"The girl you left behind."

2.2K 99 7
                                    

Disclaimer: This is based in a real life. Names and some information  were changed. Please do play the video on the multimedia area and prepare your tissues, too.

Copyright (c) liflovesyou 2015
Cover by liflovesyou (ME) :P


***

It's 10:45 in the morning at tinatamad pa akong kumilos. Dapat aalis ako para gumala sa mall o kung saanman na maisip ko. Ang kaso, napakainit sa labas. AS IN! Mahirap na at baka bigla akong atakihin ng asthma sa daan. Paano na lang kapag walang nakapansin sa 'kin? Baka na-tsugi pa ako ng wala sa oras, mabawasan pa ng magaganda sa mundo! Hahaha! Chos lang!

So ayun, it has been almost 7 years, yes! Seven freaking years since you've been gone. Ang tagal na pala, ano?

Alam mo ba, naka-graduate na ako ng high school. Actually, napakabilis ng panahon kasi sa darating na pasukan, third year college na ako. Pasado rin pala ako sa Engineering Qualifying Exam namin. Pinaghandaan ko talaga 'yon at nag-review ako nang mabuti.

Oo nga pala, Civil Engineering 'yong kinukuha kong course ngayon. You know why? Kasi, 'yon 'yong dream mo, 'di ba? Ang maging Civil Engineer.

Sabi mo sa akin, sa pagkakatanda ko, grade 3 ako no'n, tinanong kita...

"Ano'ng gusto mong trabaho pagtanda mo?"

Ang sagot mo sa 'kin?

"Gusto kong gumawa ng bahay. Tapos 'yong bahay na gagawin ko, para sa ating dalawa 'yon. Doon tayo titira kahit may asawa at anak na ako. Sa akin ka titira, ha?"

'Yon. 'Yon 'yong exact words na sinabi mo sa 'kin. Tandang-tanda ko pa rin. Ang galing ko 'no?

Kaya ako nag-take ng Civil Engineering kasi para sa 'yo. Para matupad ko 'yong pangarap mo. Kapag tinanong nila ako ng...

"Bakit ka nag-Civil Engineering, eh lagi mong sinasabi na gusto mong mag-Doctor?"

Ang sinasabi ko na lang...

"Ayaw kong mahiwalay sa best friends ko, eh."

Sinasabi ko rin na napilit lang nila ako. Baka kasi sabihin nila na ang babaw ko. Alam ko naman na hindi nila ako maiintindihan, eh. Hindi kasi nila alam ang pinagdaraanan ko. Hay.

Alam mo ba, Deans's Lister nga rin pala ako ngayong semester. Himala nga. eh. Ang swerte ko lang siguro talaga sa mga professor ko ngayong semester.

Feeling ko, kung kasama pa rin kita hanggang ngayon, sobrang proud ka para sa akin.

Naaalala ko pa no'ng elementary ako, kapag sumasali ako sa mga Quiz Bee, lagi kang present. Lagi kang nando'n para suportahan ako. Kahit may naka-schedule kang check-up sa doctor, ipapa-reshedule mo pa 'yon para lang masuportahan mo ako. Sobrang lakas ko kasi sa 'yo no'n, eh. Never mo akong natiis. Ako pa nga 'yong madalas magtampo, 'di ba? Kasi kapag sumasama ako sa ospital, ayaw mo akong pasamahin. Ayaw mo kasi nga madali akong kapitan ng sakit dati. Sinasabi mo na dadalhan mo na lang ako ng pasalubong pag-uwi at tinutupad mo naman 'yon palagi.

Sana no'ng bata pa ako, alam ko na 'yong tungkol sa sakit mo. Sana mas pinaintindi niyo sa akin. Akala ko dati, gagaling ka pa. Akala ko dati, simpleng sakit lang 'yon. Akala ko madadaan sa gamot, akala ko lang pala talaga lahat. Sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala.

Grade 5 ako, nag-exam ako sa Ateneo for summer advanced classes ng mga lessons na pang-grade 6. 'Yon 'yong first time na hindi mo ako nasamahan kasi hindi ko alam na sobrang lala na pala ng sakit mo.

Sabi mo, okay ka lang. Sabi mo, magaling ka na kinabukasan.

After one month, dumating na 'yong results ng exam. Tandang-tanda ko pa ang petsa no'n, April 14, 2008. Sobrang excited kong makauwi. Nakarating ako no'n ng bahay mga bandang alas-tres na ng hapon. Excited ako kasi nakapasa ako. Excited akong ipaalam sa inyo kasi alam kong bukod sa parents ko, ikaw 'yong pinakaproud sa 'kin. Pero pagdating ko, alam mo kung ano ang pinakaunang sinabi nila sa akin?

"Wala na siya anak, wala na ang ate Rhea mo."

PUTANGINA! Masakit! Masakit kasi hindi man lang ako nakapagpaalam sa 'yo ng maayos.

Sana hindi na lang ako pumasok no'ng araw na 'yon. Sana hindi ko na lang kinuha 'yong resulta ng exam. Kasi, mas importante ka sa 'kin.

Masakit, kasi 'yong mga pangarap nating dalawa bigla na lang naglaho ng parang bula. Pakiramdam ko naiwan ako sa ere. Iniisip ko, sana nagbibiro lang sila. Sana talaga binibiro lang nila ako. Kaso, hindi eh.

Masakit, kasi sa lahat ng pwedeng mawala sa 'kin, ikaw pa. Ikaw na laging nakakaintindi sa 'kin, ikaw na napagsasabihan ko ng lahat, ikaw na handang akuin ang lahat 'wag lang akong mapagalitan. Ikaw na ang kulang na lang ay palitan ang apelyido para lang sabihin na magkapatid talaga tayo.

Mahirap mag-move on sa pagkawala mo. Sobrang hirap. 'Yong pag gigising ako, wala na akong kasabay na kumakain. Tangina! Twelve years kasi tayong magkasama, eh. F*cking 12 years! Nasanay akong nasa tabi kita palagi. Nasanay akong ikaw 'yong natatakbuhan ko palagi. Wala eh, sinanay mo kasi ako.

Noong nawala ka, nagkaroon ako ng trust issues. Hindi na ako nakakapag-open up ng mga problema ko sa ibang tao. Iba kasi 'yong feeling eh. Iba 'yong kapag sa 'yo ako nag-oopen up.

Hayyy. Ngayon na lang pala ulit kita kinausap 'no? Akala mo nakalimutan na kita? Hindi 'no. Kahit kailan, hindi mangyayari 'yon.

Alam mo ba na after almost 3 years, na-open up ko ulit 'yong tungkol sa 'yo sa ibang tao.

After almost 3 years, nagkaroon ako ng lakas ng loob na ikwento ka sa ibang tao nang hindi umiiyak. Naikwento na kita kay Ate Ann. Sa lahat ng mga nakakasalamuha ko for the past 7 years, dalawang tao lang ang napagkwentuhan ko ng tungkol sa 'yo. Kahit nga best friends ko no'ng high school, hindi ka kilala eh. Pero 'yong elementary friends ko, kilala mo naman 'di ba?

Si ate Ann lang at ate Joanna ang nakakaalam ng tungkol sa 'yo magmula ng mawala ka sa amin.

Ang hirap kasi talagang mag-move on. Ang hirap! Simula no'ng nawala ka, nasabik na ako sa ate. Hinahanap-hanap ko na 'yong feeling ng may ate. 'Yong may napagsasabihan ng lahat.

Buti nga nandyan si ate Ann eh. Alam mo ba, sobrang bait niya at sobrang ganda pa. Pati 'yong ibang friends namin, sobrang bait nila. Sina ate Marie, ate Yza, ate Chelle, ate Liane, kuya Rence, basta lahat sila! Ang bait nila, sobraaaa. Ang saya nilang kasama at parang pamilya na 'yong turing ko sa kanila.

Ayun, sumulat ako para sabihin sa 'yong nami-miss na kita. :(

Sobrang miss na miss na kita, Ate Rhea.

Never kong nakalimutan 'yong mga ginawa mo para sa 'kin. Never kong makakalimutan 'yon.

Sorry kung hindi kita maikwento sa iba. Masakit pa rin kasi eh.

Kung mababasa mo man 'to, gusto kong magpasalamat sa memories, sa mga napagsamahan natin. Gusto ko rin malaman mo na masakit pa rin, masakit pa rin para sa 'kin 'yong pagkawala mo.

Pakiramdam ko talaga, inabandona ako. Pero alam kong masaya ka na dyan kasi kasama mo na si God, 'di ba?

Sana lagi mo akong bantayan, ha? Alam ko namang lagi kang nandyan.

I miss you, Ate Rhea. I miss you so much. :(

Until we meet again? I love you so much!! Bantayan mo ako lagi ah?

I love you.

Your little sissy,
Jane ❤️

***I ask you to cherish every moment with your loved ones 'cause you'll never know when they'll be gone. Please pray that "Jane" will continue to be strong despite of all she's going though. Thank you. :) God bless!

7 Years (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon