(Chapter 18) Another Deal

6 1 0
                                    

Felix's POV.

After 4 weeks from recording.

"Job well done Sunberge, we hit 2 million views in youtube for only 3 days!"

"So, the deal?"

"Hmmmm... One month again, not four but one."

"Thanks."

Umalis agad ako sa opisina. Sumakay sa magara kung kotse at uwi agad sa apartment. Sinabihan ko na ang aking secretary na ayusin  na ang plane ticket ko papa uwi ng Philippines.
Dumeritso ako sa kwarto at hinakot lahat ng mga damit , kinuha ang maleta sa ibabaw at pinasok lahat ng kailangan. Clara, babalik na ko...

"Grandpa... Uuwi na ako..."

Tinawagan ko si Lolo Felixo ng walang ano pang salita. Clara sana, maabutan pa kita, sana mapatawad mo ako, sorry na talaga...

.
.
.

Clara's Mom POV.

I'm so Glad that Clara is find now. Na comatose nga sha pero wala naman syang nakalimutan at ang masaya pa dito ay masayahin sya.
Nasa labas kami ng hospital ngayon, sa haba ng araw na nandito kami sa hospital at binabantayan si Clara ay naka labas na din kami.
I'm the one who's driving, nasa front sit si Michael at nasa likuran naman sina adilyne, Clara at Lauryn.

"So pagkarating natin sa bahay, ay ipag luluto ko kayo ng Kare-kare ok?"

"Yes! Paborito ko yun!"

"Let's go?"

"Let's go!"

At umandar na ang sasakyan. Salamat naman sa diyos at bumalik na sa dati si Clara, pero sa panahon na makikita ko ulit si Felix, wala na sigurong dahilan na mapatawad ko pa sya. Malaking trahedya ang naibigay nya sa anak kong si Clara at malaki din ang epekto nun na ako, isang magulang.

———————————————

"Apo."

"Mano pa Lolo."

"Saan tayo pupunta?"

"Deretso tayo sa bahay nila."

"Sana walang mang yari apo."

———————————————

Naka rating kami sa bahay ng ligtas. Ang sarap sa pakiramdam na nakita mo ulit ang anak mo na tumatawa. Ang sarap sa pakiramdam na sayang saya sya sa ginagawa nya ngayon, ang sarap sa pakiramdam na naka ngiti kana Clara, anak.
Pag baba ay pinasok namin lahat ng gamit sa loob ng bahay. Agad naman akong dumeritso sa kusina at nag handa na nang pagkain. Nanood muna sila ng Palabas as usual, Spongebob na man palage. "Oh, pop corn." Inabutan ko sila ng popcorn, at tsaka Juice pam patulak. Bumalik nako ng kusina dahil bumubukal na ang niluto kung kare-kare. Habang nag uukay naman ako sa aking niluluto ay may nag doorbell. I turn off the stove at papunta na sana ako sa pintuan para buksan pero si Michael na ang nag bukas.

"Ako na tita..."

At pag bukas ay nagulat kaming lahat, maliban kay Clara.

"BAKIT KA NAN DITO?!"

nan dito sya, nan dito si Felix! Hinawakan ng mahigpit ni Michael si Felix sa kwelo habang pinipigilan ni Lauryn at Adilyne.

"Michael! Tama na!" Sumigaw si Clara, sa halip na malungot ako sa sarili ko dahil iiyak na naman ang anak mo eh hindi eh, hindi umiyak si Clara.

Binitawan ni Michael si Felix. May dala syang tatlong Blue Roses sa kaliwang Kamay. Lumapit si Clara sa Kanila at tinitigan si Felix. Maluha luha ang mata ni Felix at kitang kita mo talaga ang lungkot.

Nagulat kami sa biglang pag luhod ni Felix.
"clara Sorry!"

"Tumayo kang gago ka?!" Sisipain na sana ni Michael si Felix ng pigilan ulit nina lauryn at Adilyne.
"Michael! Kumalma ka nga!"

"Clara?! I'm sorry kung iniwan kita!"

Lumapit ako ng kaunti sa anak ko, in case kung umiyak ULIT.

"SORRY KUNG MAKA SARILI AKO!"
"sorry kung nasaktan kita!"
"SORRY KUNG GAGO AKONG TAO!"

"Hah?" Napa tingin kaming lahat kay Clara dahil sa reaction nya, may mali dito. Talagang may mali.

Tumayo si felix ng na mumula ang mga mata at pinahitan naman din nya ito.

"SINO KA?"

ano?! Wait?! Anak? Hindi mo sya kilala?
Kitang kita sa mata ni Felix ang sakit sa sinabi ni Clara. Baka ito na yung apekto ng pagka comatose nya.

Tumayo si Felix at hinawakan ang parehong braso ni Clara.
"Clara? Ako to. Ako to si felix!" Inuyog ni Felix si Clara.

"Bibitawan mo ko!" Winakli naman ni Clara ang pagka hawak ni Felix.

"Sino ka? At bakit ka nan dito? Di ka namin kilala at umalis ka na!" Pasigaw nyang sabi.

Hindi lang si felix ang nabigla sa pinag sasabi ni Clara kundi kaming lahat.

Nag tangkang lumapit ulit ni Felix kay Clara pero hinawakang pigilan nina adilyne at Michael si Felix.

"CLARA! AKO TO!! SI FELIX!!"

"UMALIS KANA FELIX!"

"CLARA!!!! ANONG NG YAYARI SAYO??!!"

"SABI KO UMALIS KA NA?!!!" sumigaw si Michael at natulak si Felix papalabas ng bahay. Napa dapa naman si Felix sa labas.

"Umalis ka na! At talagang hindi kita kilala! Kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" Sabi ni Clara.

Tumayo si felix at hindi parin nya binibitawan ang tatlong blue roses.

"Hindi... Hindi. Clara? Nag papanggap ka lang diba? Clara sorry kung iniwan kita s—" at hindi ko na pinatuloy ang pinag sasabi nya.

"Umalis ka na iho." Sabi ko.

"Diba nga, kagagaling lang nya sa ospital at alam mong! Na comatose sya. Kaya alam mo na din kung anong mang yayari." Sabi ko at inakbayan si Clara na katabi ko.

"Clara— please! Please lang! Alalahanin mo!—"

"Felix please, umalis ka na dahil bago lang kami naka labas sa ospital."

"Kung sino ka man, wala na akong paki alam dahil sa ugali mo pa ngayon ay hindi na kita kailangan pang aalahanin at— aray!"

"Anak, okay ka lang?!"

Muntikan ng malobog sa sahig si Clara at salamat nalang ay nasalo namin sya. Sumasakit ang ulo nya ngayon.

"Clara, pumasok tayo."

"At ikaw naman felix, umalis ka na!"

Pumasok kami sa bahay habang inaalalayan si Clara. Sinara namin ang pinto na nasa labas si Felix.

"Clara! Clara! Clara!!!!!!!!!"

"Babalikan kita claraaaaaaa!"

--

Inilapag namin si Clara sa Sofa at kumuha si Lauryn ng tubig.

"Girl, uminom ka muna."

At uminom naman sya. Nag aalala na talaga ako para sa anak ko. Baka kami na namang ang pamilya nya ang kanyang malimutan. Katulad ng paglimot nya kay felix.
Umopo ako sa tabi nya at niyakap, medyo na luluha narin ako.

"Mommy, bakit kayo umiiyak? Okay lang naman ako at tsaka medyo masakit lng din ang ulo ko." Sabi nya.

"Oh, darling.. nag aalala lang talaga ako sa iyo. Baka ano na naman ang mangyari sa iyo di ko mapigilang mapa luha."

"Ikaw talaga."

Inakbayan ko sya at hinalikan sa noo.
Pagka gabe naman ay magkatabi kaming dalawang matulog at binabantayan ko sya. Ayoko ng maulit pa ulit kung pano na wala ang papa nya, at hindi pa nya alam na wala na ang daddy nya.

Right TimeWhere stories live. Discover now