Lost

1 1 0
                                    

Third person Pov.

It was a rainy day that will change anything of Martin Hunglo life.

Ito yung araw na kung saan bigla nalang nawala na parang bula ang kaniyang mga magulang nasa pabilihan sila ng San Isidro na kung saan pinakasikat na bilhan ng mga groceries dito sa Northern Samar.

Pumunta sila doon upang mamili lamang ng mga pangangailangan nila sa bahay nila ngunit sa di inaasahang pangyayari hindi nakita ni Martin kung nasaan na ang kaniyang mga magulang. Dagsaan noon ang pamilihan dahil yun ang araw na maraming bumibili ng mga grocery.

Sa kabilang banda may dumakip palang mga nakaitim na soot sa magulang ni Martin panay gawa ng paraan ang mga magulang niya para lamang makatakas man lang ngunit dahil sa marami ang nakahawak sa kanila kaya kahit anong gawin nila ay hindi sila nakakawala rito.

Habang si Martin naman dahil pitong taong gulang palamang siya umiiyak ito habang hinahanap ang kanyang mga magulang. Pumaparoon, pumaparito siya dahil nagbabakasakali siyang makikita niya ang kanyang mga magulang sa di niya nalalaman nasa isang sasakyan na ang kanyang mga magulang at wala na doon sa pamilihan.

Habang hinahanap ni Martin ang kanyang mga magulang may sumusunod pala sa kaniyang isang ginang. Kung makikita mo ito ay kaidaran lamang ng kanyang ina ang ginang na sumusunod sa kanya. Nasa 30 na ang kaniyang ina sa araw na iyon.

Sa tagal ng sumusunod ang ginang sa kanya hindi na napigilan na hawakan ng ginang si Martin.

"Eho... Sino ang hinahanap mo?" Panimulang sabi ng Ginang kay Martin.

Napaatras naman ng kaunti si Martin sa gulat niya ng may bigla humawak sa kanya. Pero wala paring tigil ang kanyang pag luha nakatingin lamang siya sa Ginang.

At unti-unti ring naman bumuka ang kanyang mga labi "A-ang mga m-magulang ko po." Sabi ni Martin ng siya ay nakakasigurong mabait ang Ginang na kaharap niya ngayon.

"Kung ganoon eho... Tutulungan kitang hanapin ang mga magulang mo..." Sabi naman ng ginang sa kanya.

"Ako nga pala si airianne tawagin mo na lamang ako ng auntie." Pagpapakilala naman ng Ginang sa kanya.

Unti unti namang napangiti si Martin dito kaya nag pakilala din siya dito.

Marami pa sila napag usapan hanggang sa nagsimula na silang nag libot sa buong lugar ng pabilihan ngunit sa paghahanap nila ay hindi nila natagpuan ang mga magulang niya.

Si airianne ang Ginang na wala pang napapangasawa dahil sa hindi pa niya nakikita ang para sa kanya.
Kaya gusto niyang tulungan si Martin ay dahil sa naawa na siya dito at ayaw niyang maranasan ni Martin ang wala man lang tumulong dito.

Noon kasi sa kabataan ni airianne nangyari na ito sa kanya. At hanggang ngayon ngay hinahanap pa din niya ang kanyang mga magulang tulad din sa mga magulang ni Martin bigla ding nawala na parang bula ang mga magulang ni airianne.

Dahil sa hindi parin nila nakita ang mga magulang ni Martin napag isipan na ni Airianne na ipabukas nalang nilang ang paghahanap sa mga magulang ni Martin marami na ring tumulong sa kanila ngunit talagang wala doon ang mga magulang ni Martin.

Caught In The EyesWhere stories live. Discover now