Prologue

0 1 0
                                    

Love??

Sino pa bang naniniwala sa salitang yan ngayon?

Kung noong sa kapanahonan pa siguro to ni lolo maniniwala pa ako.

'Hara, promise me to be with someone na tanggap ka kung ano at kung sino ka not to those people na tanggap ka kasi ikaw lang ang nandiyaan.'

That is what my Grandma said before she past away. Pero I just set it aside kasi wala naman akong time sa love love na yan.

Sa panahon ngayon?
Never akong naniniwala na may love talaga. I sounded bitter but I'm not. I'm just not a fan of the so called relationship with fake feelings nowadays.

In the generation full of 'I love yous' pero di naman totoo. Love ka raw pero sinaktan ka. Hindi ka daw iiwan pero pinagpalit ka. May lalaki pang manliligaw tapos pagsinagot ng 'OO' aba biglang sabi 'so tayo na?' haha natatawa nalang ako.

I'm not bitter huh, naranasan ko na ang paglaruan ng ex kung hindi naman gwapo tss but as what I am saying I'm not bitter.
I promise to myself to never fall in love again because even if how genuine your love for the person is,
Kung manloloko yan, lolokohin at lolokohin ka rin niyan.

I promise to myself that I will never fall inlove again.
But I don't know that I broke the promise myself.

I'm not a fan of love...

Not until I met HIM.

Ezra Raphael Buenavista

***

"So class, why is it important to learn grammar? Anyone?"

Natahimik naman ang lahat at walang sumagot, yung iba pahikab hikab pa.
Tsk. Sino ba naman ang makikinig sa kaniya eh umuulan sa labas at ang lamig ng panahon.
I am ready to raise my hand to answer but she called my friend who's now smiling while typing at her phone.
May ka flirt na naman ata. As always.

"Okay Crishelle, ikaw sumagot"

Turo ni Miss Natividad sa kaibigan ko na hanggang ngayon ay busy parin sa pag ccp at hindi ata narinig ang aming guro.

"Miss Crishelle are you listening?!"
Sigaw ng teacher ko kaya nagmadali siyang tumayo at parang tangang nagpalinga linga

"Ahmm, perdon maam"
The heck, anong perdon? Pardon yun.

"I said why is it important to learn grammar?"
Tanong ng teacher kong parang bubuga na ng apoy. Minutes had passed pero wala parin siyang nasagot that's why I decided to raise my hand but----

*Prooooooooottt*

"Sinong umutot?"

"Ang baho bwisit"

"Tangina parang hindi nakapagbawas ng isang buwan eww"

At dahil nga sa nangyari the teacher decided to dismissed us. It's still raining very hard so doon sa Engineering Department nalang kami dumaan papuntang canteen dahil malapit lang naman yung building nila sa amin ITED(Institute of Education).

"Tangina danny ikaw ba yung umutot kanina? Salamat huh"

Patawa tawang saad ni Crishelle kay Danny one of my friend and he is a she, ano raw? Basta gay siya.

"Pinagsasabi mo diyan baka ikaw duhhh"
Maraming tumitingin sa amin dahil nga dito kami dumaan sa ibang institute and aside from that ang ingay rin ng mga kasama ko haysst.
In our circle, ako lang ang pinakatahamik at minsan lang akong magsalita.

*Blaggggggggg*

"Pfft.."
Pinigilan kung tumawa dahil naslide lang naman si Danny hindi niya kasi nakitang basa yung floor. Inirapan niya naman ako.

"Wag mong pigilan, baka mautot ka"

Pagkasabi niya non ay agad akong napahalakhak not minding the people around us na nakasaksi sa clumsiness ng kaibigan ko but karma strikes me.
Ako naman ang nadulas ng bigla akong nawalan ng balance kakatawa.

I'm thankful na naka tuck in yung white t-shirt ko na may kwelyo kaya hindi siya nadumihan.
I know na pinagtitinginan na nila ako ngayon especially my friends na tumatawa at sinasabihan pa akong 'ayan karma' 'tawa pa kasi Hara' kaya napa pout ako.

I even feel that someone is staring at me at hindi ako nagkakamali dahil pag angat ko ng tingin ay nakasalubong ko ang nakakainis na smirk ng isang lalaki few meters ahead of me meron siyang kasamang dalawang lalaki and unti unti siyang lumalapit sa pwesto ko at nag abot ng kamay.

I thought na tutulungan niya akong tumayo but pag abot ko sa kamay ko bigla niyang binawi ang kamay niya at nilampasan ako.

F*ck how dare he?!

Until I Found YouWhere stories live. Discover now