Find ways

2 2 0
                                    

Third person Pov.

Napagdesisyunan ni Arrianne na sa kanila muna makituluyan si Martin at pumayag din naman ang mga kapulisan at gusto rin naman ng bata sa kay Arrianne.

Dahil na rin sa gabi na sila Nakauwi ng bahay dahil sa kakahanap sa pamilya ni Martin at wala din namang ibang mapupuntahan ang bata.

"Auntie, May nangyari po bang masama sa mga magulang ko?" Inusinting tanong ng bata sa ginang.

"Eh dalangin nalang natin sa Diyos iho na walang May nangyaring masama sa mga magulang mo." Sabi nalamang ng ginang upang pagaanin ang nararamdaman ng bata.

Masakit para sa ginang ang nangyari sa bata. Ngunit wala siyang magagawa dito dahil hindi naman niya hawak ang oras upang ibalik ang kaninang nangyari.

"Sige po auntie, mananalangin nalamang po ako para po gabayan po sila ni God." Sabi naman ni Martin sa ginang. Sa murang edad ay napakahusay at napakabait na bata si Martin. Tinuruan talaga ng maayos ang batang ito. Sabi nga nila nasa pamilya ang unang pag-aaral at hindi sa iskuwelahan.

Nag simula ng manalangin si Martin kasama si Arrianne mababanaag mo talaga sa mukha ni Arrianne paghanga niya sa mga magulang ni Martin pagpapalaki nila nitong bata. Buong akala niya ang masasalamuha niyang bata ay walang mudo o respeto sa mga nakakatanda sa kanila ngunit iba sa lahat si Martin tahimik lamang ngunit madaldal naman kung kinakausap.

Ng matapos ng manalangin ang bata ay inayos na ni Arriane ang habol ng bata para hindi lamigin. Ngunit humingi pa ng ibang request na kung pwede daw bang magkwento siya.

At dahil sa gusto din ng ginang iyon eh nag simula na siyang mag kwento tungkol sa princess and the frog.

Sa di kalauna'y naka tulog narin ang bata sa pakikinig ng kwento. Inayos ng mabuti ng ginang ang habol ng bata at bago umalis ay hinalikan niya ito sa noo na parang kanyang sariling anak. Bago siya umalis pinagmasdan niya muna ang bata habang nasa pintuan na siya. Bago niya ito sinara.

Napakasaya ng ginang nang oras na iyon dahil kahit papaano ma'y tinupad ng Diyos na maranasan niya kahit panandalian na kaya niya ring mag mahal sa mga bata. Matagal na niya itong hinihiling noong nabubuhay pa ang kanyang asawa.

Kahit alam niyang kukunin rin sa kanya ang bata ay minabuti niyang maranasan nito na hindi ito nag-iisa.

Napakabuti ng ginang. Noong araw ding iyon ay May mga pulis na nakapaligid sa bahay ng ginang upang bantayan ang bata.

Someone Pov.

"Hello, nakuha niyo na ba ang pinapakuha ko sa inyo?" Sabi sa kabilang linya.

"Yes po sir, narito na po sila. Hindi ngalang po namin nahanap ang bata po." Sabi naman ng tauhan nito.

"Hayaan niyo na ang bata wala akong paki sa bata ang gusto ko ngayon ay makuha at malaman kung nasaan nakatago ang yaman ng aking ama at bakit wala ni sintimo man lamang ibinigay sa akin!" Sabi naman sa kabila.

"Masusunod po." Tarantang sagot naman ng tauhan nito. Mabanaag nito ang galit ng kanyang amo.

Narinig ng tauhan na pinatay na ang tawag kaya't pinatawag niya ang mga kasamahan upang puntahan ang mag asawa at usisain patungkol sa hinahanap nila.

Sa kabilang banda.

"Sino kayo bakit niyo kami hinuli?" Tanong ni Miko ang ama ni Martin

Ang kalagayan ngayon ng magasawa ay nakatali ang katawan, ang mga kamay, at pati narin ang mga Paa kaya kahit anong gawin nilang galaw ay wala ring silbi dahil sa nakatali ito ng maayos. At Mayroon ding tabon ang kanilang mga mata kaya hindi nila malalaman kung sino ang humuli sa kanila. Naramdaman nilang iba na ang kaharap nila kaysa noong nasa sakyanan palamang. Dahil nakita nila ang mga mukha nito. At iba Basi sa naririnig nilang boses tsaka rin nila nalaman na iba na ang kasama nila.

"Nasaan nakatago ang mga kayaman ni Don Fredirico? Sabihin niyo sa amin ng makalaya kayo ng buhay!" Sabi ng tauhan.

"Ilang beses ko bang sabihin sa inyo na hindi namin alam ang pinagsasabi niyo..." Biglang naputol ang sasabihin ni Miko dahil sa naramdaman niya ang bagay na dumapo sa tyan niya.

"Ahh!" Sigaw niya nung inulit naman ang pag dapo nito nababanaag niya na isa itong kahoy.

"Ngayon, hindi niyo parin bang sasabihin kung nasaan ang pera o kayamanan!? Masasaktan lamang kayo kung hindi niyo sasabihin?" Sigaw na patanong ng tauhan.

"Tama na, kahit anong gawin niyo sa amin wala kaming masasabing nakakasaad sa mga hinahanap ninyo!" Sigaw naman ng ina ni Martin na si Elsa. Mabanaag mo sa boses nito ang takot sa mga nakapaligid sa kanila.

"Panong hindi niyo ang alam ang patungkol rito eh nung nabubuhay pa ito'y kayo lamang ang kasama ni Don Fredirico!" Sigaw naman nito.

Flashback

"Pinatawag ko kayong dalawa dahil sa mahalagang mission na ibibigay ko sa inyo. Kayo ang nakita kung makakatulong sa akin kung ano ang mga dapat kung gawin. Napagdesisyunan kung ipapadala ko muna sa ibang bansa ang aking anak dahil May nagbabantang patayin kaming mag ama at alam kung nasa kumpanya ko lamang ang nag plaplano nito. Tulungan niyo kung itakas ang anak ko sa mga kamay nila." Mahabang litanya ni Don Fredirico sa mag asawang kanyang pinakakatiwalaan.

Hindi alam nila na ang tauhan ng anak ni Don Fredirico ay andoon sa mga oras na iyon pero hindi naririnig ang usapan nila.

Mga ilang buwang ng nakalipas nagtagumpay sila sa plano nilang ipunta sa ibang bansa ang anak ni Don Fredirico. Sa kasamaang palad ay binawian na ito ng buhay dahil sa sakit nito. Marami ang naging masaya sa pagkawala nito ngunit marami ring nagalit dahil alam nilang ang anak ni Don Fredirico ang hahalili nito sa pagpapatakbo sa kumpanya pero hangga't wala pa alam ang anak nito'y sa pagpapatakbo ng kumpanya ay binigyan ng pahintulot ni Don Fredirico na ang ama ni Martin ang siya munang mamamalakad nito.

Ang bata ni Don Fredirico ay walang kaalam-alam sa mga pangyayari sa buhay ng kanyang ama. Kaya ngayong May sarili na itong pag iisip ang poot at ang galit nito ay napunta sa mag asawa dahil sa ito ang mga huling tao na kinakasama ng ama at iba ang dating sa kanya ng malamang ang mag asawa ang humawak sa kumpanya nila. Kaya sa galit nito'y napagplanuhan niyang ipahuli ang mga ito.

End of Flash back

Caught In The EyesWhere stories live. Discover now