa bibig niya ay bakit napakatagal naman yata ng proseso niyon?

"Mabilis talagang tumakbo si Euna," Reyna said again, "Maraming naiuwi 'yang medalya no'ng nag-aaral kami dahil sa bilis at liksi niya sa pagtakbo. Alam mo ba na sinisisi niya ang sarili niya sa sunog na nangyari noon nang dahil sa pamilya mo, mabilis kasi siyang tumakbo at nailigtas niya ang mga pamangkin at ang kaniyang sarili dahil do'n. Ngunit ang skill niyang 'yan sa pagtakbo ay kinulang pa rin noon. Hindi niya pa rin nahabol ang apoy na tumupok sa bahay nila at tumapos sa buhay ng kaniyang pamilya."

Patlang. Kahit pa ba ilang segundo lang iyon ay hindi manhid si Red upang hindi niya maramdaman na hindi pa tapos sa pagsasalita nito si Reyna.

Si Reyna na puno ng simpatya ang mababakas sa mukha ngayon. Simpatya para sa kaniya...

"Hindi pa alam ni Euna. Ang alam lang niya ay ang nangyari ngayon kaya umaasa ako na masasabi mo rin sa kaniya ang lahat."

"Reyna ahm..."

"Pasensya ka na nga pala at hindi ko alam na sa inyo pala ang Hen's Donuts, ngayon lang nag-sink in sa 'kin na Henson Donuts pala 'yon. E, 'di sana ay hindi ko inaya si Euna ro'n kanina. Pero tapos na, nangyari na."

"Naiintindihan ko."

"Sana lang ay maintindihan ka rin ni Euna."

Hayun na naman ang mga titig ni Reyna na at salita na tila may nais itong ipakahulugan na kung ano.

CCEO's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon