(Chapter 3)- Bad Dreams

49 4 0
                                    

"Ash! Ash! Aaaaaaashton! Pero bakit! Bakit! Bakit!"

"Clara umalis kana, umuulan baka mag kasakit ka!"

" But Ash! Bakit?! Bakit mo 'to ginawa!"

"Clara! Umuwi kana! Palakas ng palakas na ang ulan! Wala na! tapos!"

"Bakit! Bakit! Ba------"

"Hoy clara! Hoy! gising!" Sinampal ako ni lauryn. Bumangon naman ako kaagad at sabay hingal at tumulo ang luha, yumakap ako kay lauryn ng Mahigpit.

"Lau, pero bakit? Bakit hanggang sa panaginip nakikita ko si Ashton? Ang sakit!" Sabi ko sa kanya at talagang umaagos na ang luha ko.

"Tahan na Clara, tahan na." Sabi ni lau habang hinahaplos ang likod ko.

Inalis ko muna sa isip ko ang napana ginipan ko. Bumaba na kami ni Lauryn at maghahanda na sana ng breakfast pero pag baba namin, at himala, si Michael ang nag handa.

"Good Mornen' girls" sabi ni Michael at di mawawala ang kangyang british accent.

" Wow! Anong Lasong tumurok sa katawan mo at ikaw ang nag handa?" Tanong ni lauryn at umupo sa hapag kainan.

"A mix of Helium, Nitrogen, Petrulluim jelly and a little bit Soy sauce in spicy" sabi nya ng naka ngiti.

"great, bakit di mo pa nilagyan ng gayuma katulad ni abra. Tigok kana sana" respond ni lauryn ng mahina.

"Wala, natakot kasi ako kung baka ikaw ang unang makita ko at talagang mahuhulog ako sayo" sabi ni michael.

"Adik na nga dahil sa buhok, malandi pa. Tsk" reklamo ni lau.

"Shhh, nasa hapag kainan kayo. Subuin nyo na ang nasa harap nyo." sabi ko ng seryoso.

At saturday ngayon, BAR TIME! joke mamaya na baka agang-aga lasing nako at kung ano-ano pa ang malalabas ko sa baba ko.

Pumunta kami ni Lauryn sa Bookstore para bumili ng,

*2pcs Red Cartolina
*3pcs Blue Cartolina
*3pcs White Cartolina
*100 pcs. Of pencils
*100 pcs. Of sharpeners
*100 pcs. Of Plastic Envelops
*500 pcs. Long Bond Papers
*100 pcs. Crayons
*3 Black Markers
*2 Red Markers

Ang daming bibilhin ano? Di' namin to gagamitin lahat haler, kundi ang mga batang nasa ampunan.

Habang namimili kami talagang mapapalingon ako sa nakita kong "One Direction Where We Are Book" nako! Mag sisimula nakong mag erup! Kinuha ko ito at binili. Si Lauryn naman binili ang "hey! Let's Make a Band by: 5 Seconds Of Summer" Dalawa ang kinuhang kopya nya at dahil baka daw may 5sosfam sa batang ampunan na pupuntahan namin sa susunod na weeks.

"11,350 pesos po Ma'am" sabi ng Cashier.

" Eto." Inabot ko naman sa Cashier ang Credit Card na kinuha ko sa pitaka. At binalik naman ito ng Cashier sakin.

"Thank You Ma'am Come Again" sabi ng Cashier at nag smile.

Dala-Dala ko ang Dalawang Bag ng Binili namin at Dalawa din kang Lau, pero merong Tatlong bag pang natira at di' ko na kayang Bitbitin.

Right TimeWhere stories live. Discover now