UC, UC, Paano Ka Ginawa?

4.8K 63 5
                                    

Isang araw noong taong 2013, kinuwento sa akin ng pinsan ko na mayroon daw prequel ang My Sassy Girl. Eh one of the faves ko ang movie na 'yun so pinanood ko. Ang title ay Windstruck. Mga ilang beses lang naman ako pinaiyak nung movie na 'yun. Tapos mga isang linggong hangover.

Kasabay ng pag-rerecover ko sa Windstruck ay pinanood ko naman ang 21st Jump Street nina Channing Tatum my loves (hihi). Wapakels ako that time sa thesis namin dahil Prelims pa lang naman kaya movie marathon all week lang.

Mga bandang Hulyo, habang nagpapainit ng silya sa loob ng silid-aralan, nakatingin sa kawalan at hinihintay ang aming butihing Propesor Diego sa Sikolohiya, napag-isip isip ko na gusto kong maging astig. Gusto kong humawak ng baril while chasing the bad guys. Pero paano naman ako magiging astig kung mouse ang palagi kong hawak at hindi baril, kaya naman napagpasyahan kong isaletra na lang ang naisip ko.

Napahiwalay ang pagkakasandal ko sa upuan ko sabay sabi sa katabi kong si Hazel, "Parang gusto kong magsulat ng action."

Nilingon niya ako at sumagot ng, "Mga baril. Aralin mo 'yung mga baril."

Sinagot ko siya ng tango at ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Undercover Chic: The IngredientsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon