chapter 24

48.7K 785 56
                                    

Pierre 

Napalingon ako sa labas ng gate mula sa pagpapalit ng langis sa big bike ko ng makarinig ng sunod sunod na busina. Nag ingay na rin si Bruno at tumakbo sa gate. Tumayo na rin ako para silipin. Dalawang pamilyar na sasakyan ang nasa tapat ng gate ko na nakaparada. Bumuntong hininga ako at nagpunas ng kamay bago lumakad papuntang gate. Lumabas naman ang apat kong mga kaibigan at kumaway pa sa akin. Anong ginagawa ng mga to dito? 

Kunot noong binuksan ko ang maliit na gate at isa isang nagpasukan ang mga ito. Tumigil naman sa pagkahol si Bruno at kumawag ang buntot na lumapit kay Dan. Lapitin kasi ng hayop to.

"Nice place bro." Puna ni Lex habang nililibot ang paningin sa bakuran ko. Bungalow type ang bahay at old style. Ganito rin ang style ng bahay namin sa Laguna. Kaya nung naisipan kong bumili ng bahay dito para may matuluyan ay sakto namang binebenta to kaya binili ko.

"Yeah, thanks."

"And nice friendly neighborhood you have pare. Muntik na kaming iligaw kung di lang namin sinabing kaibigan ka namin. Malakas ka pala dito eh." Nakangising turan ni Dan na hinihimas himas ang ulo ni Bruno. Nginisihan ko lang sya. Malamang ang mga tambay ang napagtanungan nila. Maloloko pa naman ang mga yun sa mga dayo.

"Ano ba kasing ginagawa nyo dito? Hindi man lang kayo tumawag na pupunta kayo dito."

"Sinadya talaga namin na wag kang tawagan dahil alam naman naming di ka papayag, kaya pinuntahan ka namin sa shop mo eh wala ka naman daw at di ka papasok kaya dito ka na namin pinuntahan." Sabat naman ni Austin at kumagat ng makopa, inabutan pa nya ng isa si Seb.

Kumamot na lang ako ng ulo at kunot noong tiningnan isa isa ang mga kaibigan kong may mga nakakalokong ngisi sa mga labi.

Hindi talaga ako pumasok ngayon dahil walang pasok si Nika sa school. Sya lang din mag isa sa bahay nila dahil nag date sila Mang Gabo at Aling Sabel. Syempre pagkakataon ko ng masolo sya at mamaya lang ay nandito na yun. Pero pa'no kami magsosolo may mga dumating na asungot. Tsk! Paaalisin ko na lang sila mamaya.

Inaya ko na sila sa loob ng bahay at kanya kanya ng prenteng upo. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang fridge para maglabas ng limang beer in can. Inabot ko ito sa kanila isa isa at umupo sa pang isahang sofa.

"Nasaan pala ang girlfriend mo?" Tanong ni Seb na luminga linga pa sa loob ng bahay ko. Tinungga ko muna ang incan na hawak.

"Wala sya dito nasa kanila."

"Ah, akala ko dito rin sya nakatira." Sabay ngisi nya at tungga ng incan. Nag ngisian din ang tatlo.

"Hindi kami live in at may sarili din syang bahay dito."

"Ayos yan. Atleast malapit lang ang bahay nya at anytime pwede mo syang puntahan o dalhin dito." Singit ni Lex na nakangisi pa at nakadekwatro. Kumunot naman ang noo ko.

"Nagpunta lang ba kayo dito para makichismis?"

"Medyo. Ito kasing tatlo gustong makilala ang babaeng nagpatino sa kantutero naming kaibigan." Ani Austin na ikinatawa ng tatlo. Binato ko naman sya ng nadampot na magazine na sinipa lang nya sa ere.

"Makapag salita at makatawa kayo kala mo mga hindi rin kantutero, eh mas malala pa nga kayo." Asik ko sa kanila. Mga gago talaga!  

Iiling iling na akong tumayo at tumungo ng kusina para kumuha ng makukutkot habang umiinom ng beer.

"Pierre." 

Boses ni Nika na tinatawag ang pangalan ko sa labas. Kaya agad akong pumihit at bumalik sa sala. Nakatayo sya sa pinto at may hawak na malaking tupperware. Palipat lipat ang tingin nya sa mga kaibigan kong mga nakatanga naman sa kanya at parang mga manyakis na hinagod sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang kasi sya ng maiksing maong na shorts na may tastas sa laylayan kaya kitang kita  ang mahuhubog at mapuputi nyang mga hita, maliit na sandong dilaw naman ang pangitaas nya. Walang kolorete ang mukha at nakaipon lang pataas ang buhok nya, ang ilang hibla ay nakalawit pa. Ganitong ganito ang itsura nya ng una ko syang makita kaya hindi ko napigilan ang sarili kong maakit sa kanya at ngayon ay hulog na hulog na. Hindi na rin ako magtataka kung pati mga kaibigan ko ay naaakit din sa kanya, pero akin lang sya. Tagain ko pa mga itlog nila.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoWhere stories live. Discover now