AGNH Epilogue

138 16 89
                                    

AGNH EPILOGUE

Pagella's POV

Fairytales and happy endings, fantasy and tragic stories. I didn't know that they really exist.

I was just a random writer trying to discover my writing style and trying to develop my crafts. I always believe that fairytales aren't real. Stories from the book were just made to entertain the readers.

Marami akong nabasang libro at mga minahal na karakter noon, hanggang sa naisipan kong gumawa ng kuwentong matatawag kong "Akin".

Mahirap gumawa sa umpisa, pero kapag nasimulan mo na ay magiging tuloy- tuloy na 'yon.

Akala ko, hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa mga karakter na isinulat ko.

Hindi ko namalayan na lumalim iyon sa hindi inaasahang paraan.

Minahal na ng mga mambabasa ang karakter na si Hugo Atticus, at sa tingin ko ay lalo nila itong mamahalin kapag nakilala pa nila ito o kung makasalamuha nila sa iisang mundo gaya ng naranasan ko.

Hindi ko akalaing mararanasan ko lahat ng mga bagay na 'yon.

Hindi ko akalaing hanggang doon mapupunta ang pagmamahal ng isang tao.

Sa sobrang lunod ko kay Hugo, naisipan kong gawan siya ng masakit na ending nang sa gayon, ako ang hindi masasaktan. Ako ang magiging masaya dahil alam kong wala siyang nakatuluyan sa dulo.

Sa sobrang pagmamahal ni Hugo kay Sephora, umabot siya sa puntong halos mawala siya sa sarili at talikuran lahat ng taong nakapaligid sa kanya.

Sa sobrang pagkagusto ni Horcrux kay Sephora, nagawa niyang pumatay ng tao, maging kriminal, at gawin lahat ng makakaya niya para makuntento si Sephora. Pero lahat ng 'yon ay hindi sapat.

Sa sobrang pagmamahla ni Rum kay Sephora, naisipan niyang maghiganti pero hindi naging maganda ang epekto nito.

At sa sobrang kahibangan ni Sephora kay Hugo, nakapatay rin siya ng tao, hindi nakilala ang sarili, at napag- isipang maghiganti.

Love can make us all crazy in different ways. That's how powerful it is.

But we can't blame ourselves, for we just love someone who is not meant to be with us.

I'm glad that I saw him once in my dream. And if we meet again, I hope we're on the same time, same place, and same page.

"'Nak!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni mama.

Kahit na hindi pa ako dumilat ay alam kong siya 'yon.

Pagkamulat ng mata ay tama ako, si mama ang bumungad sa akin at kita ang pag- aalala sa mukha niya habang ginigising ako.

Nasa bahay ako kasama si mama at wala sa apartment.

Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit nang makaupo ako sa kama.

"Huy, 'nak, ayos ka lang?" tanong ni mama kahit naguguluhan sa inaaksyon ko.

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya mata sa mata.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nakahithit ka ba ng katol?" tanong niya habang nakatingin ako sa kanya.

Hindi ako nakaimik dahil bigla na lang akong naluha na ikinagulat niya.

"Hala, anak, ano? May problema ka ba? Hindi ka ba a- attend ng booksigning?" Nagtataka akong tumingin sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.

"Po? B- booksigning?" Napailing at napairap ito sa akin bago tumayo habang ako naman ay nagpupunas ng luha.

Hindi ko akalaing nakabalik talaga ako. Nagising ako sa apat na sulok ng kuwarto ko at nakahiga sa kama, ngayon naman ay kausap ko na si mama tungkol sa sinasabi niyang booksigning.

A Guy Namely HugoWhere stories live. Discover now